QC Prosecutor’s Office dismisses Sarah Lahbati’s Grave Coercion complaint against Annette Gozon-Abrogar and five others

In a ten-page resolution dated October 22, Assistant City Prosecutor Meynardo Bautista clears six respondents, including GMA Films President Annette Gozon-Abrogar (left), of the Grave Coercion complaint filed by actress Sarah Lahbati (right), due to insufficient evidence.


Ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang Grave Coercion complaint na isinampa ng aktres na si Sarah Lahbati laban kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar, dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ayon sa ulat ng GMA news program na 24 Oras, kahapon, Oktubre 24, absuwelto rin sa kasong grave coercion ang lima pang respondents.

Ito ay ang dating GMA Talent Development and Management Department head na si Arsenio Baltazar III, Icons Celebrity Marketing (ICONS) President Andrew Dee, Icons Talent Management Division Head Shiela Buendia, Icons talent management executive Albert "Bebong" Muñoz, at ang dating handler ni Sarah na si Michael Uycoco.

Nakasaad sa sampung pahinang resolusyon ni First Assistant City Prosecutor Meynardo Bautista na walang basehan ang reklamo ni Sarah, na nagsabing pinilit siyang pumirma ng respondents sa isang co-management contract sa ICONS.

Lumabas ang resolusyon ni Bautista noong Martes, October 22.

Ikinatuwa ni Atty. Gozon-Abrogar ang naging desisyong ito, dahil na-vindicate daw siya at lumabas ang katotohanan.

Ayon naman sa abugado ni Sarah na si Atty. Marie Glen Abraham, maghahain sila ng appeal at petition for review sa naging desisyon ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Matatandaang isinumite ni Sarah ang reklamong grave coercion laban sa mga nabanggit na personalidad sa Quezon City Prosecutor’s Office noong July 15.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, inilahad ni Sarah na pinipilit siya ni Atty. Gozon-Abrogar at ng iba pang respondents na pumirma ng co-management contract sa ICONS, gayong siya ay exclusive contract artist ng GMA Artist Center.

Sinabi rin ng aktres na mula December 2011 hanggang February 2012, patuloy siyang kinukumbinsi ng mga ito na pumayag sa naturang kasunduan, sa kabila ng kanyang protesta.

Kasama rin sa isinumiteng affidavit ni Sarah ang ilang bahagi ng pinalalagdaan umanong co-management contract niya sa ICONS at GMA Network.

READ: Sarah Lahbati files grave coercion complaint against GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi sapat para kay Prosecutor Bautista ang ebidensiyang inihain ng aktres para sa sinasabi nitong pagbabanta at pananakot mula sa nabanggit na GMA at ICONS executives.

Malinaw na malaya raw na nagdesisyon para sa sarili si Sarah nang tumanggi itong pirmahan ang inirereklamong “co-management contract.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN