Freddie Aguilar on Qualified Seduction complaint: “Wala po akong pinipilit na babae, wala po akong sini-seduce na babae.”

Freddie Aguilar on Atty. Ferdinand Perito’s Qualified Seduction complaint against him: "E, kung ganun po ang pagbabasehan natin ng Qualified Seduction, aba’y kawawa po ang mga nagmamahalan na magkalayo ang agwat ng edad..."

Kuha ang mga larawang nasa itaas ilang sandali bago ang interview ni Freddie at ng kanyang kasintahan para sa Buzz ng Bayan, na ipalalabas bukas, October 27. Sinadya rin ng PEP


Umalma at ikinagalit ni Freddie Aguilar ang balitang sinampahan siya ng kasong Qualified Seduction ng abugadong si Atty. Ferdinand Perito, noong Huwebes, October 24, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ito ay dahil sa pakikipagrelasyon ng 60-taong-gulang na singer sa isang 16 anyos na babae.

Unang inamin ni Freddie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ng kasintahan na 44 na taon ang bata sa kanya.

(Read: Freddie Aguilar now faces Qualified Seduction complaint)

Sa panayam ng Aksyon TV5 kay Freddie, noon ding October 24, sinabi niyang nagtataka siya kung bakit nagsampa ng reklamo laban sa kanya ang abugado.

Sabi niya, “A, wala lang sigurong magawa ang Atty. Prito na ‘yan.”

Paglilinaw ng anchor na si Erwin Tulfo kay Freddie, "Atty. Perito" at hindi "Atty. Prito" ang pangalan ng abugado.

Sagot ng singer, “Akala ko po Prito, e. Ang dating po kasi sa akin, Atty. Prito, pasensiya na po at nasa cell phone po ako, e.”

WALA PO AKONG SINI-SEDUCE.” Paliwanag pa ni Freddie, “Pero wala po akong pinipilit na babae, wala po akong sini-seduce na babae.

“At kung madumi po ang isip ng attorneyng ’yan, at nakakita siya ng picture ng dalawang nagmamahalan na tao, hindi ko po problema ’yan.

"At nagmamahalan po kami nung tao.

"At yun pong Facebook [pictures] na ‘yan, siguro, malamang kinuha po niya ’yan sa kasintahan ko.

"Kasi pinu-post po dun ng kasintahan ko ang mga pictures namin."

Ang tinutukoy ni Freddie ay ang mga larawan nila ng kanyang kasintahan habang naghahalikan, na isinumiteng ebidensiya ni Atty. Perito sa inihain nitong reklamo na paglabag sa Article 337 ng Revised Penal Code.

Patuloy ng "Anak" singer, “Siguro kinuha lang po niya doon siguro yun.

"At kung nakita po niya yun, e, ano po ang pakialam niya kung naghahalikan ang dalawang taong nagmamahalan?

“Ano pong masama doon? Kami naman po ay limang buwan na pong nagmamahalan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon ni Freddie sa sinabi ni Atty. Perito na kaya siya nagsampa ng kaso ay dahil naiskandalo siya sa larawang nakita sa mga social media, at infatuated lang daw sa singer ang dalagita, at parang napagsamantalahan daw ang dalagita.

Tugon ng singer, “Wow, ang galing niya, napaka-social-minded niya!

"Manghuhula pa siya at nalaman niyang infatuated lang yung aking girlfriend.

“E, hindi niya naman pinuntahan at kinausap yung tao, kung biktima nga ng seduction.

"E, Attorney, kung naglalakad ka o may kotse ka, nakikita mo ba yung mga bata na kinakawawa sa kalye?

"Ikaw ba ay hindi naiskandaluhan sa mga ginagawa sa mga ’yan?”

Ano naman ang naging reaction ng girlfriend niya sa balitang ito?

Sabi ni Freddie, “E, ganun din po ang sinasabi niya, na wala pong pumipilit sa kanya at hindi po siya infatuated.”

Kung sakaling may basehan nga ang kasong ito, posible kayang maging daan ito upang magkalayo silang magkasintahan?

Tugon ni Freddie, “E, kung ganun po ang pagbabasehan natin ng Qualified Seduction, aba’y kawawa po ang mga nagmamahalan na magkalayo ang agwat ng edad!

"Ito naman po at sasabihin ko ulit kay Atty. Perito... Na pumunta ka po sa mga lugar ng mga mahihirap.

"Meron pong mga buntis doon na twelve years old, hindi alam kung sino ang gumawa, hindi alam kung ano ang nangyayari.

“Meron din pong katorse anyos dun na nabuntis din, nandoon lang po sila sa paligid-ligid.

"Meron na po ba kayong ginawa tungkol sa mga ’yan?

"Yun po, hindi ba kayo nalalaswaan?”



DSWD INTERVENTION. May balita ring papasok na diumano sa eksena ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil may sangkot na menor de edad sa isyung ito.

Nakausap na ba ng DSWD ang kanyang girlfriend?

Ani Freddie, “Hindi pa po binisita ang kasintahan ko ng DSWD.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang binisita po ng DSWD ay ang magulang po ni Jovi doon po sa Mindoro.

“Kaya sa kasalukuyan po, nandito pa po si Jovi sa Maynila at nagbabakasyon.

"Pero uuwi din siya doon sa linggo po ’ata dahil nami-miss na niya ang kanyang mga kapatid at magulang.”

Ano ang sinabi ng mga magulang ng kanyang kasintahan sa hakbang na ito ni Atty. Perito?

Saad ng folk singer, “Kanina po siguro, narinig na rin nila yung balita tungkol sa abugado na yun, na nagsampa ng kaso yata daw tungkol sa akin.

“Kasi, kakatanggap ko lang po ng text mula sa mga magulang ni Jovi na nagsasabing, ‘Alam ko pinagdadaanan ninyo ngayon, pero gusto naming ipaalam sa inyo na kasama niyo kami sa pakikipaglaban.’"

Nasasaktan din ba ang mga magulang ng kanyang nobya?

“Opo. Nasasaktan din yung mga magulang ng girlfriend ko, pati ang mga kapatid."

Tanong pa niya: "Ikaw ba, Atty. Perito, hindi ka ba naiiskandaluhan dun na may sinasaktan kang tao?”

Sa kabila ng mga batikos at reklamong natatanggap, nangako si Freddie na ipaglalaban niya "hanggang sa dulo ng walang hanggan" ang kanilang pagmamahalan ng kasintahan.

Aniya, “Opo, opo, ’yan po, ’yan na po ang kanta namin, e.

“Akala ko po kanta lang ng pelikula ni Pareng Rudy Fernandez nung araw ’yan, e... sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

"Yun pala, magiging kanta ng buhay ko ’yan at ng buhay pag-ibig ko.”

WHO IS ATTY. FERDINAND PERITO? Walang mahabang nakatalang profile sa Internet si Atty. Perito, pero isa siyang miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), ang samahan ng licensed lawyers sa bansa.

Naging maingay ang kanyang pangalan noong 2012 nang sampahan niya ng contempt of court ang House Prosecution panel sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona, dahil daw sa pagpapakita nila ng mga ebidensiya sa media.

Noong 2011 naman, si Atty. Perito ay naging laman ng balita nang sinampahan niya ng disbarment case si dating Davao City Mayor Sara Duterte, dahil sa pananapak nito sa isang court sheriff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang lahat ng mga kasong ito ay na-dismiss.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN