Maja Salvador on negative speculation about her relationship with Gerald Anderson: “Maaapektuhan ako kung totoo.”

Maja Salvador on rumors that Gerald Anderson’s parents don’t approve of her: “Alam niyo po, hindi ko... ang hirap kasi. Kahit gustung-gusto kong magsalita kung ano ang katotohanan, mahirap din kasi baka may masabi. So, mas pipiliin ko na lang na quiet na lang ako. I-enjoy ko kung ano ang nangyayari sa akin talaga. I-enjoy ko kung ano ang mga totoong nangyayari.”


Kahit hindi masyadong nagkukuwento o nagsasalita si Maja Salvador tungkol sa boyfriend niyang si Gerald Anderson, tiniyak ng Kapamilya young actress na maayos ang kanilang relasyon.

“Very okay po,” maikling sagot ni Maja nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng pelikulang It’s Complicated noong Huwebes, October 24.

Masaya naman sila?

Sabi ni Maja, “Ano ba, kilala niyo naman po ako, hindi ako masyadong nagsasalita about sa lovelife ko.

"Kasi, hindi siya parte ng trabaho ko.

“Siguro, tama na po ang sagot ko na very okay.”

AVOIDING THE ISSUES. Umiwas namang sagutin ni Maja ang tanong kung may pinagseselosan siya.

Nali-link kasi si Gerald sa leading lady nito sa pelikulang On The Job na si Dawn Jimenez.

“Ay, nasagot ko na po yun,” sabi ni Maja.

Nagkakaroon din ba ng kumplikasyon ang relasyon nila ngayon?

“Hindi big... eto naman ako, sasagot naman ako,” pagpreno ni Maja sa kanyang sarili.

Mahirap bang sagutin ang tanong?

“Hindi, wala… wala naman. Thank God, wala naman.”

Napaka-smooth pala ng kanilang relasyon?

“Smile, smile lang ako,” sabi ni Maja, na pinaninindigang hindi magsasalita tungkol sa relasyon nila ni Gerald.

Sa estado ba ng relasyon nila ni Gerald ngayon, walang siyang dapat ika-insecure?

“Wala, hindi dapat,” sagot niya.

Itinanggi naman ni Maja na may pagkakataong tsine-check niya ang cell phone ni Gerald.

Sabi ng 25-year-old actress, “Siguro, noong bata-bata ako. Pero siyempre, yung maturity mo, darating ‘yan.”

Humingi rin ito ng paumanhin na hindi siya makasagot sa mga tanong tungkol sa lovelife niya.

“Sorry po, sorry po.

“Alam niyo naman ako, ang lovelife sa akin, kung puwedeng sa akin lang, sa akin lang po.”



SECRETIVE ABOUT LOVELIFE. Pansin naman ng ilang press, tila ngayon lang siya naging malihim o hindi masyadong nagbabahagi ng kanyang buhay pag-ibig.

Pagkontra agad ni Maja, “Uy, hindi, a!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang yung last relationship ko, doon lang.

“Pero, from the start naman, sobrang private ng lovelife ko.”

Bago sila ni Gerald, ang huling naging boyfriend ni Maja ay si Matteo Guidicelli.

Tinanong ng PEP si Maja kung ano ang reaksiyon niya sa kumakalat na balitang diumano’y hindi boto sa kanya ang mga magulang ni Gerald.

Tumawa muna si Maja at saka sinabing, “Alam niyo po, hindi ko... Ang hirap kasi.

"Kahit gustung-gusto kong magsalita kung ano ang katotohanan, mahirap din kasi baka may masabi.

“So, mas pipiliin ko na lang na quiet na lang ako.

"I-enjoy ko kung ano ang nangyayari sa akin talaga. I-enjoy ko kung ano ang mga totoong nangyayari.”

Hindi naman siya naaapektuhan sa mga ganitong isyu?

“Maaapektuhan ako kung totoo,” sabi niya.

Naniniwala naman si Maja na kahit wala siya sa showbiz, posible pa ring maging kumplikado ang buhay.

“Feeling ko, kahit wala ka sa showbiz, kahit naman sa normal na tao po, darating talaga ang sitwasyon ng pagiging kumplikado sa buhay at pagiging kumplikado sa isang relationship.

“Yung sa amin, kasi ang liit lang din naman ng mundo ng show business, kaya siguro nagkakaroon ng mga kumplikado sa mga sitwasyon namin.”

Factor ba ang pag-usisa ng press sa pagiging kumplikado ng relasyon ng mga artista?

“Hindi naman po,” nakangiting sabi ni Maja.

“Kasi minsan po, sa isang relationship, kunwari magbi-break na kayo, mas nakakaragdag...

"Kunwari, okay naman ang pagka-end ng relationship niyo. Tapos, may nabasa ka sa ganyan, may narinig ka sa ganyan.

"Doon mag-uumpisa yung, ’A, bakit ganito? Bakit may narinig akong ganyan?’

“Doon mag-uumpisa yung pagiging kumplikado yung magandang nag-end na relationship.”

Bilang babae, tingin ba niya’y may karapatan siyang mag-control ng relationship?

Sagot ni Maja, “Siguro, noong bata-bata pa ’ko, dapat ako ang nasusunod, ako yung ganyan.

“Pero ngayong nag-mature ka na, dapat sa relationship, give and take.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat mas malaki yung respeto niyo sa isa’t isa. Kung ano yung gusto ng isa, respetuhin mo.

“Kung ano ang gusto mo, respetuhin niya. Dapat ganun.

“Dapat, sa lahat naman ng relationship, hindi natatapos yung adjustment niyo sa bawat isa.”



HAPPY FOR MATTEO AND SARAH. Samantala, malakas ang usap-usapang ang ex-boyfriend ni Maja na si Matteo Guidicelli ay boyfriend na ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Ano ang reaksiyon ni Maja rito?

“Dapat maging happy po tayo,” sagot niya.

Masaya siya para kina Matteo at Sarah?

“Oo, di ba, ang love, dapat sine-share ‘yan sa isang taong espesyal talaga sa ‘yo?

"Then, nahanap nila yun sa isa’t isa, di ba? Spread natin ang love.”

Nagulat ba siya nang malaman ang balita kina Matteo at Sarah?

“Hindi, hindi naman po. Di ba, dati, nali-link naman sila?”

Tanggap naman ni Maja ang obserbasyon ng ilan na tila nag-iikutan lang ng partners ang mga artista sa totoong buhay.

Sabi niya, “Maliit lang po ang mundo namin, and hindi rin naman po namin yun plinano.

“May mga bagay na hindi po natin hawak.

"Biglang nagugulat na lang tayo, pati tayo, ’Anong nangyari?’ Na nandoon na po tayo sa sitwasyon na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN