James Yap enjoying relationship with Italian girlfriend Michela Cazzola; says they’re not engaged yet

Ayon kay James Yap, mas gusto niyang wala muna silang komunikasyon ng dating asawa na si Kris Aquino. Pahayag niya, "Mas magandang ganito na walang communication kasi mas tahimik, mas maiiwasan ang gulo."


Nilinaw ng basketbolistang si James Yap ang napabalitang magpapakasal na sila ng kanyang Italian girlfriend na si Michaela Cazzola.

Ayon kay James, hindi pa naman siya nag-propose sa kasintahan.

“Basta steady lang, basta masaya kaming dalawa.

“Ang kasal, nandiyan lang ‘yan, at mabuting makilala namin ang isa’t isa,” pahayag ng star player ng San Mig Coffee Mixers, na nagkampeon sa katatapos lamang na PBA Governors’ Cup.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa grand opening ng kanyang bagong negosyo, ang Mototechnik, kagabi, October 26, sa Granada St., Gilmore Avenue, Greenhills, San Juan.

Ang Mototechnik ay nagbebenta ng mga Italian motorbike, gaya ng Vespa, at iba pang imported motorbikes.

Sinang-ayunan din ni Michela ang naging pahayag ni James.

“We’re just enjoying our relationship,” sabi nito.

FAMILY’S APROVAL. Pahayag naman ni James, malaking bagay na may basbas ng kanilang pamilya ang kanilang relasyon.

Gusto raw si Michela ng kanyang pamilya, at ganun din naman daw siya sa pamilya ng kasintahan.

Sabi ng 31-year-old basketball player, “Pag nandito ang parents ko, naghahanap talaga siya ng time at nag-e-effort talaga siya na makipag-bonding sa parents ko.

“Na-appreciate ko yun, and tanggap niya yung parents ko.

"Kumakain kami sa labas, nagdi-dinner kami, natutuwa ang parents ko sa kanya.

“Kasi ang parents niya, super-bait din sa akin.

“Napaka-caring niya sa akin, mabait siya.”

FORGET THE PAST. Hindi na rin daw isyu sa Italian girlfriend ni James ang nakaraan nito, lalo na ang tungkol sa kanila ng kanyang ex-wife na si Kris Aquino.

Hindi rin maiwasang ikumpara ng iba si Michela sa kay Kris.

Sabi ni James tungkol kay Michela, “Wala naman siyang pakialam sa past.

“Kung kinu-compare silang dalawa, wala na akong magagawa dun, kasi hindi naman natin hawak yun... alam mo yun?”

Hindi pa raw naipakilala ni James si Michela sa anak niyang si Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Darating daw ang araw na magkikita ang dalawa, pero hindi pa raw niya alam kung kailan ito.

“Kailangan niya talagang makilala, kasi anak ko yun, e,” sabi ni James.

Hindi rin niya masagot kung papayag si Kris na makilala ni Bimby si Michela.

Mas mabuting tahimik na lang daw muna siya at wala muna silang komunikasyon ng dating asawa.

“Tahimik lang ang buhay ko ngayon.

"Sana tuluy-tuloy na, wala nang gulo.

"Ito naman lagi ang pinagpi-pray ko, na sana maayos na ang lahat."

Dagdag niya, “Hindi kami nag-uusap ni Kris.

"Mas magandang ganito na walang communication kasi mas tahimik, mas maiiwasan ang gulo.

“Sa ngayon, gusto ko lang muna na walang communication kasi mas okay ang ganito, e, mas tahimik.

“Mas gusto ko munang ganito and, I think, ganun din siya.

"As in, walang communication.”

VISITATION RIGHTS. Pagdating sa kanyang anak, hindi rin muna ganoong nagsasalita si James.

Medyo naaalangan siyang sumagot sa tanong namin kung nae-enjoy ba niya ang visitation rights niya kay Bimby.

“Okay lang naman… oo naman,” pakli nito.

Halos ayaw rin niyang magkomento tungkol sa pagpasok ni Bimby sa pag-aartista.

“Wala naman akong magagawa, e," sabi niya.

Pero kung may magagawa siya, pipigilan ba niya ang pag-aartista ng anak?

“Siguro, kailangan munang pag-usapan,” sagot ni James.

Pero bawi niya, “Well, nandito lang ako para suportahan siya.

"Nandito lang ako para sumuporta bilang tatay niya.”

NEW BUSINESS. Samantala, suportado ni Michela ang bagong negosyo ni James.

Ayon nga sa basketbolista, isa ang kasintahan sa kanyang inspirasyon, kaya niya itinayo ang naturang negosyo kasama ang ilang kaibigan.

Kuwento ni James, “Actually, tinanong ko siya about this business.

"Sabi ko, gusto ko pasukan ang mag-dealer ng Vespa. Sabi niya, ’Sige, go.’

“Kasi nung high school siya, nakuwento niya sa akin na may Vespa siya, at maganda raw yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN