Phil Younghusband on breakup with Angel Locsin: "We are thankful that we remain friends, and we only wish the best for each other."

Phil Younghusband about breakup with Angel Locsin: "There are no faults in this, it was not an issue of who did or didn’t do something, it was a mutual decision and although it was difficult we just both felt that this would be the best thing to do given our circumstances.” This was part of the official statement he posted on his Instagram this afternoon, October 27.


Isang araw pagkatapos tumangging magsalita ni Phil Younghusband tungkol sa breakup nila ni Angel Locsin, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Azkals football player.

Kung si Angel ay idinaan sa Twitter ang kanyang statement, si Phil naman ay naglabas ng kanyang pahayag sa Instagram.

Noong madaling-araw ng Biyernes, October 25, kinumpirma ni Angel, 28, ang pagtatapos ng relasyon nila ni Phil, 26, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag sa kanyang Twitter account (@143redangel).

(Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.")

Sa kabilang banda, sa kanyang opisyal na Instagram account (philipyounghusband), isang larawan na may mga salitang “Thank You for Your Support” ang nai-post ni Phil tungkol sa balitang ito.

Ito ay bilang pasasalamat ni Phil sa lahat ng mga taong sumuporta sa relasyon nila ng aktres.

Sa caption ng larawan, isang mahabang mensahe ang inilagay ng kilalang football player.

Kabilang na rito ang paghingi niya ng paumanhin dahil hindi siya agad nakapagbigay ng pahayag tungkol sa paghihiwalay nila ni Angel.

Bagamat hiwalay na, ito naman ang sinabi ni Phil sa mahigit isang taong relasyon nila ni Angel: “It was definitely a happy one.”

Katulad ng sinabi ni Angel, sinabi rin ni Phil na “mutual decision” ang naging breakup nila.

Aniya, “There are no faults in this, it was not an issue of who did or didn’t do something, it was a mutual decision and although it was difficult we just both felt that this would be the best thing to do given our circumstances.”

Hiniling din ng atleta sa followers nila ni Angel na patuloy silang suportahan kahit magkahiwalay na.

Sabi ni Phil, “As much as we tried to make it work we would just like to request for all of you to support us in our choice and that we respect one another in keeping our personal lives to ourselves.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nanghinayang sa naging pagtatapos ng relasyon nina Angel at Phil, na nagsimula noong February 10, 2011, kung saan niyaya ni Phil si Angel, sa pamamagitan ng Twitter, para sa isang Valentine date.

Umabot ng mahigit isang taon ang friendship ng dalawa bago sila maging opisyal na magkasintahan noong May 27, 2012.

(Read: Angel Locsin and Phil Younghusband break up?)

PHIL’S STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ni Phil sa kanyang Instagram account:

“Hi everyone, in lieu of the separation, I would like to thank you for all your support throughout our relationship.

“It was definitely a happy one, as much as we tried to make it work we would just like to request for all of you to support us in our choice and that we respect one another in keeping our personal lives to ourselves.

“It is a sensitive matter and I personally apologize for taking time to let everyone know about the situation.

“I am grateful for your support and we hope you continue to support both of us in our each of our endeavors.

“Neither of us regret the time we spent together, we enjoyed each others company and really made the most of it.

“There are no faults in this, it was not an issue of who did or didnt do something, it was a mutual decision and although it was difficult we just both felt that this would be the best thing to do given our circumstances.

“Although we have parted as a couple, we are thankful that we remain friends and we only wish the best for each other. Thank you very much for your support.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN