PEP EXCLUSIVE. Ervic Vijandre on Mo Twister’s negative comments about Ariella Arida: "Ang intensiyon talaga ni Mo, sirain talaga siya."

Ervic Vijandre on real score of relationship with Ariella Arida: "We’re happy. Kung anong meron kami, basta todo-suporta ako sa lahat ng gusto niyang gawin."


Walang dapat ipag-alala kay 2013 Miss Universe Philippines Ariella Arida, na ngayon ay nasa Moscow, Russia, para sa gaganaping Miss Universe Pageant 2013 sa November 9. (November 10 sa Pilipinas.)

Ito ang tiniyak ng napapabalitang boyfriend ni Ariella na si Ervic Vijandre, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong October 26, Sabado.

Matatandaang lumikha ng ingay ang mga naging pahayag ni Ara (palayaw ni Ariella), nang sabihin niya sa ANC program na Headstart, na hindi naman nakakakumpleto ng isang pangungusap sa Ingles ang Latina contestants sa international beauty pageants.

Ito ay matapos siyang tanungin ng host na si Karen Davila kung ano ang masasabi niya sa obserbasyon ng ilan na hindi niya ma-express nang mabuti ang sarili sa wikang Ingles.

(Read: Mo Twister criticizes Ariella Arida’s "offensive comments" about Latinas)

Maging si Ervic ay nasangkot sa kontrobersiya nang makipagpalitan siya ng maaanghang na salita kay Mo Twister, matapos batikusin ng huli si Ara via Instagram, dahil sa naging pahayag ng dalaga tungkol sa mga Latina.

(Read: Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida’s Headstart interview)

Kuwento ni Ervic tungkol kay Ariella, "Actually, nagti-text kami pag hindi siya busy sa Russia.

"Isa siya sa mga nagsabi sa akin na huwag na daw akong sumagot at huwag na daw akong pumatol. Hayaan na lang daw."

Paniniyak pa ni Ervic tungkol sa beauty queen, "Sobrang okay siya.

"Kaka-text lang niya sa akin kanina na she’s gonna do a fashion show.

"Kanina magtu-tour daw sila, pagkatapos magpa-fashion show daw.

"Sabi nga niya sa akin, relax lang daw ako. Sobrang okay daw siya."

Dagdag niya, "Yun nga... yung mga Latinas na contestants, sobrang okay daw sila, at dito lang talaga sa Pilipinas nagkakaroon ng ganito.

"Sobrang okay naman daw siya do’n.

"Sabi ko nga mag-enjoy lang siya, huwag na niyang intindihin dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFENDING ARA. Ipinagtanggol din ni Ervic si Ara sa mga kritiko nito tungkol sa hindi umano niya pagiging fluent sa English.

"Gaya ng sinasabi niya, hindi naman po ganun kahalaga ang pagsasalita ng English para manalo ka ng Miss Universe... para manalo ka ng title.

"Kaya nga Miss Universe, lahat ng [representatives] nagsama-sama, nire-represent nila ang kani-kanilang identity, bansa.

"Hindi kabawasan kung gumamit ka ng translator o hindi ka marunong mag-English."

Pagpapatuloy ni Ervic, "Ang hinihiling ko na lang sa mga namba-bash kay Ara, sa halip na ibatikos natin siya, ibaba natin ang morale niya—sana, suportahan na lang natin.

"Kasi tayo naman ang gaganda kapag nauwi niya yung crown na ’to.

"Kung ayaw niyo talaga sa kanya, huwag niyo na lang siyang guluhin."

Pati raw kasi ang pamilya at mga mahal sa buhay ni Ara ay naaapektuhan dahil sa nasabing isyu.

TAKEN OUT OF CONTEXT. Nagpaliwanag din si Ervic kung bakit nag-react siya sa mga ipinost na pahayag ni Mo Twister sa Instagram.

Sabi niya, "Yung sinabi ni Ariella was taken out of context.

"Ang intensiyon talaga ni Mo, sirain talaga siya.

"Ang gusto pa nga niya, kuhanin ang atensiyon ng mga Latinas.

"Parang siya yung nagbibigay ng side sa mga Latinas na, ’Ganito, may kababayan ako na parang sinisiraan kayo.’ Parang gano’n.

"Kung panonoorin mo nang buo yung interview ni Ara, ang gusto niyang sabihin, kahit nga yung mga Latinas, hindi masyadong marunong mag-English...

"Hindi nga sila makapag-construct ng sentence na English, pero sila pa rin ang laging nananalo sa pageant.

"So, ang ibig sabihin nito, hindi ganun kaimportante ang pagiging marunong sa pagsasalita ng English.

"Pero sila pa rin ang laging nananalo sa pageant, which is a good compliment sa mga Latina."

(Bukas ang PEP sa panig ni Mo hinggil sa mga pahayag ni Ervic.)

APOLOGY TO GAYS. Gusto ring humingi ng paumanhin ni Ervic kung nainsulto man ang mga taong nabibilang sa third sex sa kanyang mga pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pakikipagsagutan kasi niya kay Mo, gumamit si Ervic ng salitang "bakla" at "lady boy."

"Ang gusto kong sabihin, hindi katangian ang isang lalaki na pumatol sa isang babae... manira ng mga babae.

"Kung wala kang masasabing maganda, kahit na ibang tao—babae o lalaki—kung wala kang masabing maganda, huwag ka na lang magsalita.

"Lalo na kay [Ara] na nire-represent ang bansa natin, ang laki ng pressure at responsibilidad niya para guluhin pa."

Pagpapatuloy pa ni Ervic, nakita niya kung gaano kahirap ang ginawang preparasyon ni Ara.

"Kailangan may mag-defend sa kanya para hindi mawala yung focus niya sa kanyang pinaghahandaan.

"Kailangan ko lang talagang i-defend siya."

REAL SCORE. Dahil sa masigasig na pagtatanggol ni Ervic kay Ariella, inusisa namin ang aktor sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sabi ni Ervic, "We’re happy.

"Kung anong meron kami, basta todo-suporta ako sa lahat ng gusto niyang gawin.

"Kahit anong mangyari, andito ako lagi para sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN