Meryll Soriano declines offer of dad Willie Revillame to manage his business

Bagamat naiintindihan daw ni Meryll Soriano ang amang si Willie Revillame, nais daw talagang tapusin muna ng aktres ang pag-aaral niya bago hawakan ang mga negosyo ng ama. Sabi nito, "I haven’t been to college, this is the first time... I just really cannot give up on my education right now.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Meryll sa presscon ng pelikulang Sapi noong October 22 sa Mandaluyong City.

Kinumusta namin sa aktres ang ama nitong si Willie Revillame, matapos magpaalam sa ere ang noontime show nito sa TV5 na Wowowillie.

Sabi ni Meryll, “Okay naman, I haven’t seen him for a long time.

"The last time I saw him was nung nag-open yung mall [Wil Tower].

“Actually, hindi ko alam, I haven’t talked to him, so…”

Totoo bang may tampuhan sila hanggang ngayon ng ama?

Tugon niya, “Wala… wala namang tampuhan. Hindi naman kami nagtampuhan—tampong kulangot lang yun.”

Nag-ugat diumano ang tampuhan ng mag-ama dahil hindi tinustusan ni Willie ang pag-aaral ni Meryll sa London, kunsaan siya kumukuha ng kursong Product Design sa Central Saint Martins College of Art and Design.

Sabi ng aktres tungkol dito, “Yes, so I guess I just have to really work hard for my own education.

"It’s a good learning process, a good learning thing to be independent, and not to be dependent on, you know, on anybody.”

Naipaliwanag ba sa kanya ng ama kung bakit ganun ang naging desisyon nito?

Saad ni Meryll, “No, I think… I understand completely where he’s coming from, ’no?

"Kasi, because he wants me to take care of his businesses, but I just really want to finish school right now. Yun ang priority ko.

"And I can’t give him that so, unfortunately, we’re not on the same page. But, you know, it’s not a big deal.

"Well, it’s a big deal for him, but I really can’t right now. I’m not ready.”

Napabalita din noon na si Meryll dapat ang mangangasiwa sa bagong bukas na Wil Tower Mall, na pag-aari ni Willie.

Paglilinaw niya, “No, I was… I told him, it’s very clear. After I graduate, I come home, and I’m all his.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But gusto ni Papa, ngayon na, agad-agad.

"I just really want to finish school, just for myself and for my son, you know."

Ang tinutukoy ni Meryll ay ang anak nila ng dating asawa na si Bernard Palanca, si Elijah, 6.

Patuloy niya, "And I haven’t been to college, this is the first time that I’m venturing out into something that I’ve been dreaming of.

"So, right now, yun ang priority ko.

"Hindi kami magtagpo ng tatay ko, but then again, I understand him.

"And I just really cannot give up on my education right now.”

Dapat sana ay sa 2014 na siya magtatapos, ngunit tumigil daw siya ng isang taon para magtrabaho.

Ngayon, sa 2015 na siya matatapos.

Siya rin daw ang tumutustos ng lahat ng gastusin ng kanyang anak.

Hindi ba sinusuportahan ni Bernard ang kanilang anak?

Natatawa niyang sabi, “Ayoko nang pag-usapan! Yeah.”



LONDON ACCENT. Samantala, marami ang nakapansin na may twang na ang pagsasalita ni Meryll. Malamang ay nakuha niya ang kanyang British accent sa pamamalagi niya sa London ng ilang taon.

Biro niya, “Wala na nga akong accent ngayon, kasi nga ang tagal ko na dito.

"But, you have to because hindi ka nila maiintindihan... because they cannot understand you.

"So you have to learn how to talk to them. Hindi puwedeng kung ano lang yun…

"Of course, naiintindihan din naman nila yung English natin, because we are American English, e. Yun ang influences natin.

"But, it’s the same… may ibang mga terms lang na you have to adjust.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN