Sunshine Dizon saddened, but won’t comment on failed celebrity marriages

Sunshine Dizon on her dream role: "Maybe there will come a day na tipong yung mga panahon ng mga Lorna Tolentino, yung mga ganun na, mature role na talaga. Hindi lang yung nanay ka nung bida or whatever, it’s something that, you know, the story will stand up na... yung mga ganung panahon. Hindi na kasi ganun ngayon, ano? Parang yung older should be parang support to the younger, e."


Gumaganap na asawa ni Sunshine Dizon si Raymart Santiago sa remake ng Villa Quintana, ang bagong soap opera ng GMA na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Sa presscon ng kanilang teleserye noong Biyernes, October 25, sa 17th floor ng GMA Network Center, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine kung napansin ba niyang problemado si Raymart habang nasa taping sila.

Hindi naman kaila sa lahat ang pinagdadaanang problema ngayon ng aktor dahil sa hiwalayan nila ng kanyang misis na si Claudine Barretto.

Sagot ni Sunshine, “He’s very okay! He’s very okay.”

Ano naman ang reaksiyon ni Sunshine sa celebrity couples na naghihiwalay o nagkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama?

“Parang it’s so insenstive of me naman to answer that question!” natawang sabi niya.

Ngunit inamin niyang ikinalulungkot niya ang mga ganitong hiwalayan.

“Siyempre naman, always, siyempre ganun.

"Parang pag hindi ka naman malungkot, pag masaya ka, parang hindi naman yata normal yun!

“But, you know, whatever is better for them, you know, I’m for that.

"And I cannot say anything because I don’t know naman the real story."

HAPPY MARRIED LIFE. Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine kung ano ang sikreto ng kanyang masayang buhay-may-asawa sa piling ng kanyang mister na si Timothy Tan.

Tatlong taon na silang kasal at mayroon silang dalawang anak—sina Doreen, two years old, at Antonio, 1.

Sabi ni Sunshine, “Siguro, kasi my husband and I are very good friends. Iyon.

"And then our communication lines are always open. We talk about everything and ano... iyon.

“I think what holds us together is our friendship, e, more than anything.


Magkaibigan kami ng asawa ko.”

Tulad ng mga ordinaryong mag-asawa, nag-aaway rin naman daw sila.

“Oo, pero petty things lang, nothing big.

"Wala lang, mga... wala namang... nothing major.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more of, hindi kami nag-aaway, e.

"Siguro minsan naiinis lang kami, ganun, pero, you know, we choose our battles.

"Hindi namin, you know, kung hindi naman dapat, ganun, wala lang, deadma lang."

Nakatulong din daw na hindi artista ang mister niya.

“Oo, oo. Tsaka siguro kasi ano din, e, my husband is very supportive of my endeavors.

"Kung ano’ng gusto ko, tsaka since now that I’m working again, I include my husband in all my decision-makings, so iyon.

“Tsaka I see to it that, you know, my obligation to my family is fulfilled, no matter what.

"That comes first more than anything else.”

Hindi ba mahirap balansehin ang pagiging ina at misis niya, at ang pagiging artista niya?

Sabi ni Sunshine, “Ano naman, e, scheduling lang ’yan.

"Tsaka talagang I see to it, it’s a conscious effort na when I’m at home, I’m a housewife, I’m a mother. That’s it!”

LOYAL KAPUSO. Mula nang magpakasal at isilang ni Sunshine ang kanyang dalawang anak, pumirma siya ng one-year contract sa Kapuso network.

“Pero may automatic renewal naman kasi iyon, e, so bale parang two years.

“I opt lang for like that para ano lang, relaks lang.

"If I want to take a break again, I’m free to do so, ganun.”

Mula noong teenager si Sunshine ay sa nasa GMA na siya. Loyal ba talaga siya sa Kapuso network?

Sabi niya, “They know naman what’s good for you.

"The projects that they offer naman, parating pasok.

"Tsaka they’re family na, mga nanay ko na yung mga boss dito. Pamilya ko na talaga, no matter what.

“So, bakit ka pa pupunta sa iba, di ba?

"Tsaka ano naman sila, they’re very easy to talk to.

"Parang even when I was on break, you know, ‘O, are you ready na?’ Yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They were very patient. Ever since naman, they’ve been very patient with me.

“I just thank them na, masaya din ako, and I’m very thankful to them na parang after Mundo [Mo’y Akin], may kasunod agad.

“And, you know, something big again, so very happy," pagtukoy niya sa Villa Quintana.

May dream role pa raw si Sunshine bilang isang artista.

“Palagay ko, oo.

"Kasi, I dunno, maybe there will come a day na tipong yung mga panahon ng mga Lorna Tolentino, yung mga ganun na, mature role na talaga.

“Hindi lang yung nanay ka nung bida or whatever, it’s something that, you know, the story will stand up na... yung mga ganung panahon.

“Hindi na kasi ganun ngayon, ano? Parang yung older should be parang support to the younger, e.

“Gusto ko yung mga panahon ng mga Vilma [Santos] days niya, alam mo yun, may leading man na drama... whatever.

"Gusto ko ring ma-experience yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN