Senator Jinggoy Estrada asks for DOJ blessing to fly to the United States

Planong umalis ng bansa ni Senator Jinggoy Estrada sa kabila ng rekomendasyong kanselahin ang kanyang pasaporte dahil sa pagkakasangkot niya sa pork-barrel scam. Ngunit tiniyak ng senador na babalik siya bago mag-resume ang session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa November 18.


Aalis papuntang Amerika si Senator Jinggoy Estrada upang samahan ang kanyang asawang si Precy Ejercito, na hihingi raw ng second opinion dahil sa bukol nito sa dibdib.

Ito ay sa gitna ng isyung pagpapakansela ng pasaporte ni Senador Estrada—kasama sina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla, at 34 pang katao—base na rin sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nag-ugat ito sa kasong plunder, malversation of funds, at graft na kinahaharap ni Senador Estrada dahil sa pagkakasangkot diumano nito sa pork barrel scam.

(Read: Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada hit DOJ’s move to cancel their passports)

Sinabi ni Senador Estrada ang balak niyang paglipad sa Amerika, sa radio interview nito sa DZBB.

Ayon sa ulat ng InterAksyon kahapon, October 27, nangako raw ang senador na walang dapat ikabahala ang sambayanang Pilipino dahil babalik siya sa pag-resume ng session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa November 18.

Dagdag ni Senador Estrada, “Natural, e, siyempre, bakit naman ako hindi babalik?

"Sabi ko nga, e, dito ako ipinanganak, dito ako lumaki, dito ako pinalaki ng aking mga magulang, dito rin ako mamamatay sa aking sariling bansa.

“I will bring the medical records of my wife because they found a lump in her breast.

"Hindi nga ako mapalagay ngayon dahil gusto kong masiguro na talagang safe yung aking asawa."

Tiniyak din ni Senador Estrada na haharapin niya ang anumang kaso na maaaring isampa laban sa kanya ng Sandiganbayan.

Hindi rin daw siya iiwas sa anumang warrant of arrest na maaaring ipalabas kaugnay sa kasong plunder at iba pa na isinampa ng DOJ sa Ombudsman.

Dagdag pa nito, “Haharapin ko lahat ng mga kaso laban sa akin, lahat ng mga paratang laban sa akin.

"Nung araw nga, noong panahon ni GMA [former President Gloria Macapagal-Arroyo], alam na namin na lalabas yung warrant laban sa amin ni Pangulong Erap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ba, tumakas? Kami ba, lumabas ng bansa?

"Hinarap namin lahat ng kaso. Lahat ng paratang laban sa amin.”

Hindi rin daw hihingi si Senador Estrada ng "travel authority" mula sa pamunuan ng senado dahil ang kanyang biyahe ay hindi "official trip."

Naniniwala rin ang mambabatas na maaabsuwelto siya sa kaso laban sa kanya, katulad noon sa panahon ni dating Presidente Arroyo.

Aniya, “Eventually, after two years, na-acquit ako dun sa Sandiganbayan. Ibig sabihin, wala talagang basehan.

"Palagay ko, dito rin, kung saka-sakaling ipa-file ng Ombudsman yung kaso laban sa amin, wala naman talagang basehan.

"Hindi naman namin kasalanan yun."

DOJ WILL NOT PREVENT SENATOR ESTRADA. Samantala, sa panayam naman kay Justice Secretary Leila de Lima sa dzMM ngayong araw, October 28, sinabi nitong hindi maaaring pigilin ng kanyang ahensiya ang balak na pag-alis ng bansa ni Senador Estrada.

Ito ay kahit may kahilingan na ang DOJ sa DFA para kanselahin ang pasaporte ng senador.

Ayon pa sa kalihim, wala pang "hold departure order" o "lookout bulletin" sa senador upang harangin ito sa paglabas ng bansa.

Kinumpirma rin ni Secretary De Lima na tinawagan siya mismo ni Senador Estrada noong nakaraang linggo upang ipaalam ang kanyang planong dalhin ang asawa sa U.S. para ipa-check-up ito.

Kuwento pa ng DOJ Secretary, “Ang sabi ko naman sa kanya, ’Puwede pa ho kayong umalis kung talagang gugustuhin niyong umalis dahil wala pa namang grounds to prevent your departure. From my end, okay lang po ’yan.’

"At least he has the courtesy to inform us, the courtesy to manifest na ganun ang plano.

"Baka nga naman dati pa nilang plano ’yan, lalo na the reason cited—the health condition of his wife.

"Pag mga ganyan, puwede naman. We are not unreasonable."

Sinabihan din daw ni Secretary De Lima si Senador Estrada na dapat ilatag nang malinaw ang kanyang rason sa pag-alis ng bansa dahil baka raw pagsimulan ito ng maraming katanungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabihan din daw niya ito na ipaalam sa DFA ang mga petsa ng kanyang pag-alis at pagbalik sa bansa.

Saad niya, “Puwedeng ang mangyari diyan, ang DFA ay ide-defer ang action nila insofar as Senator Jinggoy is concerned.

"We really do not know what the DFA’s action will be regarding my request.”

Hindi pa malinaw kung kailan ang nakatakdang pagbiyahe ni Senador Estrada at ng kanyang asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN