Janice de Belen puts an end to questions on her zero love life: "Hindi ko na alam yung pag-a-adjust… Hindi ko na alam yung kinikilig… Parang ang tanda ko na sa mga ganyan.”

Janice de Belen sometimes still wonders why she and Carmina Villarroel have been called in to co-host Buzz Ng Bayan with Boy Abunda. Her first concern was that they were replacing Toni Gonzaga and Charlene Gonzalez-Muhlach, "because, even if you are given a new show, even if it’s something good for you, you don’t want to step on anybody’s toes.” She was appeased when the ABS-CBN management explained the new concept and f


"Okey naman, mababa naman ang presyon ko!”

Ito ang pabirong sagot ni Janice de Belen nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang lagay ng kanyang puso.

Pero sabi rin niya pagkatapos, “Alam mo, yun ang last on my list—and not even on my list.

“Kasi, di ba, ano pa ba?

"Pagdating sa pag-ibig, wala na akong dapat i-prove kasi may anak na ako.

"Di ba, in the normal cycle of life, siyempre, yun ang nilu-look forward mo—yung mag-asawa, magkaroon ng anak.

“Pag hindi umuubra, huwag nang ipilit. Baka hindi yun ang para sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa presscon ng ABS-CBN series na Honesto, noong October 24.

Kailan ba ang pinakahuli niyang relationship?

“Tagal na, five years na... Okey naman ako,” sabi niya.

Miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang dating kasintahan ni Janice, at nakitang nag-iba na rin si Janice ng relihiyon noon.

Ngunit kahit wala na sila, nananatili pa ring kapanalig ng INC si Janice, at hindi raw niya naiisip na kumalas rito.

“Wala namang kinalaman yun dun, e,” sabi niya.

Hindi niya ba isinasara ang posibilidad na magkaroon uli ng boyfriend o bagong pag-ibig?

Pahayag ni Janice, “Lagi na ngang tinatanong ’yan sa akin, e.

"Hindi ko na nga alam kung ano ang isasagot ko.

"Kasi, ayoko lang. Ayoko lang i-entertain yung thought.

"Like I said, ang happy ko sa ginagawa ko, e. Nagagawa ko lahat ng gusto ko.

“Saka feeling ko, after five years of being single, hindi ko na alam yung feeling na mag-a-adjust ka uli sa ibang tao.

"Hindi ko na alam... parang makasarili naman ako ngayon. These days, ganun ako.

“Saka sanay naman akong mag-isa.

“Alam mo, you cannot be happy with another person, if you’re not happy alone.”

Ibig sabihin, maikli na ang pasensiya niya sa pag-adjust sa ibang tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag tumatanda ka, umiikli talaga ang pasensiya mo sa kahit na anong bagay.”

Patuloy niyang paglilinaw, “Siguro, hindi ko na alam yung pag-a-adjust.

"Hindi ko na alam yung kinikilig. Or kung dapat kinikilig ako.

“Parang ang tanda ko na sa mga ganyan.”

Mayroon bang mga nagpaparamdam o nagpapalipad-hangin sa kanya?

“Hindi ko kasi talaga inilalagay ang sarili ko sa sitwasyon na ganyan. Kaya kapag tinatanong pa lang ako diyan, no agad ang sagot ko.”

FORGIVENESS. Napatawad na ba niya ang mga dapat patawarin?

“Oo naman, na-forgive ko na lahat. Tapos na ako sa ganon.

"Kasi happy naman ako. Happy ako sa ganito.”

Tumanggi nang magsalita si Janice sa tunay na rason ng hindi magandang paghihiwalay nila ng dating asawang si John Estrada.

Sabi ni Janice, “Tagal na, ha! Buklatin pa ba natin? Tapos na tayo diyan.

"Limang taon na ang nakalipas. Hayaan na natin ’yan.”

Tungkol sa "honesty" ang tema ng bagong teleserye ni Janice, ang Honesto, kaya naman tinanong namin kung hindi na ba talaga sila magiging magkaibigan ni John?

“A, gaya ng sabi ko... alam mo, suportahan na lang niya nang tama ang mga anak ko.

"Hindi siguro kami magiging magkaibigan, pero magiging okey kami.

“Hindi naman ako magiging ganito for no reason. Hindi naman ako hilo at hindi naman ako ganung klaseng tao.

"Ang sa akin, ibigay mo sa kin nang tama ang para sa mga anak ko, wala tayong problema.”



BUZZ NG BAYAN. Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Janice kung ano ang nagbunsod sa ABS-CBN para kunin sila ni Carmina Villarroel bilang hosts sa reformatted version ng The Buzz—ang Buzz Ng Bayan.

Nawala sa programa sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzalez-Muhlach, at ang ipinalit nga ay sina Janice at Carmina.

Na-retain naman sa programa si Boy Abunda.

Lahad niya, “Kinausap lang kami ng management na eto ang magiging mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Valid naman yung reason, iba naman ang concept.

"And, you know, the excitement is there, to be working with Tito Boy.”

Hindi ba siya nagdalawang-isip na may papalitan silang hosts sa programa?

Sabi ni Janice, “Tinanong ko naman yun, e. Klinaro naman sa amin ang mga bagay-bagay.

"Of course, yun naman ang una kong concern.

"Because, even if you are given a new show, even if it’s something good for you, you don’t want to step on anybody’s toes.”

Parehong galing sina Janice at Carmina sa defunct Saturday showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz Inside Report.

TONI AND CHARLENE. Nagkausap ba sila nina Toni at Charlene tungkol sa pagpasok nila ni Carmina sa Buzz Ng Bayan?

Sabi ni Janice, “Hindi naman.

"Kasi, feeling ko, management ang kumausap sa kanila. Hindi naman namin place yun.

"It was a management decision.”

Wala naman silang problema ni Charlene?

Si Charlene ay misis ni Aga Muhlach, na dating kasintahan ni Janice at ama ng kanyang panganay na si Luigi.

Nakangiting bulalas ng aktres, "Talaga? Mang-intriga talaga tayo?"

Dagdag niya, "Wala naman kaming problema.”

PUBLIC OPINION. May mga nagsasabing may touch ng Face To Face ng TV5 ang Buzz ng Bayan, dahil nag-e-entertain na ang show ng opinyon mula sa iba’t ibang tao.

Sagot dito ni Janice, “E, di ba, sa panahong ito, hindi lang dapat opinyon namin ang maririnig ng tao, dapat ang opinyon ng lahat?

"Especially now, na gusto ng lahat ng tao na magsalita, whatever it is that they are thinking.

“Ang difference naman namin, it’s how they relate to the lives of the people we’re talking about, or halimbawa sa kung ano ang topic na pinag-uusapan.”

Papunta na ba siya sa genre ng pagiging public-service host?

Sagot ni Janice, “Showbiz talk host pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung iniisip ninyong public service, hindi-hindi. Ayoko nun."

THREE SHOWS. Tatlo ang shows ni Janice ngayon.

Maliban sa Buzz ng Bayan at Honesto sa ABS-CBN, mayroon din siyang matagal nang celebrity cooking talk show sa Net 25, ang Spoon.

Hindi ba siya nahihirapan?

Tugon niya, “Pag gusto mo ang ginagawa mo, mas madaling gawin ang mga bagay-bagay.

“Mabuti na nga, eto na, wala naman ibang nakakagambala sa ibang ginagawa ko, so okey ako.”

Sa dami ng trabaho ni Janice sa telebisyon, masasabi bang napatunayan niyang hindi isyu ang pagiging malusog ng artista para hindi kunin ang kanyang serbisyo?

“Maraming tao sa mundo. Hindi lahat sila, size zero.

"Ang importante, tapat ka sa ginagawa mo, mahal mo ang trabaho, gusto mo ang ginagawa mo at kung ano ang dapat.

“Walang size, walang color, walang gender.”

Walang nagrereklamo sa size mo?

“E, ano’ng gagawin ko? Ano’ng gagawin natin?” nangingiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN