Ervic Vijandre on meeting Dingdong Dantes for the first time: "Walang tensiyon."

"Ang layo... mestisong-mestiso siya. Parang Español siya, ako ay indio!" Ito ang sagot ni Ervic Vijandre sa mga nagsasabing magkamukha sila ni Dingdong Dantes. Si Dingdong ang kasintahan ngayon ng ex-girlfriend ni Ervic na si Marian Rivera.


Nagkakilala at nagkatrabaho sa unang pagkakataon sina Ervic Vijandre at Dingdong Dantes sa pamamagitan ng primetime teleserye ng GMA Network, ang Genesis.

Ang Genesis ay pinangungunahan nina Dingdong, Rhian Ramos, at Lorna Tolentino.

Papasok sa mga susunod na episodes ang karakter na gagampanan ni Ervic.

May isang babaeng nag-uugnay kina Ervic at Dingdong: si Marian Rivera.

Si Dingdong ang kasintahan ngayon ng Kapuso Primetime Queen, at si Ervic naman ay naging boyfriend noon ng aktres.

Walong taon din nagtagal ang relasyon nina Ervic at Marian, na natapos noong 2008.

Noong 2010 naman ay inamin nina Dingdong at Marian ang kanilang relasyon.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic, sa pamamagitan ng telepono, noong October 26, Sabado.

Sabi niya tungkol kay Dingdong, "First time kong na-meet siya dun sa set.

"Nung Thursday [October 24], second taping ko, dun ko siya unang na-meet."

Ano naman ang pakiramdam na makaharap at makausap ang current boyfriend ng kanyang dating girlfriend?

"Sobrang tagal na rin naman... sobrang tagal na ’yon.

"Sobrang thankful ako na naging guest ako sa teleserye ni Dingdong," pahayag ni Ervic.

Walang bang tensiyon o kaba siyang naramdaman nang makaharap si Dingdong?

Sagot ni Ervic, "Walang tensiyon.

"Actually, sobra nga akong nagpapasalamat na nakasama ako sa show nina Dingdong."



FACE TO FACE. Inusisa ng PEP si Ervic kung ano ang mga napag-usapan nila ni Dingdong sa kanilang paghaharap.

Sabi niya, "Parang di naman kami nakapag-usap [nang matagal].

"Winelcome naman niya ako kung saan kami nagkita.

"Nag-shake hands naman kami, ganyan...

"Ako nga ang nahihiya, e. Siyempre, di ba, Dingdong Dantes ’yan?

"Sobrang okay naman siya... mabait naman."

Biniro namin si Ervic dahil marami ang nagsasabing may hawig daw silang dalawa ni Dingdong.

Mabilis na sagot niya rito, "Ang layo... mestisong-mestiso siya.

"Parang Español siya, ako ay indio!"

Bandang huli, pinaalala niya na sana raw ay abangan ng mga tagasubaybay ng Genesis ang kanyang pagpasok sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa nasabing serye, abala rin ngayon si Ervic sa paglalaro ng basketball, kung saan din siya nakilala dati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN