Rhian Ramos shocked that Richard Gutierrez is no longer with GMA Network

Ayon kay Rhian Ramos, alam ng kanyang boyfriend na si KC Montero na hindi pa siya handang magpakasal. Sabi ng aktres, “I don’t even have to say it, pero I think halata na it’s... na I’m not in that stage.”


Pagpasok ni Rhian Ramos sa showbiz ay si Richard Gutierrez ang unang naging leading man niya, sa pamamagitan ng fantaserye ng GMA Network na Captain Barbell (2011).

Kaya ikinagulat ni Rhian nang banggitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Genesis na hindi na nakakontrata sa Kapuso network si Richard.

Sabi ni Rhian, “A, wala na ba? Hindi ko alam. What? Asan siya?

“I just thought he was laying low or something.

"I just thought natapos lang yung show."

Ngayong alam na niya, nagulat daw talaga si Rhian sa balita.

“Shocked! Puwede nating unahin yung shock!” at natawa si Rhian.

“You know what? Parang feeling ko, I’m not in the position naman to give advice or judge a decision or whatever.

“As long as he made the decision himself, and he’s happy, then I’m all for it... whatever.”

Ikinalungkot niya ba ito na baka hindi na niya makasama si Richard sa isang GMA project?

“You know what? I don’t believe na porke’t nasa ibang istasyon yung tao, hindi mo na sila makakatrabaho.

“I mean, look at everyone na nakakatrabaho ngayon ni Dingdong [Dantes].

“And right now, I’m working with someone from Channel 2 in an indie film also.

“I can’t say the title kasi, e. Pero dark love story, indie film with someone from Channel 2—that’s all I can say.”

Naniniwala ba si Rhian na magku-krus pang muli ang landas nila ni Richard?

“Posible naman, anything’s possible.

"For all we know nga, may mga umalis na sa GMA, bumalik pa. So, di ba?”



READY FOR DARING ROLES. Kung ide-describe ni Rhian ang sarili niya ngayon, matapos ang mga unos na pinagdaanan niya sa buhay, sino na siya bilang aktres?

Handa na ba siya sa mature and daring roles?

Sagot niya, “Yeah! I’ve always naman been willing to do all kinds of roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sometimes, the things that you’re ready to do, people aren’t ready to put you there. Alam mo yun?

“Like for example, if you spoke to me, like, four years ago, I would still say ‘yes’ to a mother role, parang it’s no big deal for me.

“Pero parang they just decided to not to give me one, parang ganoon.

“So, like for example right now, I’m ready for all sorts of roles, daring or not daring.

“Pero, it’s really up to them kung ano yung maibibigay nila sa akin, I’ll be happy.”



MARRIAGE PLANS. Naitanong naman kay Rhian kung may balak na silang magpakasal ng boyfriend niyang si KC Montero.

“None! None yet. Maybe when I’m thirty-something.

“Matagal nga iyon, hindi pa naman end of the world, di ba?

“Marami pang time, hindi pa end of the world, sa Genesis lang!” at natawa si Rhian bilang pagtukoy sa pinagbibidahang teleserye.

Ang Genesis kasi ay tungkol sa pagwawakas ng mundo.

Paano kung gusto na ni KC na pakasalan siya? Hindi ba siya pinipilit ni KC?

“No, no, hindi. He doesn’t…”

Hindi rin daw seloso si KC.

“Ay, no, he’s super not seloso, and I’m super not selosa also.

"I think that’s what makes us a good partnership.”

Kahit pabiro ay hindi nagyaya si KC na magpakasal na sila?

“It’s just... I think he understands kasi, like the reason why it’s not brought up is, I think he...

“I don’t even have to say it, pero I think halata na it’s... na I’m not in that’s stage.”

Kung si KC ay naroroon na sa stage na iyon, paano kung papiliin siya ni KC between him and her showbiz career?

“Well, kasi, parang siguro, what I’ve learned in my past relationships is, hindi puwedeng laging ikaw yung nagko-compromise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ayaw mong gawin, tapos gagawin mo na lang kasi mahal mo yung tao.

“Hindi naman puwedeng laging ganoon.

"That’s why, honestly, I believe that love isn’t enough.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN