Paolo Contis still rues losing friends in his time of need, thankful to few friends who stood by

Maganda ang nakikitang bukas ni Paolo Contis para sa kanyang sarili pagkatapos ng mga unos na pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na panahon. Saad ng aktor, “It’s a new start, it’s a new beginning, with a new Paolo. Hopeful akong baguhin yung lahat ng mali ko, kasi ngayon alam ko na yung mali. So, hopeful ako doon.


Nitong mga nakaraang panahon ay maraming matinding pagsubok sa buhay ang naranasan ng aktor na si Paolo Contis.

Kabilang na ang pagkamatay ng kanyang ama noong 2010, at ang paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Lian Paz noong 2012.

Bukod sa kanyang pamilya, umasa si Paolo sa suporta at pang-unawa mula sa kanyang mga kaibigan dahil sa mga pinagdaanan niyang ito.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaari silang hingan ng tulong at sandalan sa oras ng pangangailangan.

Ito ang napagtanto ni Paolo na naging isang leksiyon para sa kanya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, sa lahat ng pinagdaanan ko, you will see who your friends are—and hindi siya marami.”

Ayon pa sa kanya, marami siyang “kaibigan” na nawala na nagdulot ng masakit na realization.

“Oo! Ang daming nawala, higit sa kalahati.

“Oo naman, masakit. E, ganoon naman ang buhay, e, you have to learn the hard way.

“From time to time, you have to learn the hard way.

"But it makes you stronger, it makes you smarter.”


THANKS TO FRIENDS. Pero malaki ang pasasalamat ng aktor sa Kapuso network na hindi raw siya pinabayaan.

Aniya, “Now, iyon nga, masaya ako naalagaan ko ang sarili ko.

"But more than anything, thankful ako sa GMA na hindi nila ako pinabayaan.

“Kasi, alam ninyo naman, di ba? Minsan sa ganitong klaseng isyu, puwede ka namang pabayaan ng network...

“Kasi hindi maganda yung pangalan mo, yung image mo, puwede kang bitiwan—hindi nila ako binitiwan.

“Actually, ito yung ibinigay nila sa akin, mabait na role, binigyan nila ako ng Bubble Gang, for people to see or for people to actually remember that I’m funny.”

Ang tinutukoy niyang "mabait na role" ay ang karakter na ginagampanan niya sa remake ng Villa Quintana.

Puwede ba siyang magbanggit ng isang kaibigan na hindi siya iniwan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dingdong Dantes,” mabilis na sagot ni Paolo.

Paano siya sinuportahan ni Dingdong?

“Lahat! Name it, name it, Dingdong Dantes ‘yan!”

Sinu-sino pa, bukod kay Dingdong, ang hindi siya binitiwan?

“May ibang hindi bumitiw, I mean, sabi mo kasi isa lang.

"O, huwag na, huwag ka nang magtanong, tama na, isa lang!” ang tumatawang pag-iwas ni Paolo.

Dagdag niya, “Maraming hindi bumitiw, maraming sumuporta in different ways, one way or the other, pero si Dingdong, in 10 ways.

“Kumbaga, hindi lang siya sa isang aspeto sumuporta sa akin, sa maraming aspeto, at nandiyan siya.

“Hindi niya ako dyinudge [judged], hindi niya ako ano... any time, nandiyan siya.”

Baka may "bromance" na sila ni Dingdong, pagbibiro namin kay Paolo.

“Papunta na nga doon!” sabay-tawa ng dating child actor.



LOSING FRIENDS. Saang isyu siya nasaktan nang husto?

“Lahat siyempre, lahat.

"Hindi naman sa pinaka, at saka isang buhos naman yung isyu, e. So regardless ano, nandiyan ‘yan.

“Doon ako nasaktan, maraming nawala [na mga kaibigan]."

Pagkatapos nito ay nagbigay si Paolo ng isa pang pangalan ng taong hindi siya iniwan noong may pinagdadaanan siya.

“Sige, magne-name ako ng isang babae—si Lolit, si Nanay Lolit,” pagtukoy niya sa kanyang talent manager.

Kuwento pa niya, “Araw-araw akong minumura ni Nay Lolit, inaaway.

"Pero nanay ko yun, e, di ba? Iyan ang hindi bibitaw.

“Araw-araw niyang sasabihin sa iyo kung ano yung mga pagkakamali mo.

“Nakakasawa, actually. Kahit hanggang ngayon, pagtawag mo, blah-blah-blah!

“Sabi ko, ‘Mangungumusta lang ako, e.’

“Pero andiyan siya, sisiguraduhin niyang hindi ako mapariwarang muli, sabi nga niya sa akin.”

Napariwara nga ba si Paolo dati?

“Hindi naman, yun lang tawag niya.

"Alam mo naman si Nay Lolit, yung iba-iba yung words niya—luma. Luma, o!” sabay-tawa ni Paolo.

Sa tingin ba ni Paolo, ano ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya?

“Huwag muna nating sagutin ‘yan, tsaka na natin sagutin,” pag-iwas niyang muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE TRUTH. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Lian Paz, sinabi nitong naniniwala siya sa sinabi ni Paolo na hindi totoong lulong sa sugal ang aktor.

(Read: Lian Paz clears ex-husband Paolo Contis on gambling issue)

Ano ang masasabi rito ni Paolo?

“Dapat maniwala siya, kasi wala naman talaga, e. Wala naman talaga.

“And regardless kung sabihin niyang oo o hindi siya naniniwala, yung mismong casino ang magsasabi, na ni minsan hindi ako natuntong doon.”

Sa palagay ni Paolo, bakit may ganoong isyu na lumabas tungkol sa kanya? Kanino nanggaling?

“Hindi ko alam,” pagtataka rin niya.

“Well, maaaring may mga napuntahan akong lugar, maaaring na-incorporate ako sa ibang mga tao...

“Pag may laban si Manny [Pacquiao], nakikita ako sa Vegas, but it does not mean that I play—I never, ever played.

“Ni hindi ako marunong mag-blackjack.

"Marunong ako mag-slot machine, pero ni minsan, hindi ako nakapindot—so wala talaga.”


HOPEFUL PAOLO. Paano niya ilalarawan ang sarili niya ngayon?

“Hopeful! Very hopeful about the future.

“As I’ve said, after...

"Well, I’m hoping na matapos yung case na aking ipinayl soon, at maganda and I’m hopeful for the future."

Ang tinutukoy ni Paolo ay ang annulment case na isinampa niya upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Lian.

“It’s a new start, it’s a new beginning, with a new Paolo.

“Hopeful akong baguhin yung lahat ng mali ko, kasi ngayon alam ko na yung mali.

"So, hopeful ako doon.

“But it doesn’t mean kakalimutan ko yung lahat ng meron ako dati.

“I have my kids and I will never forget that I’m their father, I will be a father to them.

“I’m just happy na... hindi lahat nabibigyan ng second chance, e, na ganito.

"Ako naman, gusto ko pag nag-second chance ako, clean slate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ginagawa ko lahat ng mga bagay na ito para sa future ko, clean slate ako.

“And I believe I owe that to my next partner.

"Happy siya, maayos ako, walang ibang problema.”



MORE CAREFUL. Sa tingin ba niya ay magiging mas mapili at maingat na siya sa susunod niyang karelasyon?

“Dapat! Siyempre careful, especially... ganoon talaga, e.

"Kailangan naman dapat naman ganoon talaga,” sabi ni Paolo.

Ano ang ginagawa niya para maproteksyunan ang mga anak nila at hindi maapektuhan ng issues nila ni Lian?

Sabi ni Paolo, “In fairness naman, I see my kids every week.

“Hindi naman sila... Well, in terms of apektuhan, dahil bata pa sila, kalalakihan na nila ‘yan, oo.

“So, malalaman nila ‘yan, hindi ko itatago sa kanila ‘yan. Hindi ako magkukunwari, hindi kami magkukunwari.

“So, sabi nga, as long as I see my kids, masaya sila pag nakikita ako, sabi ko, hindi naman sa lahat ng times, suwerte yung ibang nangyayari.

“Katulad ng may ibang kaso, sa case ni... ayoko nang sabihin, sa case ng kaibigan ko na si Raymart [Santiago], mas grabe, di ba?

“So, I’m thankful na lang that I see my kids.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN