PEPtalk. Martin Escudero on family: "Okay lang mawalan ako basta’t silang lahat meron. Ganun ko sila kamahal."

Sakali mang lisanin ni Martin Escudero ang showbiz, nakikita raw niya ang sarili sa politics. Plano rin ng aktor na maging isang direktor balang araw. Narito ang #MartinEscuderoonPEPtalk!


Sa unang dalawang bahagi ng PEPtalk with Martin Escudero, nagkuwento ang TV5 star tungkol sa teleserye niyang Positive at sa estado ng kanyang career.

Watch:

PEPtalk. Martin Escudero and what’s keeping him "positive" these days

PEPtalk. How Martin Escudero feels about career status of Starstruck batchmates Aljur and Paulo

Sa pangatlong episode, napag-usapan ang tungkol sa mga plano niya sa buhay, kabilang ang pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.

Pagdating sa pamilya, inamin ng aktor na kaya niyang i-sakripisyo ang lahat.

“Naku, baka magkaiyakan tayo dito,” pabirong hirit ni Martin.

Dugtong niya, “Okay lang mawalan ako basta’t silang lahat meron. Ganun ko sila kamahal.

"Siguro baka pag narinig nila, isipin nila mali naman, pero yun yung kaligayahan ko e, yung mapaligaya ko sila.”

Sa kasalukuyan, ang bahay na tinitirhan ng kanyang pamilya ay pundar ng 23-year-old star mula sa kanyang napanalunan sa StarStruck noong 2007.

Napagtapos na rin niya sa kolehiyo ang isang kapatid.

Aniya, “Siyempre, yung bahay meron na. Ang focus ko ngayon yung studies ng mga kapatid ko.

“Graduate na yung isa kong kapatid, ano na siya, registered nurse, and then yung isa sa culinary, HRM [Hotel and Restaurant Management], graduating na siya sa April.

“So lahat ng plano nangyayari.”

At hindi man gaanong napagtutuunan ng pansin ni Martin ang pagbabalik-eskwela, alam na raw niya ang mga gustong gawin sa buhay.

“Planado ko na yung gagawin ko hanggang sa mamatay ako, e,” sabi ni Martin.

“Ang pangarap ko talaga kung aalis ako sa showbiz ay maging pulitiko.

“Iba yung pangarap ko sa mundo, e. May plano ako, e. May gusto ako baguhin sa sistema.

“Nalulungkot ako pag nakakakita ako ng batang nanlilimos o walang bahay.”

Sa kabilang banda, “Gusto ko rin masubukan maging isang direktor.”

Bago nagtapos ang PEPtalk episode, tinanong si Martin tungkol sa kanyang lovelife.

Sagot ng binata, “Sa tingin ko, wala akong masasabi tungkol diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero meron daw laging ka-text ang Kapatid star... sino kaya?

Alamin sa #MartinEscuderoonPEPtalk part 3!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN