Venus Raj, loveless, says she’s happier now: “Ayoko ng lovelife, hindi na uso yun!”

Kung may isa pang pangarap na gustong matupad ni Venus Raj, ito ay ang maging isang guro. Pahayag ng beauty queen, “Kasi ngayon, pag nakikita ko yung mga teachers natin, ay, grabe! Sobrang saludo ako sa kanila. At lalo pag nakikita mo yung mga kabataan na parang... Ang kailangan lang naman talaga nila is guidance, ang kailangan lang naman talaga nila ay tamang gabay. Sana may tao na gagawa noon para sa kanila. And given the chance to be a teacher, talagang, ay, naku!"<


“Ay, walang mga ganyan-ganyan, ayaw ko niyan!”

Ito ang naging reaksiyon ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj nang subukang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa kanyang lovelife.

“Walang lovelife, ayoko ng lovelife, hindi na uso yun!” tawa pa ng beauty queen.

“Ano ako ngayon, inspired by the family, by the work that I have, by my studies.

“Napakaraming bagay that you should be inspired of.”

Ang huling naging boyfriend ni Venus ay ang TV host-actor na si Andrei Felix.

DIVINE PROVIDENCE. Since loveless siya ngayon, ano ang nararamdaman ni Venus kapag nakikita niyang masaya ang kapwa niya beauty queen na si Shamcey Supsup?

Ikakasal na ang Miss Universe 2011 3rd runner-up sa boyfriend nitong si Lloyd Lee sa December.

“I’m so happy for them, super-happy for them,” sambit ni Venus.

Wala ba siyang nararamdamang “kurot” sa puso dahil wala siyang boyfriend ngayon? Wala bang inggit?

Sagot ni Venus, “Wala naman, wala naman.

"Sobrang natutuwa ako para kay Shamcey at para kay Lloyd.

"Kasi ano ‘yan, e, it’s Divine Providence. Alam mo yun?

“Bibihira yung tao na nahahanap kaagad yung tao na para sa kanya, na inilaan ni Lord para sa kanya.

“And you know, as for me, I am happy with what I have now, I am happy for the people around me now.

“Contentment lang naman ang kailangan sa buhay para maging masaya.”

Masasabi ba niyang mas masaya siya ngayon?

“Mas masaya ako ngayon kaysa dati,” sagot ni Venus.


BACK TO SCHOOL. Napag-alaman namin nula kay Venus na nag-aaral siya ngayon sa University of the Philippines.

“I’m taking up my master’s degree in community development,” banggit niya.

Bakit iyon ang pinili niyang kurso?

“Kasi napakalapit sa puso ko ng course na iyon, kasi bumuo ako ng isang foundation.

“Ang nagpaaral sa akin noong college ako is a foundation, yung Francis Padua Papica Foundation Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko, siguro maganda rin na in the future, magkaroon din ako ng sarili kong foundation.

“Siguro not to send students to school, pero sa ibang paraan.

“Napakarami namang paraan para makatulong ka sa kapwa mo, so I took up community development.”


EDUCATOR. Gusto rin daw maging teacher ni Venus balang-araw.

“Sabi ko nga, kapag natapos ko yung pag-aaral, gusto kong magturo.

"Gusto kong maging teacher, honestly, yeah!

“I’ll still do show business on the side, but at the same time, iba yung feeling ng parang may calling.

“Iba yung pakiramdam na yung ginagawa mo ay talagang nakaka-inspire ng mga kabataan.

“Gusto ko siya talagang gawin, ever since, pero ngayon lang ako nagkaroon ng time to study again and took up my master’s.

"So, iyon.”

Bata pa lang si Venus ay pangarap na raw niyang maging teacher.

“Parang mali nga yung nakuha kong kurso!” ang natatawang sabi niya.

“I took up journalism during college, pero sabi ko, ‘Sana pala, nag-education ako noon!’

“Kasi ngayon, pag nakikita ko yung mga teachers natin, ay, grabe! Sobrang saludo ako sa kanila.

“At lalo pag nakikita mo yung mga kabataan na parang...

"Ang kailangan lang naman talaga nila is guidance, ang kailangan lang naman talaga nila ay tamang gabay.

“Sana may tao na gagawa noon para sa kanila.

"And given the chance to be a teacher, talagang, ay, naku!

“I think I will be the best teacher!” ang tumatawang sinabi pa ni Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN