PEP EXCLUSIVE. Mo Twister asserts he was sharing his opinion, not bashing Miss Universe Philippines Ariella Arida in Instagram post

“If Ariella does not speak English well, she should also not point out, in a news interview, that a large group of people doesn’t speak it well either... That is wrong.” Ito ang depensa ni Mo Twister sa kontrobersiyal niyang pahayag patungkol kay Miss Universe Philippines Ariella Arida.


Nagbigay ng kanyang panig si Mo Twister hinggil sa kontrobersiyang kinasangkutan bunsod ng kanyang pagpuna kay Miss Universe Philippines Ariella Arida, at ang pakikipagpalitan niya ng maaanghang na salita, via Instagram, sa napapabalitang boyfriend ng beauty queen na si Ervic Vijandre.

Nag-ugat ang isyu nang punahin ni Mo—Mohan Gumatay sa totoong buhay—ang pahayag ni Ariella sa Headstart, isang programa sa ANC news channel.

Tinanong ng Headstart host si Ariella tungkol sa kritisismo sa kanya, na hindi raw maka-express nang husto ito ng saloobin sa wikang Ingles.

Bahagi ng sagot ni Ariella: “Latinas cannot even speak a sentence, right? I mean, a complete sentence... in English."

Ang episode na iyon ng Headstart ay ipinalabas noong October 21, Lunes, isang araw bago tumulak si Ariella patungong Moscow, Russia, para sa Miss Universe 2013 pageant.

(Read: Mo Twister criticizes Ariella Arida’s "offensive comments" about Latinas)

Nilinaw naman ng mga taong malapit sa beauty queen na ang ibig sabihin ni Ariella ay hindi kailangang maging fluent sa English ang isang kandidata upang maging Miss Universe.

Isa sa nagtanggol kay Ariella ay ang aktor na si Ervic, na nakipagsagutan pa nga kay Mo sa Instagram.

(Read: PEP EXCLUSIVE. Ervic Vijandre on Mo Twister’s negative comments about Ariella Arida: "Ang intensiyon talaga ni Mo, sirain talaga siya.")



TAKEN OUT OF CONTEXT. Nakontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo, na ngayon ay naka-base na si New York, sa pamamagitan ng email.

Nagpadala kami ng ilang katanungan sa kanya sa email, kagabi, Martes, October 29.

Natanggap namin ang kanyang kasagutan ngayong araw, Miyerkules, October 30.

Unang tanong ng PEP kay Mo: Ano ang intensiyon ng komento niya sa Instagram tungkol sa naging pahayag ni Ariella na hindi fluent sa English ang Latina candidates?

Sagot ni Mo: “I was giving my opinion of the interview and was sharing that opinion with people who follow me on social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I thought that what Ariella said in her interview might be interpreted as offensive by people of Latin descent.

“I know what she meant to say, and the spirit it was intended, but how you say it, is equally important when you represent the Philippines at this level.

“I think that is what people need to remember. Kasi ang dami nagsasabi na I took it out of context.

"I did not. I know what she was trying to say, but it doesn’t mean that it’s not offensive.

"If Ariella does not speak English well, she should also not point out, in a news interview, that a large group of people doesn’t speak it well either, and yet they prosper in the pageant. That is wrong.

“If I’m not mistaken, over one-third of the contestants at the Ms. Universe pageant are from Latin countries.

“I’m assuming quite a few of them speak English rather well and just CHOOSE to speak their native tongue for strategic reasons or for reasons such as pride, comfort, and so the population in their home country can understand their message better.

“It doesn’t mean they CANNOT complete a sentence in English.

"That is poor logic and reasoning to say [they] are not capable of doing that.


"MOST EMOTIONAL COUNTRY." Sa puntong iyon ng mensahe ni Mo, binanggit niya ang isang pag-aaral ng 2013 Gallup Poll, kung saan lumabas sa nasabing survey na ang Pilipinas ang “most emotional country in the world.”

Ang pinanggagalingan marahil ni Mo ay ang pagiging sensitibo ng mga Pilipino sa kanyang naging pahayag tungkol kay Ariella.

Narito ang link na kalakip ng email ni Mo: http://www.forbes.com/sites/travisbradberry/2013/08/17/the-most-and-least-emotionally-aware-countries/

Dito ay ibinahagi ni Mo, sa kanyang sariling mga salita, ang nilalaman ng survey:

“Part of that, I believe, is what makes many us [feel] offended when a foreigner criticizes us in media, TV shows, novels, even on Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Among the other more emotional countries (according to the poll) are El Salvador, Colombia, Costa Rica, Guatemala, Chile—all Latin countries.

“My point is that if we get so easily offended, why not be more aware of also being offensive to others? Especially when REPRESENTING THE PHILIPPINES.

“I’m not saying all Latinas were offended by what she said, but there’s a chance some might be, as we would, and Ariella shouldn’t point out their ‘flaws’ in order to justify hers.

"She should remember she is running to represent beauty both from the outside and the inside."



NO INTENTION TO BASH ARIELLA. Kinunan namin ng reaksiyon si Mo sa pahayag ni Ervic na balak umano talaga nitong “sirain si Ariella.”

(Read: PEP EXCLUSIVE. Ervic Vijandre on Mo Twister’s negative comments about Ariella Arida: "Ang intensiyon talaga ni Mo, sirain talaga siya.")

Tugon ni Mo: “I have no intention to bash Ariella. There’s no personal gain. I wanted to share my opinion.

“I actually want Ariella to do very well.

“I have to admit that I’m not a beauty pageant enthusiast, but in any arena that would showcase the Philippines positively, I’m all for it.

"I’m rooting for Ms. Philippines, this year and every year."

Naging matalas naman ang mga salita ni Mo para kay Ervic.

Aniya, “I think Ervic was the one who said na intensyon ko ay sirain si Ariella.

“I think Ervic is an idiot, but I understand that he is trying to play action star. He’s just thinking with a different part of his body.

“If you read Ervic’s comments to me, it’s clear he suffers from poor judgment and to even call me ‘bakla,’ because he doesn’t agree with my opinion, shows his level of bigotry and stupidity, and in my opinion, he’s one less moron in government—I’m glad he lost in his bid to represent Taguig.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumakbo bilang konsehal ng Taguig City si Ervic noong nakaraang May 2013 elections, subalit hindi siya pinalad manalo.


MESSAGE TO BASHERS. Magkahalo ang mga inaning komento ni Mo mula sa netizens dahil sa naging pahayag niya tungkol kay Ariella.

Marami man ang bumatikos sa kanya, mayroon din namang mga sumang-ayon.

May mensahe ba siya sa bashers niya?

Saad ni Mo, “I don’t have a message to bashers, we all have our opinions.

"The one thing I read a lot though in the comments section is, ’who am I to talk about what’s offensive when I say a lot of harsh things in media too.’

“My answer is simple, I’m not formally representing the Philippines. What I say on Twitter represents only my opinion.

“If you look at the Ariella video, what does it say in [the] caption under her? It states clearly, ’Representing The Philippines.’

"And for that, you must make sure to answer with tact.

“As I’m sure that if Ervic decides again to run for public office, I doubt he will call his opponent ’bakla’ when he doesn’t agree with his/her opinion.

“But who knows? Again, he is rather dumb.”

Sa naging palitan nila ng tirada ni Ervic sa Instagram, sa panghuling banat ni Ervic kay Mo ay nag-post ito ng larawan ni Mo na umiiyak.

Kuha ang larawan mula sa video noon ni Mo, kung saan nilahad niya ang maselang impormasyon sa relasyon nila ng dating girlfriend na si Rhian Ramos.

Ang caption pa rito ni Ervic: “Suspended kasi ako for 5months. Wala na ako pambayad ng rent dito. #salingpusa ako sa isyu dyan pls. I need to pay the rent. @djmotwister#littleladyboy”

Hindi na sumagot sa puntong iyon si Mo, at marami ang nagkomentong tablado umano ang radio-TV host.

(Read: Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida’s Headstart interview)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Mo tungkol dito?

“The last post of Ervic I saw was the screenshot of my... crying video.

“I’m not offended by that.

"He is trying to use whatever bullets he can to attack me and I understand that.

“The great irony was after that post, he tweeted that he was enroute to taping for Genesis,” na ang tinutukoy niya ay ang teleserye sa GMA Network, kung saan may partisipasyon si Ervic.

Kasama sa cast ng Genesis ang ex-girlfriend ni Mo na si Rhian.

Pagpapatuloy pa ni Mo, “I kind of laughed at that, considering the cast members and what that video represents.

“Oh, well, another dumb move by Ervic, which is to be expected.”

Bago tinapos ni Mo ang kanyang statement sa PEP ay may idinagdag pa siyang ilang pangungusap tungkol kay Ariella, at sa nalalapit nitong laban sa Miss Universe 2013, sa November 10.

Sabi niya, “For the record, I think Ariella should use an interpreter during the pageant.

"If anything, it would give us another large venue to showcase our language.”

Bukas ang PEP sa panig nina Ariella at Ervic tungkol sa mga naging pahayag ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN