Charice jubilant over Kapamilya network’s That’s My Tomboy, the first lesbian pageant on Philippine TV

Hindi itinatago ni Charice ang kanyang katuwaan kapag napapanood daw niya ang "That’s My Boy," ang lesbian pageant ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime. Paliwanag ng lesbian singer, "Kasi for how many years, for how many decades, siyempre parang mas recognized yung mga gay men. Medyo hindi masyadong nare-recognize yung mga lesbian. So, to see them na parang confident sila, to see na ang dami palang poging lesbian, siyempre naka


Aminado si Charice na feeling proud siya sa tuwing nanonood ng “That’s My Tomboy,” ang pinag-uusapan at trending lesbian pageant sa It’s Showtime, ang noontime variety show ng ABS-CBN.

Simula nang mag-out si Charice ay tila mas napag-usapan ang isyu tungkol sa mga tomboy, lalo na noong magsama pa sila sa concert ng kapwa lesbian singer na si Aiza Seguerra.

At ngayon nga ay nasundan pa ito ng kauna-unahang lesbian pageant on Philippine television.

Sabi nga ni Charice, “Alam mo, watching them, yung mga contestant sa ‘That’s My Tomboy,’ nakaka-proud.

“Alam mo kung bakit? Kasi for how many years, for how many decades, siyempre parang mas recognized yung mga gay men.

“Medyo hindi masyadong nare-recognize yung mga lesbian.

“So, to see them na parang confident sila, to see na ang dami palang poging lesbian, siyempre nakaka-proud.

“Na, parang, ‘This is who we are, we’re good people, and we have a good sense of humor, and astig magmahal.’

“Yung mga banat-banat nilang ganyan, siyempre nakaka-proud dahil minsan nga nababanggit nila yung pangalan ko, ganyan.

“Yun yung time na naisip ko na, ‘Oh, I did the right thing.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charice sa presscon ng benefit concert niyang One Voice, para sa mga biktima ng lindol sa Bohol.

Ginanap ang presscon kahapon, Oktubre 29, sa Passion restaurant sa Resorts World Manila.



"THIS IS OUR TIME." Bilib nga raw si Charice sa mga sumasali sa “That’s My Tomboy.”

Sabi niya, “Alam mo, minsan pag pinapanood ko, ‘Ano ba ito? Lalaki ‘ata ‘to, e. Hindi naman ‘ata ano [lesbian] ‘to, e.’

“Kasi, alam mo, ang popogi talaga.

“Basta ang sa akin lang, since they’re having the time of their lives—just be humble, always be humble.

“Yun na yun, this is our time, this our time to shine, this is our time to share to the people who we really are—that we are talented, we are good people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Someday, hindi na sila magle-label ng gays, lesbians.

“They’re just gonna call us artists. They’re just gonna call us people. Equality, basically.”

Natanong naman ng PEP si Charice kung, kung wala siya sa status niya ngayon, posible kayang sumali siya sa “That’s My Tomboy”?

“Ay, naman, oo naman!” bulalas niya.

“Kahit na ang panlaban ko lang yata yung talent ko, ‘no. Siyempre, I will give it a try.”



BENEFIT CONCERT. Isa rin sa gustong patunayan ni Charice ay puwedeng makatulong at may maiaambag sa lipunan ang katulad niyang lesbian.

Isang paraan ngang naisip ng international singer ay ang pagtulong sa mga nasalanta ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong Oktubre 15.

Espesyal daw para kay Charice ang Bohol, partikular na ang Tagbilaran, dahil dito sila nag-celebrate ng first anniversary nila ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano.

Nagpunta sila roon isang linggo bago naganap ang lindol, kaya nang mabalitaan ni Charice ang nangyari ay labis daw ang kalungkutan niya.

Nang maisip nga ni Charice na tumulong sa mga nasalanta ng lindol, timing naman ang pagdating ng alok mula kay Jeffrey Tan ng Bellhaus Entertainment para sa isang konsiyerto.

Dito na nga nabuo ang One Voice, ang benefit concert ni Charice para sa Bohol, na magaganap sa Nobyembre 5, sa Resorts World Manila.

Special guests sa concert si Alyssa at ang bagong girl group na Sassy Girls.

Lahat daw ng kikitain ng concert ay mapupunta sa mga biktima ng lindol.

Bukod sa concert ay magsasagawa rin ang grupo ng relief operations sa Bohol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN