Dingdong Dantes overwhelmed by box-office success of third movie with Star Cinema; wants to work again with Marian Rivera

Nami-miss na raw ni Dingdong Dantes na makatrabaho ang kasintahan niyang si Marian Rivera. At ibinalita ng aktor na binubuo na ang proyektong pagsasamahan nilang muli. Kaya lang, aniya, "Opposing kami, sila gusto nila TV. Ako, gusto ko movie."


Masaya si Dingdong Dantes sa naging resulta ng pinakahuli niyang pelikula, ang She’s The One, kaya isang pocket press conference ang ipinatawag niya kahapon, October 30.

Bago nito, noong Linggo, October 27, inanunsiyo ng Star Cinema sa official Twitter account nito na umabot na sa P100 million ang kinita ng pelikulang pinagbibidahan nina Dingdong, Bea Alonzo, at Enrique Gil.

Bagamat hindi inaasahan, sinabi ni Dingdong na naramdaman niyang magiging positibo ang resulta ng pangatlong pelikula niya sa movie company ng ABS-CBN.

Sabi ng GMA Network actor, “Even when we were filming, sobrang gaan ng vibe, na parang alam mong kahit saan man mapunta, magiging maganda yung resulta, kasi it was so refreshing to me.

“Alam mo, may ganun talaga. Kapag ang project medyo mabigat sa ’yo, at kapag buong-buo ang ibinibigay mo, medyo maganda ang resulta.

“Pero it doesn’t happen always, ha.

“Parang sobra yung pasasalamat, kasi minsan parang magiging biktima ka ng hit or miss, e.

“Pero hangga’t masaya ka sa ginagawa mo, medyo maganda naman ang return.

“Pero this one made me all the more happy because naging maganda ang reception ng mga tao.”

Dahil muling naging matagumpay sa takilya ang pelikula niya, ibig sabihin kaya nito’y masusundan pa ang pakikipagtrabaho niya sa Star Cinema?

“Well, kasi after the premiere night, someone told me, ‘Hey, let’s plan the next na.’

"But siyempre, nothing official yet,” tugon ni Dingdong.

Gayunman, sinabi ng aktor na siguradong gagawa siya ng isa pang pelikula sa Star Cinema dahil sa two-movie deal niya rito.

“May isa pa. Kung kailan at kung ano, wala pang sinasabi,” kumpirmasyon ni Dingdong.

Ang dalawang pelikulang unang ginawa ni Dingdong sa Star Cinema ay ang Segunda Mano (2011, co-produced) at One More Try (2012).



FOCUS ON GENESIS. Sa ngayon, naka-focus muna si Dingdong sa kanyang bagong teleserye sa GMA Network, ang Genesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin inakala ng 33-year-old actor na magiging maganda ang feedback sa kanyang unang teleserye matapos mag-renew ito ng contract sa GMA.

Gayunman, inamin ng tinaguriang Primetime King ng GMA na malaking pressure rin ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa Genesis.

Aniya, “It was also a pressure on our part, kasi kailangan naming panindigan ‘yon.

“Kung ano ang nakita nila sa umpisa, they should also expect the same all throughout the show, na hindi magbabaling, di siya lilihis.

“Dapat hanggang dulo, ganun siya.

“Para sa akin, ‘yon ang isa sa makings ng isang successful show—hindi sila na-disappoint mula umpisa hanggang dulo, at hindi ka binitawan ng audience.”

Ayon kay Dingdong, magtatagal ang ikalawang teleserye niya, katambal si Rhian Ramos, hanggang Enero sa susunod na taon.



NEW YEAR PLANS. Dahil napag-usapan na rin lang ang parating na bagong taon, tinanong si Dingdong ng media kung ano ang inaasahan niya para sa 2014.

Ayon sa aktor, isa sa mga hinihiling niya ay makasamang muli sa isang proyekto ang longtime girlfriend na si Marian Rivera.

“That’s also one of the things na binubuo ko na rin,” sabi ni Dingdong.

“Hindi lang ako ang gumagawa, pati sila Mr. Tuviera, yung kampo nila, they’re also thinking of projects for me and Marian.”

Ang showbiz career ni Marian ay nasa pangangalaga ngayon ng Triple A. Ito ay pinamumunuan ni Tony Tuviera, ang presidente at CEO ng TAPE Inc.

Nang tanungin kung anong klaseng proyekto ang gusto niyang gawin kasama si Marian, sagot ni Dingdong, “Opposing kami, sila gusto nila TV. Ako, gusto ko movie.

“Pero bakit hindi pareho, di ba? Pagandahan na lang siguro ng latag.

“I also spoke to some people na rin na puwedeng tumulong sa pagbuo ng magandang concept for us.

“Ako, nami-miss ko siyang kasama sa work.

“Kahit ano, basta ang importante, magkasama kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling nagkasama sa trabaho sina Dingdong at Marian sa romantic-fantasy series ng GMA na My Beloved noong 2012.

Bukod sa proyekto kasama si Marian, balak din ni Dingdong na gumawa ng sequel ng comedy-horror film na Tiktik: The Aswang Chronicles (2012).

Pagbabalita niya, “On the go na talaga ang pagpaplano para sa part two ng Aswang Chronicles.

“Hopefully sa [Metro Manila Film Festival] rin maipapalabas.

“Parang ‘yon talaga, gusto ko na siyang maging franchise, e.

“We will do it [in] the same manner that we did it before.”

Bahagi ng mga prodyuser ng Tiktik ang movie production ni Dingdong na AgostoDos Pictures. Kabilang din dito ang Reality Entertainment, Mothership, Inc., Post Manila, at GMA Films.



WEDDING. Dahil puro trabaho ang napag-uusapan sa mga aasahan mula sa kanya sa susunod na taon, tinanong si Dingdong kung kasama rin dito ang madalas naitatanong na pagpapakasal nila ni Marian.

Natawa naman si Dingdong bago niya muling sabihin na wala pang konkretong plano ukol dito.

Gayunman, hindi niya itinangging may mga pagkakataong naiisip na niya ang pagpo-propose sa kasintahan.

Aniya, “Siyempre, kapag ganung mga bagay, kahit sinong lalaki ay dumadaan sa isip nila ‘yon.

“Isa sa mga bagay din ‘yon na nilu-look forward nila.

“Kung kailan man ‘yon ay hindi natin alam, at kung paano.”

Dagdag niya, “Kasi nakilala ko siya. At the right place and at the right time. I think it will also come, na there’s a right place and right time for that.”

Gusto raw sana niyang maging stable muna bago iwanan ang pagiging single.

Pero pabirong hiling ng 33-year-old actor, “Huwag lang naman siguro lumampas ng forty!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN