Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla: Hindi kami magnanakaw

Parehong iginiit nina Senator Bong Revilla (kaliwa) at Senator Jinggoy Estrada na hindi sila nagnakaw sa kaban ng bayan, pagkatapos ng talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino, kung saan binalaan niya ang mga sangkot sa pork-barrel scam na huwag ilihis ang totoong isyu sa pag-akusa na siya ang "pork barrel king."


“Hindi ako magnanakaw.”

Ito ang parehong sagot ni Senador Jinggoy Estrada at ni Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. sa naging laman ng talumpati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kagabi, October 30.

Matatandaang sa talumpati ni PNoy, na naisahimpapawid sa halos lahat ng istasyon ng telebisyon at radyo, binuweltahan niya ang kanyang mga kritiko na nagsasabing siya ang "pork barrel king."

Iginiit din ng Pangulo, "Hindi ako magnanakaw."

Saad ni PNoy, “Baka po may nakakalimot sa atin, pagnanakaw ang tunay na ugat ng isyung ito.

"Iyan po ang usapang pilit nilang tinabunan matapos mabisto ang kanilang kalokohan.

"Napapailing na nga lang po ako, dahil ang una kung inasahan, papabulaanan nila ang mga akusasyon.

"Di po ba’t iyan ang natural na tugon ng kahit sinong mga akusado?

"Sa hinaba-haba ng mga kontra-paratang na ito, na binabato sa atin, ni minsan, hindi ko narinig ang katagang ang statement na ‘Hindi ako nagnakaw.’”

(Read: President Noynoy Aquino defends DAP, slams critics tagging him as "pork barrel king")



STILL A FRIEND AND AN ALLY. Sa ulat ng isang national daily ngayong araw, October 31, mariing pinabulaanan nina Senator Estrada at Senator Revilla ang isyung patuloy pa ring ibinabato sa kanila.

Pahayag ni Senador Estrada, “Ako naman po, suportado po ako sa mga sinabi niya [na] hahabulin niya yung mga nagsamantala sa kaban ng bayan.

"Ako’y kaisa nila. Kaisa ako ng gobyerno niyo, niya, sa paghahabol ng magnanakaw sa ating gobyerno.”

Dagdag pa ng actor turned politician, “Sapagkat ako, kahit ako’y nasangkot sa diumano’y PDAF scam, gusto ko pong sabihin sa inyo na, kahit kailan, hindi ako nagnakaw sa kaban ng bayan.”

Umaasa raw si Senator Estrada na hindi siya ang pinatungkulan ng Pangulo na isa sa mga taong nakikisawsaw sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP), upang mailihis ang atensiyon ng sambayanan sa usapin ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na raw sa kanyang privilege speech noon sa Senado—kung saan ibinulgar niya na diumano’y may karagdagang "pork barrel" funds ang mga senador na bumoto upang ma-impeach si dating Chief Justice Renato Corona—hindi naman daw niya binanggit ang tungkol sa DAP.

(Read: Senator Jinggoy Estrada criticizes fellow senators in privilege speech on PDAF issue)

Ayon pa kay Senator Estrada, si Budget Secretary Florencio Abad ang nagsabing may kaukulang dagdag na pondo, na ibinigay sa mga senador na ipinadaan sa pamamagitan ng DAP.

Sinabi rin ng anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada na itinuturing pa rin niya ang sarili bilang "friend and ally" ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, “Alam mo si Pangulong Aquino, kaibigan ko naman ’yan.

"At, until now, I consider myself as an ally of this administration.

"I’m very supportive of all his legislative agenda.”



DAP IS STILL PORK. Sinegundahan naman ni Senator Bong Revilla ang pahayag ni Senator Estrada.

Sa statement na inilabas ng abugado ng mambabatas, na si Atty. Joel Bodegon, ipinagdiinan nitong wala siyang ninakaw sa kabang-bayan.

“Hindi ako magnanakaw at wala akong ninakaw sa kaban ng bayan,” sabi ng actor-politician.

Sinabi rin ni Senator Revilla na siya ang unang tumangging may kinalaman siya sa pork-barrel scam, at nanawagan pang magkaroon ng masusing imbestigasyon tungkol dito.

Dagdag pa niya, “Handa ako at haharapin ko ang anumang imbestigasyon upang linisin ko ang aking pangalan sa mga kasinungalingan laban sa akin.”

Kaugnay naman ng paliwanag ni PNoy tungkol sa DAP, pahayag ni Senator Revilla, “The DAP is presidential pork, and that is a fact.

"The President’s explanation on DAP raised more questions than answers.

"No senator or congressman knew about the DAP. It did not pass through Congress.

"Then, too, he did not know that the DAP was used in the impeachment of Chief Justice Renato Corona.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN