Pauleen Luna on her liaison with Vic Sotto being compared with Freddie Aguilar’s romance with a 16-year-old: "Hindi ako minor."

Pauleen Luna on May-December romance: "I don’t see anything wrong with that, as long as you respect each other, tapos wala naman kayong tinatapakang ibang tao."


“Hindi naman siguro kami dapat i-compare…”

Ito ang naging banayad na sagot ni Pauleen Luna nang may magkumpara sa relasyon nila ni Vic Sotto at sa relasyon nina Freddie Aguilar at isang 16-year-old na dalagita mula sa Oriental Mindoro.

Sambit pa ni Pauleen sa panayam sa kanya ng News5, “Kasi, hindi naman po ako minor.”

Matagal nang usap-usapan ang relasyon ni Pauleen, isang aktres at TV host, sa co-host niya sa Eat Bulaga! na si Vic Sotto, na kinikila bilang premier comedian ng bansa, bagamat wala pang tuwirang pag-amin mula sa dalawa.

Sa November 10 ay magdiriwang ng kanyang ika-24 na kaarawan si Pauleen, samantalang si Vic ay nag-59 years old noong April 28.

Kung susumahin, 36 years ang agawat ng edad nina Vic at Pauleen.

Samantala, ang iconic singer na si Freddie at ang kanyang kasintahang menor-de-edad ay 44 years ang age gap.

Lumikha ng malaking ingay ang relasyon ni Freddie sa menor de edad, nang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam sa legendary singer, kung saan inamin nito na 16 years old lamang ang kanyang bagong girlfriend.

(Read: 60-year-old legendary singer Freddie Aguilar is helplessly in love with 16-year-old girlfriend)

Ano naman kaya ang masasabi ni Pauleen sa mga May-December love affair?

Tugon niya, “I don’t see anything wrong with that, as long as you respect each other, tapos wala naman kayong tinatapakang ibang tao.

"I don’t see anything wrong with it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN