Iwa Moto realizes the joy of motherhood

Ngayon isa na rin siyang ina, na-realize raw ni Iwa Moto na tama ang mga pangaral sa kanya noon ng sariling ina. Sabi ng StarStruck alumna, “Akala ko, basta makapag-sermon lang siya, mapagsabihan niya ako, sasabihin na ganito kahirap ang maging isang ina... yung paulit-ulit ba?... “E, totoo naman pala lahat. Sana nakinig ako nang mabuti, di ba?"


Masayang ipinagdiwang nina Iwa Moto at Pampi Lacson, noong October 23, ang unang buwan ng kapanganakan ng kanilang anak na si Hiromi Eve, o Baby Mimi.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailang lang si Iwa, sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook.

Ayon sa 25-year-old actress, araw-araw ay ipinagpapasalamat niya ang pagdating ni Baby Mimi sa buhay nila ni Pampi.

Kahit daw mahirap maging isang first-time mom, sinusubukan ni Iwa na maging mabuting ina.

Pahayag niya sa PEP, “Sarap alagaan ng baby. Pero siyempre, kapag umiyak na, doon ka natataranta.

“Hindi pa naman ako masyadong nakakapag-adjust.

"Kasi nandiyan ang napupuyat ka, worried ka kapag iyak nang iyak ang baby, inaalam mo kung ano ba ang gusto niya.

“Pero alam ko na part ‘yan ng pagiging isang mother, at willing ’kong pagdaanan lahat ‘yan para kay Mimi.

“Papunta naman na ako doon. Paunti-unti lang.

“Lahat naman ng gagawin ko, si Mimi ang lagi kong inuuna at iniiisip.”

MOTHER KNOWS BEST. Ngayon isa na siyang ina, na-realize ni Iwa na tama pala ang mga pangaral sa kanya noon ng kanyang ina.

Sabi ng StarStruck alumna, “Akala ko, basta makapag-sermon lang siya, mapagsabihan niya ako, sasabihin na ganito kahirap ang maging isang ina... yung paulit-ulit ba?

“Akala ko trip lang ni Mommy na pagalitan ako parati.

“Siyempre, noong mga time na iyon, dalaga naman ako, wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko, di ba?

“Kaya pasok sa isang tenga, labas sa kabila!

“E, totoo naman pala lahat. Sana nakinig ako nang mabuti, di ba?

“Pero, thankful ako kay Mommy, kasi nandiyan siya parati sa tabi ko, lalo na noong ipinagbubuntis ko si Mimi.

“Hindi niya ako iniwan kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya.

“Ngayon ko lang na-appreciate ang lahat ng mga pangaral niya sa akin.

“Nangako ako sa kanya na I will try my best to be a good mom, like her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHRISTENING. Sabi pa ni Iwa, papabinyagan nila si Baby Mimi kapag six months na raw ito.

May mga napili na rin daw silang mga ninong at ninang.

“Five months to go pa, pero mabilis lang ang mga araw, di ba? Magulat na lang ako na anim na buwan na pala si Mimi.

“Heto nga’t nag-one month siya, parang ang bilis.

"Parang kailan ko lang siya iniluwal, kahit na ang tagal niya lumabas sa tiyan ko.

“Lumagpas na siya sa due date, pero worth it ang lahat ng pain, kasi tuwing nakikita kong ngumingiti ang anak ko, hay, tanggal ang pagod!”

Ipinanganak si Hiromi Eve noong September 23.

Kuwento pa ni Iwa, minsa’y nakipagkita siya sa non-showbiz friends niya na mga nanay na rin.

Nag-bonding daw silang magkakaibigan kasama ang kanilang babies.

“Ang saya, kasi lahat ng mga close friends ko, mga nanay na rin.

“Noon, kung anu-ano lang ang pinagkukuwentuhan namin. Ngayon, tungkol na sa mga anak namin.

“Ganyan na pala ang buhay namin. Nandoon na kami sa motherhood stage, na ang saya-saya naman.”

Hindi pa raw nakikita ni Iwa ang showbiz friends naman niya, lalo na yung mga may anak na rin.

“Matagal na akong hindi lumalabas, di ba?

"Pero through Facebook, nakakausap ko naman sila, like si Stef Prescott at si Chariz Solomon.

“Yung iba, matagal ko nang hindi nakakausap. Minsan may magte-text at nangungumusta.

“Ever since kasi nagbuntis ako, hindi na ako naglalalabas ng bahay.

"Kapag gusto lang ni Pampi at ni Thirdy na lumabas, sasama ako.

“Pero sana, soon, ay magkita-kita rin kami kasama ang mga anak namin.”

Si Thirdy ang anak ni Pampi sa estranged wife nitong si Jodi Sta. Maria.

Gusto rin daw magpapayat muna ni Iwa, basta payagan siya ng kanyang doktor.

“Nagpapa-breastfeed pa kasi ako, kaya siguro after two months pa ako puwedeng mag-diet at mag-workout ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Miss ko na rin ang magtrabaho. Miss ko na ang showbiz.

“Kaya kapag okey na akong mag-diet, go agad ako sa gym para magpapawis, para pumayat agad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN