Director Gina Alajar on Janine Gutierrez-Elmo Magalona loveteam: “May dating silang dalawa.”

Direk Gina Alajar sees bright future for Janine Gutierrez and Elmo Magalona, the young stars in the remake of the GMA-7 teleserye Villa Quintana. "Besides the fact na galing sila sa mga showbiz families, they have what it takes to be big stars, basta seryoso sila at hindi magpabaya," she says.


Ayaw panoorin ng award-winning actress-director na si Gina Alajar ang original series na Villa Quintana, na pinagbidahan nina Donna Cruz at Keempee de Leon.

Gusto raw kasi ni Gina na fresh ang approach niya sa naturang series ng GMA, tulad ng ginawa niya sa remake din ng teleseryeng Anna KareNina.

Mas madali raw kasing gawin ang isang teleserye kung alam mong wala kang pinanggagayahan at bago ang lahat ng nasa paligid.

Saad ni Gina, “Yun naman ang bilin ko sa mga artista ko sa Villa Quintana. Na they don’t have to watch the original series dahil malaki ang pagbabago sa kuwento na gagawin namin.

“Though the storyline is the same, siyempre kailangang i-update natin sa modern times. Just like what we did sa Anna KareNina.

“Yung era kasi ng Villa Quintana was in 1995, hindi pa uso ang social media like Facebook, Twitter and Instagram.

"Sa bagong Villa Quintana, may mga ganyan na. Para naman maka-relate ang lahat ng kabataan ngayon.

“Pero yung kuwento na mala-Romeo and Juliet ay intact pa rin. But their love story will get even more complicated at may kakaibang twist ito kumpara sa naunang kuwento.”

Sa bagong version ng Villa Quintana ay sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona ang gaganap sa mga pangunahing papel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa press launch ng Villa Quintana sa GMA Network Center last week.



ON JANINE-ELMO LOVETEAM. Nakilala na si Gina sa pagdidirek ng tween stars, tulad nang ginawa niyan sa Reel Love Presents Tween Hearts at sa Anna KareNina.

Ano ang pakiramdam niya sa bagong loveteam nina Elmo at Janine?

“May dating silang dalawa,” sabi ni Gina.

“Besides the fact na galing sila sa mga showbiz families, they have what it takes to be big stars, basta seryoso sila at hindi magpabaya.

“Sa ginawa kong one-on-one workshop sa kanila, nakita ko na ang chemistry nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una kasi wala akong maramdaman. Pero slowly, may makikita ka sa kanila.

“Kaya I want them to be dedicated sa project na ito. Mahalin nila ang project na ito kasi this will either make or break them.

“Basta nasa tama silang direksiyon sa kanilang career, they will make it.”

Parehong nasa dugo nina Janine at Elmo ang pagiging artista.

Si Janine ay anak ng dating sikat na ‘80s loveteam na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

Si Ramon Christopher ay anak nina Eddie Gutierrez at Pilita Corrales. Si Lotlot naman ay adopted daughter nina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Si Elmo ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona. Ang grandparents ni Elmo ay ang mga sikat na Sampaguita stars na sina Pancho Magalona at Tita Duran.

ADVICE FOR LONGEVITY IN SHOWBIZ. Kung may maipapayo si Gina sa bagong loveteam na binuo ng GMA-7, ang pakikisama at sipag daw ang susi para sa matagumpay na career sa showbiz.

“Hindi lang naman kina Janine at Elmo, kundi sa lahat naman ng mga artistang nakakatrabaho, ay may nai-impart akong aral, based on my experiences sa business na ito.

“Lagi ko naman sinasabi na huwag silang mabulag sa popularity nila ngayon.

"Do not rest on your laurels because, at the end of the day, kung paano ka magtrabaho at makipagkapwa-tao ang pinakaimportante sa lahat.

“You may be the most popular star now, nasa iyo na ang lahat na pinapangarap ng kahit sinong gustong pasukin ang showbiz, pero kung hindi ka marunong makipagtrabaho nang maayos, hanggang saan ka dadalhin ng kasikatan mo?

“Pinaka-rewarding kasi sa isang artista ay ang feedback na natatanggap mo mula sa ibang mga taong nakatrabaho mo na.

“If they have good things to say about you and your work, kakalat ‘yan, and other people would want to work with you kasi okey ka pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag hindi maganda ang mga nasasabi sa iyo, like pagiging unprofessional mo or hindi ka marunong makisama, kakalat din ‘yan at yung ibang mga tao ay iiwasan ka nang makatrabaho.

“Kaya importante ang pakikisama at sipag sa trabaho nating ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN