Mikael Daez off to London to shoot for "Midnight Snack," may see Megan Young

Mikael Daez is thrilled that his "baby project" has been extended and is going international: “I mean, yung dream ko talaga for ’Midnight Snack’ na lumaki nang lumaki, and siguro ito na yung next step."


Aalis ngayong araw, November 4, si Mikael Daez patungong London para sa segment niya sa Saksi, ang “Midnight Snack.”

Kahapon, November 3, ay pinadalhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mga katanungan si Mikael, sa pamamagitan ng Facebook private messaging.

Sinagot niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa e-mail ng recorded voice niya.

Paano at sino ang nag-ayos ng “Midnight Snack Goes To London"? Hanggang kailan siya nasa London?

Sagot ni Mikael, “Actually, pupunta ako sa London for the inaugural flight ng Philippine Airlines.

"Kasi, magbubukas na yung Philippine Airlines ng flights from Manila to London starting November 4, tomorrow.

“And gusto nila ako isama sa maiden flight nila.

"So, kumbaga, parang ako yung GMA representative.

"Kasi, isa lang yung slot, and yung gusto sana nila, yung ise-send ng GMA, puwede ring mag-shoot.

“So, ayun, sakto, ako, willing naman ako, cowboy na cowboy naman ako pagdating sa mga ganun.

"Nagpaturo na ako kung paano mag-shoot, so dala-dala ko yung mga equipment ko.

"Ang dami kong dalang gamit, pero game na game ako.

“So I will shoot ’Midnight Snack’ on my own dun sa London.

“Nandun ako from November 4 hanggang 8 or 9... hindi ko pa alam.

"Maybe I can extend one day para makapag-shoot pa ako ng mas marami, kasi siyempre first time kong mag-shoot on my own.

"Pero sobrang excited ako.

“And I think, wala pa yatang nagsu-shoot ng sarili niya.

“So, magsu-shoot ako not for ’Midnight Snack’ lang.

"Actually, yung Unang Hirit, nag-email na rin sa akin na mag-shoot ako ng mga segment—siguro mga isa o dalawa.

“So, very excited ako and, of course, we’ll have the PAL inaugural dinner on November 6 or 5 yata.

"So excited ako and happy ako na lumabas na rin yung direct flight from Manila to London.

“Madali na para sa ating lahat.”

LONDON ITINERARY. Sumunod ay tinanong namin si Mikael kung first time niya sa London, at kung ano ang expectations niya sa naturang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Mikael, “Yes, first time ko sa London! Wow!

"One of the cities na naririnig mo lagi, napapagkuwentuhan sa iyo ng mga tao, so excited ako.

“I mean, it’s such a trademark city here in the world.

"And yung expectations ko, malamig! I expect na maganda rin siya, na malinis.

“I expect to have a good time, parang ma-adventure lang.

"Kasi, yun nga, maglalakad ako on my own with my equipment, with my bag.

"And sana makakuha ako ng magandang footage, sana magawa ko nang maayos yung kailangan kong gawin dun.

“Kasi yung mga plano ko... Nag-research na yung team ng ’Midnight Snack,’ kasama na rin ako, hinanap namin ano yung puwede naming gawin.

“May option A, may option B, may option C kami.

“Kasi siyempre, hindi namin alam kung ano mangyayari.

"For sure, may mga unforeseen problems ’yan o mga detours na mahaharapan ko.

"Pero overall, sobrang excited lang talaga ako, sobra!

“I mean, yung dream ko talaga for ’Midnight Snack’ na lumaki nang lumaki, and siguro ito na yung next step.”

Extended indefinitely ang “Midnight Snack” at ngayon ay going international pa.

Una kasi ay isang buwan lang dapat ito bilang panghuling segment ng Saksi, pero tumagal na ito nang tumagal.

Saad ni Mikael tungkol dito, “Itong ’Midnight Snack’ talaga, ito yung baby project ko, ito yung inaalagaan ko nang todo-todo dahil konti lang kami, e.

“Lima lang kaming nagpu-produce, tapos kung isasama mo yung nasa back end, yung nasa GMA, siguro wala pa kaming kinse, and five minutes lang talaga siya.

"Pero ang ganda ng naging outcome niya, naging effective siya sa mga viewers.

"And ako, sobrang nae-enjoy ko talaga.

“And natutuwa naman ako, sa Twitter, nakikita ko na nakikita ng viewers na nag-e-enjoy rin ako at nag-e-enjoy rin sila.

“So, iyon yung pinaka nakakatuwa diyan sa ’Midnight Snack.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ayan, gusto ko talaga lumaki siya at lumaki, and ito na siguro yung next step.

“Sobrang nagulat ako at nagpapasalamat ako na London pa yung naging first step niya out of the Philippines.

“Sana mas marami pa, and sana maka-tavel rin kami within the Philippines, sa Davao, North Luzon, Visayas...

"So, ang dami-dami pang puwedeng gawin dahil mahilig tayong mga Pinoy sa pagkain.

“So, ako, gusto ko lang ibigay at ihatid yun sa mga Filipino viewers natin.”

SEEING MEGAN YOUNG? Siguradong marami ang gustong malaman kung magkikita sila ni Miss World 2013 Megan Young, na kasalukuyang nakabase ngayon sa London.

May pasalubong ba si Mikael kay Megan?

Sagot ni Mikael, “Well, wala yata akong pasalubong para sa kanya, but I think I might see her.

"Maybe, maybe... baka invited siya sa inaugural dinner ng PAL kasi, why not, di ba, nandun na yata siya.

“So, we’ll see.

"Pero very busy ako, kasi yung itinerary ko, very full.

"May activities kami every day and I have to shoot, ang dami kong kailangang i-shoot for ’Midnight Snack’ and Unang Hirit na rin.

“So, I have to finish my work, trabaho muna.

"In a way, trabaho ito, pero ako, nae-enjoy ko kasi yung work ko nang ganito, so hindi ako mangangarag, kahit ako mismo ang magsu-shoot ng sarili ko, so okay lang.

“Game na game ako, game!”

TAPING FOR ADARNA. Kinumusta rin namin kay Mikael ang taping nila ni Kylie Padilla para sa upcoming fantaserye ng GMA, ang Adarna.

Nakakailang araw na sila ng taping? May rapport na ba sila ni Kylie? May nadiskubre ba si Mikael kay Kylie na hindi niya alam dati?

Ayon kay Mikael, “Taping, hindi pa ako nagsisimula.

"Si Kylie, nung huli kong nakita nung last Wednesday ata yun, pictorial namin, nakaisang taping pa lang siya.

“So, ako, wala pa akong taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro pagbalik ko from London, dun ako magsisimula na.

“And sa rapport, mukhang maayos naman kami.

"Natuwa ako kasi naglalaro ako ng games nung pictorial, tapos si Kylie, biglang humirit na lang sa akin, ‘Uy, ano ’yan?’

“E, yun pala, mahilig din pala siya sa superheroes.

"So, sabi ko sa kanya, ’Paano mo alam ito? Bakit mo tinatanong?’

“Tapos sabi niya, ‘Geek rin ako, ’no?’

“Tapos umalis na siya pumunta na siya dun sa set. Tapos ako, parang, “Uy! Wow! Okay!’

“Hindi ko rin alam, a! So, apparently, geek siya.

"E, alam ninyo naman, super-geek naman ako. Mahilig ako sa mga video games, superheroes, alam mo yun, mga tech stuff.

“So, excited na excited na rin ako for Adarna."


Gaganap bilang taong-ibon si Mikael sa Adarna.

“I’ve worn the costume, oh my God!" bulalas niya.

"Grabe, ang ganda talaga ng costume, nagulat ako. Impressed ako.

“Wow, GMA wardrobe, ibang klase sila. They really, really, really did a good job.

“So I’m very excited for Adarna. November 18 na yun.”

Bukod sa kanila ni Kylie ay nasa cast rin daw sina Geoff Eigenmann at Benjamin Alves.

“So, I’m very excited.

"It’s such a big show and alam namin na mahirap ang gagawin namin, na magkakaroon kami ng long taping days, pero we’re in for the long haul and talagang ready kami for anything right now, di ba?

“Trabaho lang nang trabaho.

“So there you go, ’Midnight Snack’ is finally going international!

“So, ang dami kong puwedeng gawin pa, ang dami mo pang puwedeng makita, ang dami mo pang puwedeng matikman.

“Pero nagpapasalamat lang rin ako sa mga viewers, kasi sobrang supportive sila.

"And nararamdaman ko rin yung saya nila when they watch ’Midnight Snack,’ so nagpapasalamat naman ako na I’m enjoying my work now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN