James Yap brings girlfriend Michela Cazzola to his hometown in Escalante, Negros Occidental

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2013
James Yap and girlfriend Michela Cazzola spent the recent long weekend in his hometown in Escalante, Negros Occidental. As documented in their Instagram accounts, the star cager showed Michela the simple joys of the rustic life—massage by a hilot, bibingka-making and fun romp with farm animals.

Mukhang lumalalim na talaga ang pagmamahalan nina James Yap at ng Italyanang girlfriend nitong si Michela Cazzola.

Nitong nakaraang Undas, ipinasyal ni James si Michela sa Escalante, Negros Occidental, kung saan ipinanganak at lumaki ang basketball player.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ipinakita ng magkasintahan ang kanilang naging karanasan sa bakasyon nilang iyon.

Kahapon, November 3, nag-post si James ng photo collage nila ng girlfriend, kung saan ipinaranas ni James kay Michela ang tradisyunal na masahe o hilot mula sa kanyang manghihilot na si Tatay Berting.

Ayon pa sa caption nito: “Hilot session with Tatay Berting @michelacazzola and my niece #provincialife #escalantecity.

Sa Instagram naman ni Michela, apat na araw na ang nakararaan, nag-post din ito ng larawan nila ni James papunta ng Escalante na may caption na: “Bella giornata di sole.”

Kasunod na post ni Michela ay ang pakikipaglaro niya sa isang kambing.

Nag-post din siya ng tradisyunal na pagluluto ng bibingka kung saan nakalagay sa kanyang caption ang “Pan de Bisaya.”

Continue reading below ↓

Huli nitong post ay ang paghawak nito ng isang manok na panabong kung saan nakasaad sa caption ang mga salitang “hello from Maitom.”

Marami naman sa mga followers ni Michela ang pumuri sa kanya dahil sa pagiging down-to-earth daw ng Italyana.

Read Next
Read More Stories About
James Yap, Michela Cazzola
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Yap and girlfriend Michela Cazzola spent the recent long weekend in his hometown in Escalante, Negros Occidental. As documented in their Instagram accounts, the star cager showed Michela the simple joys of the rustic life—massage by a hilot, bibingka-making and fun romp with farm animals.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results