Marian Rivera mobbed by fans in Vietnam

Halos hindi makapaniwala si Marian Rivera sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tagahanga at press sa Vietnam. Naroon ngayon ang Kapuso Primetime Queen sa imbitasyon na rin ng malaking TV station doon, kung saan ipinapalabas ang kanyang drama series na Temptation of Wife.


Nasa Vietnam ngayon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Dumating sa Vietnam si Marian, kasama ang manager niyang si Rams David, Linggo, November 3.

Nakipag-ugnayan ang SNTV at Today TV sa GMA, kung maaaring madalaw ni Marian ang Vietnam, dahil sobrang nag-hit daw doon ang mga drama series ng Kapuso actress na nabili nila.

Hindi akalain ni Marian na sikat na sikat siya sa Vietnam dahil sa nag-hit doon ang mga nagawa niyang drama series, gaya ng Marimar at Dyesebel.

Ipinapalabas ngayon doon ang Temptation of Wife, at nag-hit din ito.

Sa video na nakunan kay Marian nang dumating siya sa airport doon, nasabi ng aktres na hindi siya prepared sa ganung scenario na pinagkaguluhan siya nang husto.

“Sobra akong overwhelmed,” bulalas ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kanina lamang, November 4.

Dagdag ni Marian, “Hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa akin na, ‘Totoo ba ‘to?’”

Ang buong akala raw niya ay mga kapwa-Pinoy ang nagkagulo sa kanya, hindi pala.

“Mga locals dito. Iilan lang ang mga Pinoy.

“Hindi ko nga maintindihan ang mga sinasabi nila.

“Nagsimba kami kahapon, ang daming nakapansin sa akin. Nagulat ako, nagkagulo na sila.

“Tapos, nagsasalita na sila na hindi ko maintindihan. Oo na lang ako nang oo.

“Tapos, nagpa-picture na silang lahat.”

Katatapos lang kaninang umaga ng press conference ni Marian sa Intercontinental Hotel, sa Ho Chi Minh City.

Kuwento ng aktres, dapat daw ay limampung miyembro ng press lang ang imbitado. Pero ang dami na raw nagpuntahan at kailangan na raw tumanggi ng organizer ng mga papasok dahil punung-puno na ang venue.

“Kahit medyo mahirap kasi magtatanong sila ng Vietnamese, tapos sasagutin ko ng English, tapos i-translate na naman nila ang sagot ko.

“Pero okay lang, masaya.

“Nakakatuwa sila. Masayang-masaya ako na ganun nila ako katanggap dito,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos daw ng presscon ay may grand fans day siya ngayong hapon.

Bukas, November 5, naman ay may TV guestings siya sa Today TV at SNTV.

Sa Miyerkules, November 6, ang balik nila sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN