KC Concepcion confirms that she and Paulo Avelino are dating, but not exclusively

KC Concepcion clarifies that she and Paulo Avelino are not exclusively dating yet: "I am still single," says the 28-year-old actress in her Twitter post earlier today.


Nagsalita na si KC Concepcion tungkol sa napapabalitang ugnayan nila ng aktor na si Paulo Avelino.

Sa kanyang Twitter post, pasado alas-dose ngayong madaling-araw, November 5, kinumpirma ni KC na totoong nagdi-date sila ni Paulo.

Sa kabila nito, agad din niyang nilinaw na hindi sila “exclusively dating.”

Ibig sabihin, malaya pa ring makipag-date sa iba ang aktres, kung gugustuhin niya.

Sabi ni KC sa kanyang unang tweet: “Hi. ❤️ So... I am not dating anyone EXCLUSIVELY. At least not yet! Just wanted to clear the air! Goodnight, Philippines. 😊”

Pagkatapos ng ilang minuto ay nag-post muli ng isa pang mensahe si KC para sa kanyang Twitter followers:

“To those asking: Yes @mepauloavelino & I enjoy each others company, yes we spend time, but nothing serious right now! I am still single.💕”



LATEST SUITOR. Noong nakaraang linggo, naging maugong ang balita na madalas makitang nagdi-date sina KC at Paolo.

Bagamat wala pang direktang kumpirmasyon mula sa dalawa, inamin ng ina ni KC na si Sharon Cuneta na alam niya ang tungkol dito.

“Oo, she said yata they went out once,” simpleng tugon ni Sharon nang tanungin siya tungkol sa panliligaw ni Paulo sa kanyang anak.

Sinabi ito ng Megastar sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press sa set ng The Mega and The Songwriter, noong October 30.

Read: Sharon Cuneta to KC Concepcion, jibing: "Anak, penge ng apo. Mag-asawa ka na!"

Kasunod nito ay ang biglaang pag-amin ni Paulo na nililigawan niya si KC sa kanyang panayam sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, November 3.

Marami ang nagulat sa rebelasyon ng 25-year-old actor, dahil kilalang mailap ito pagdating sa kanyang buhay-pag-ibig.

Sabi ni Paulo, “Yeah, we’re dating.”

Liban dito ay tumangging magbigay ng iba pang detalye si Paulo.

“Yun lang, I think hanggang doon lang.

“Kilala niyo naman ako.

“Siguro, I wanna keep things private," giit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Paulo confirms that he is dating KC Concepcion



NOT JEALOUS. Bago si Paulo, nauna nang naiulat ang tungkol sa dinner date ni KC kasama ang NBA player na si Chandler Parsons, tatlong linggo ang nakakaraan.

READ: KC Concepcion confirms group date with NBA player Chandler Parsons

Nang tanungin si Paulo kung pinagselosan ba niya ang power forward ng Houston Rockets, sumagot ito ng “hindi.”

Paliwanag ng Kapamilya heartthrob, hindi raw siya yung tipo ng lalaki na madaling magselos, lalo pa’t agad ding nilinaw ni KC na walang namamagitan sa kanila ni Chandler.

“Sa akin kasi, hindi rin talaga ako seloso, dahil I try to think about things first before I really, kumbaga, say anything or bring it out.

“Nasabi naman niya ang totoo,” paglilinaw ni Paulo.



BOTH SINGLE. Sa kasalukuyan, tila walang ibang hadlang kung sakaling magkagustuhan sina KC at Paulo dahil pareho silang single.

Nito lang nakaraang buwan ay nagsalita ang aktor tungkol sa matagal nang napapabalitang hiwalayan nila ng dating nobyang si LJ Reyes.

READ: Paulo Avelino says decision to end relationship with LJ Reyes was mutual


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN