PEPtalk. Maja Salvador talks about new movie Status It’s Complicated; says own lovelife is not complicated

Maja Salvador on what makes her kilig: "Kahit... nga hindi ’I Love you,’ may mga minsang banat na bigla ka na lang kikiligin. O kaya, may mga simpleng bagay lang na makita ka, and then, maalala mo lang na parang, ’Ay yung mga bagay na yan,’ tapos kikiligin ka."


Busy ngayon ang Kapamilya star na si Maja Salvador dahil, bukod sa kanyang anniversary concert tour, ipapalabas na rin ang kanyang pinakabagong movie project, ang Status: It’s Complicated.

Dito ay kasama niya sina Solenn Heussaff, Jake Cuenca, Paulo Avelino, at Eugene Domingo.

Kahit na may jet lag pa, lumabas ang kakulitan ni Maja sa PEPtalk sa kuwentuhan nila ng managing editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Karen Pagsolingan-Caliwara.

Kuwento ni Maja, "Status It’s Complicated, sa title pa lang ng pelikula at sa poster pa lang, parang ang komplikado na naming tignan.

"Kasi ano po siya, e, hindi na dapat sabihin kasi malayo naman from yung movie dati, yung Salawahan (1979).

"Pero parang medyo may pagka-ganun, pero this time, modern na. Pang-2013 na."

Ibinahagi rin ni Maja ang karakter na kanyang gagampanan para sa pelikula.

"Yung role ko kasi dun, hindi naman manang na manang, pero sobrang gusto ko makahanap pa rin ako ng isang lalake na hindi babaero.

"Kasi sa akin, parang sa nangyayari ngayon, mayroon pa bang true love?

"Parang yung nagbebenta na lang ng taho... kahit yung nagbebenta ng taho, hindi na naniniwala.

"Kahit sino hindi na naniniwala kasi ang daming pangyayari na parang ang mga lalake, laging nag-gi-girls, mga ganyan.

"So, parang ako, ina-ano ko na parang ’Ay, hindi. Hindi ako mai-in love sa isang babaero!’

"Parang kung ganun naman, hindi na lang ako mai-in love.

"Pero yun ang challenge sa akin kasi ang dumating sa akin, si Jake Cuenca. Yung character ni Jake Cuenca ang babaero, a."

Isang bagay pa na pinag-usapan sa kanilang interview ay kung ano nga ba ang nagpapakilig kay Maja.

Lumabas sa PEP nitong February ang balitang dinala ni Gerald Anderson si Maja sa Tagaytay na sakay ng isang chopper para sa Valentines’ Day.

Ayon kay Maja, may mga simpleng bagay lang na nagpapakilig sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Ano lang, siguro Ms. Karen, kung merong mga ganun, hindi lang naman yun yung mga bagay na magpapakilig sa ’yo e.

"Kahit... may mga words, kahit nga hindi ’I Love you,’ may mga minsang banat na bigla ka na lang kikiligin.

"O kaya may mga simpleng bagay lang na makita ka and then, maalala mo lang na parang,’ay yung mga bagay na yan’ tapos kikiligin ka."

Samantala, hindi na rin pinalampas ng PEP na tanungin si Maja tungkol sa kanyang lovelife. Ayon sa Ina Kapatid Anak star, hindi komplikado ang estado ng kanyang lovelife.

Paliwanag ni Maja, "May mga sitwasyon na ganun. Ikaw yun e, ikaw mamimili kung gagawin mong komplikado o hindi."

Ano naman kaya ang masasabi ni Maja sa kanyang mga bashers? Abangan sa susunod na bahagi ng #MajaonPEPtalk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN