John Prats hints at marrying Isabel Oli soon: "Hindi ko lang sinasabi, kasi I want it to be really special for her."

John Prats on Isabel Oli: “Wala na akong masasabi talaga, e. Sobrang ibang-iba ito—very mature yung relationship, kasi alam niya yung trabaho ko, hindi siya nagseselos. Alam niya ako lalaki, may trabaho. Yung full support niya, yung trust niya, nandoon.”


Hindi ipinagkakaila ni John Prats ang plano niyang pakasalan ang kasintahang si Isabel Oli.

Sabi nga niya, “Oo naman. And I have plans.

"Hindi ko lang sinasabi, kasi I want it to be really special for her.

“Hindi ko sinasabi kung kailan kami pakakasal, kailan ako magpo-propose.

"Pag sinabi ko yun, malalaman niya, mababasa niya.

“So, yung mga parteng yun, kailangang isikreto ko muna, kasi lahat naman yun, malalaman din naman ng lahat.

“At lahat din naman yun, para sa kanya… I don’t want her to expect.

“I want her to be surprised sa least na time na ini-expect niyang mangyayari.

“I don’t wanna go into details, but siyempre, wala naman akong ibang nakikitang iba pang gustong mapangasawa kundi siya lang naman talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa presscon ng Cinema One Originals entries noong Huwebes, October 31, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.



IT’S ABOUT TIME. Bakit niya naiisip na magpakasal na at magkaroon ng sariling pamilya sa panahong ito?

Sabi ng 29-year-old actor, “Siguro sa edad ko na rin, I don’t see anything wrong with it. It’s about time.

“Kasi ang mom and dad ko, bata rin namang nag-asawa, kaya ang sarap ng relationship namin na para lang barkada.

“And I felt na parang late na nga ako, e.

"So, we will see kung ano ang mangyayari.”

Handa na ba siyang magkaroon ng pamilya?

Tugon niya, “Oo naman. Alam ko namang hindi kami pababayaan ng Diyos.

“At saka, it’s a different level of happiness, and I’m looking forward to it.”

Hindi malayong magkatuluyan nga sila ni Isabel dahil sa nakikitang maayos na takbo ng kanilang relasyon ngayon.

Pagsang-ayon naman ni John, “I’m just so happy now, kasi everyone’s saying na ganyan. Ang positive ng balik sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya hindi ko alam kung ano’ng meron, kaya nakakatuwa na ganoon ang reaksiyon ng mga tao—walang negative.”



THE RIGHT GIRL. Masasabi ba ni John na natagpuan na niya ang babae para sa kanya?

Sagot niya, “Kagaya nga ng sinasabi ko dati, na parang sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko ni-regret yun.

“Kasi, naka-appreciate ako ng isang Isabel Oli. Kung gaano siya kabait, kung gaano siya ka-understanding, ka-supportive.

“Wala na akong masasabi talaga, e. Sobrang ibang-iba ito.

"Very mature yung relationship, kasi alam niya yung trabaho ko, hindi siya nagseselos.

“Alam niya, ako lalaki, may trabaho. Yung full support niya, yung trust niya, nandoon.

“Hindi ko naramdaman na mabigat yung tapings ko, kasi magkaaway kami or may kaeksena akong babae…

“Wala akong naramdamang ganoon. Buung-buo yung tiwala niya, kaya ang sarap.

"Ang sarap alagaan yung ganitong klaseng relasyon.”

Nakatulong ba ang mga pinagdaanan nilang relasyon kaya hindi na nila gustong maulit pa ang mga pagkakamali nila noon?

Pagsang-ayon ni John, “Isa na rin siguro yun.

“Gaya nga ng sinabi ko, sa lahat ng experiences ko with my exes, hindi naman masasama, siguro hindi lang talaga kami nag-jibe ng mga ex ko.

“Eto, nakahanap ako ng ka-flip ko talaga, na sira-ulo rin.

"Akala ko mahinhin... ‘Akala ko mahinhin ka? Mas sira-ulo ka pala sa akin!’

“Ang hilig niyang mag-baby talk. Ang dami niyang terms na hindi ko alam... kakaiba talaga.

“Iba talaga siyang kasama. Whenever I’m with her, siya yung komedyante sa amin at hindi ako.”

Ano naman ang mga nagiging tampuhan nila?

Kuwento ni John, “Ang babaw lang, e. Yung hindi ka lang naka-text? Mga ganoon.

“Tapos susumpungin lang minsan na nanaginip kunwari na may ibang babae ako.

“Hindi malalalim na problema, mga pa-cute lang, mga petty things lang.”



ACCEPTED BY HIS FAMILY. Ipinagmamalaki rin ni John na aprubado ng kanyang buong pamilya ang relasyon nila ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gustung-gusto siya ng pamilya ko!” pagpapatunay pa niya.

First time ba ito na nagkaroon siya ng girlfriend na tinanggap nang buung-buo ng pamilya niya?

“Hindi naman. Everyone naman, yung mga exes ko, winelcome ng pamilya ko.

“Pero ‘eto lang yung talagang kumportable ako na hindi ko kailangang i-build up sa pamilya ko, kasi confident ako kung ano si Isabel.

“Kahit nasa Nueva Vizcaya ako minsan, pumunta [siya] sa bahay, even without me.

“Yung mga ganoong gestures na nakakatuwa, na hindi kailangang sabihan na bisitahin niya yung pamilya ko.

"Yun ang nakakatuwa, may kusa.”



HOLIDAY PLANS. Ano ang Christmas plans nila ni Isabel?

Sabi ni John, “This Christmas, hindi kami magkasama, kasi she’ll be spending her Christmas with her sisters in Singapore.

"So, doon sila buong pamilya.

“And I have to spend my Christmas with my family here, so medyo hiwalay kami this Christmas.

“Sa New Year? Sana, pero nandoon pa siya sa Singapore, pero after, definitely.”

Hindi pa masabi ni John kung susundan niya si Isabel sa Singapore para habulin ang holiday season.

Aniya, “Tingnan ko, kasi practical kami, e.

"Hindi kami yung magarbong relasyon, kung ano yung praktikal.

“Kung hindi naman praktikal na two days lang ako doon, sayang naman yung pinambili ng ticket, so hindi namin gagawin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN