Bernard Palanca becomes active again after taking a "break"

Ayon kay Bernard Palanca, mas maayos na ngayon ang relasyon nila ng dating asawang si Meryll Soriano. Sabi ng aktor, "I mean, we’re both mature enough to know what we need to do for Eli. Yun lang naman yun, e. That’s the most important to us—our son."


Pagkatapos ng halos tatlong taon ay nagbabalik sa sirkulasyon ang aktor na si Bernard Palanca.

Kasama si Bernard sa cast ng indie film na Kabisera, isa sa mga kalahok na pelikula sa Cinema One Originals Film Festival, na gaganapin mula November 11 hanggang November 19.

Sa presscon ng Cinema One Originals noong Huwebes, October 31, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bernard kung ano ang dahilan kung bakit nawala siya sa sirkulasyon.

Tugon ng 36-year-old actor, “Wala, I needed to breathe lang.

“I needed to take care of my family and, aside from that, as an individual, I need to breathe lang.

“Medyo sumikip lang because of the pressure… Wala, I just needed a break lang.

“I needed to somehow reinvent myself.

“Parang revert, soul-searching, somehow.”

Ang huling proyekto ni Bernard bago ang kanyang pagpapahinga nang matagal ay ang pelikulang Paano Kaya (2010), na pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ngayong taon ay nagkaroon din siya ng small roles sa mga pelikulang Captive at Four Sisters And A Wedding.



MERYLL SORIANO. Napailing naman si Bernard nang matanong kung may kinalaman ba ang dating asawang si Meryll Soriano sa pamamahinga niya sa showbiz.

Ikinasal sa huwes sina Bernard at Meryll noong September 8, 2006, ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay nagdesisyon silang maghiwalay.

Ito ay sa kabila nang buntis noon si Meryll sa anak nilang si Elijah.

(Read: Preggy Meryll Soriano splits from husband Bernard Palanca)

Sabi ni Bernard, “Wala. Sus, tagal na yun! Wala na yun. Nothing.

“As in, Meryll and I are okay.

“I’m very happy with my son. I see him as much as I can.

“Wala na yun. That’s a dead issue.”

Base sa mga pahayag ni Meryll sa past interviews nito, maganda ang samahan nila ni Bernard ngayon.

Paano nila nagawang maging maayos ang kanilang samahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Bernard, “I mean, we’re both mature enough to know what we need to do for Eli.

“Yun lang naman yun, e. That’s the most important to us—our son.

“Kung anuman ang ginagawa niya individually, that’s her life. Whatever I do individually, it’s my life.

“Saka wala nang kumukontra. We’re okay.

“Saka hindi naman ako papayag na magkaroon ng pressure sa aming dalawa.

“Hindi naman kailangan, e. We’re okay.

“Just like what I said, the fact that we’re both happy for Eli, that’s all I need naman, e.”

May ilang taon ding nag-aral si Meryll ng kursong Product Design sa Central Saint Martins College of Art and Design, sa London, England.

Bumabalik lang ang aktres sa Pilipinas kapag school break, gaya nitong nakaraang dalawang buwan.

Paano ginagampanan ni Bernard ang tungkulin niya bilang ama ni Eli kapag nasa abroad si Meryll?

Sabi ng aktor, “I see him. I get him as much as I can.

“I bring him to my house. He spends time with my family.

“So, happy. Happy boy… as in wala talagang problema.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Meryll, sinabi nitong wala rin silang problema ni Bernard pagdating sa financial support. Hindi rin daw niya inoobliga ang aktor na regular nitong suportahan ang kanilang anak.

Umayon naman si Bernard dito.

Saad niya, “I can’t give him the world. Pero you know, I’m able to pay for his school—if he might need anything else.

“You know, I’m happy. I can do it naman, e.

“Yun lang, I’m so happy to be working again.

“Kasi, aside from him [Eli] lang, it’s so nice to go home and taking care of my family also.

“So, I’m in a good place. Sana tuluy-tuloy lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO LOVELIFE. Wala raw lovelife ngayon si Bernard.

“I don’t need it. My inspiration is my son,” sabi pa niya.

Parang mahirap paniwalaan na wala siyang lovelife?

Tugon niya, “Well, for one, I stopped going out.

“Hindi na ako lumalabas. Hindi na ako umiinom. Hindi na ako puma-party. Talagang wala na.

“So, ang buhay ko ngayon, sobrang bahay-trabaho, bahay-trabaho.

“More or less, I don’t have any intention to find someone.

“Kasi, I’m in my place na I don’t need anyone to be happy.

“You know what I mean? I’m happy na, e.

“Kung may dadating, e, di I’ll entertain it.

“Pero as of now, wala.

“So, I’ll stick to my work. Sarap, e.”

Naging mahirap ba ang adjustment sa pagbabago ng kanyang lifestyle?

“In the beginning. Pero after two, three months, wala.

“Medyo I started feeling… I found myself ulit, e.

“So, naging madali na yun after.

“Ngayon, I have easy time. Hindi naman ako hirap with anything.

“Like what I said, I’m counting my blessings.

“I’m counting it. I’m embracing it. So, sana tuluy-tuloy.”

Si Meryll ay may Italian boyfriend ngayon. Napag-uusapan ba nila ng dating asawa ang kani-kanilang lovelife?

“Well, I’ve heard of it. I’m happy for her, you know.

"’Buti naman Italyano!” sabay-tawa Bernard.

“Siyempre, goodlooking, marunong magluto.

“As long as she’s happy, okay lang. I’ll support naman her.

“Wala naman kaso sa akin yun. It can be whoever.

“Basta she’s happy and he treats her well, go!”

Gusto rin ba niyang makilala ang boyfriend ni Meryll ngayon?

“I wouldn’t mind if he comes here one day, why not? Wala namang kaso dun,” sagot niya.



KABISERA. Tungkol naman sa Kabisera, na idinirek ni Borgy Torre, sinabi ni Bernard na naging maganda ang karanasan niya sa paggawa nito kaya gusto niyang gumawa ng marami pang indie films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga natatanging karanasan niya habang ginagawa nila ang pelikula?

Sabi ni Bernard, “First of all kasi, kasama ko, of course, was Joel Torre, Art Acuña, Bing Pimentel…

“And iba, e. Yung role na ibinigay sa akin was talagang matagal ko nang gustong gawin, which is medyo madilim, mysterious.

“Very different sa mga nakasayanan ko… kaya masarap.”

Hindi ba siya na-intimidate sa mga kasama niya sa pelikula na award-winners?

“No, mas lalo nga akong na-inspire.

“Actually, yun nga yung… what made me yes kaagad was the fact na sinabi sa akin na I’m gonna be with Mr. Joel Torre.

“That alone… idol ko siya kasi, e.

“Yung opportunity to work with people like him, and si Art, iba.

“Yung satisfaction na nakuha ko, never kong nakuha ever.

“So, I was excited since day one pa lang. Tapos, the end product, talagang happy.”

Nangako naman si Bernard na seseryosohin na niya ang kanyang trabaho bilang isang artista.

“I’ve always been serious naman, e.

"But before, years ago, medyo nadala lang ako ng goodtime.

“Siyempre, when you get older, our eyes open wider and bigger in front of us.

“So, talagang my focus now is family, my son, and my career.

“And I want to get somewhere talaga, e.”

Kasama rin si Bernard sa cast ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na The Legal Wide, na pagbibidahan nina Angel Locsin, Jericho Rosales, JC de Vera, at Maja Salvador.

Sabi ng aktor, “Basta, tanggap lang ako nang tanggap whatever comes my way. Sige, game!

“Na-miss ko talaga ang acting—that’s one thing that brought me back e.

“Kasi I love my job, e. Eto talaga ang love ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN