Juancho Triviño leaves career growth to GMA: “I trust Artist Center that they know what’s best for me.”

Juancho Triviño in disbelief about opportunities coming his way: “Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na dumarating sa akin ang lahat ng ito. Minsan, dumarating talaga ang panahon na kailangang tumuhog-tuhog, walang pahinga. Minsan, surreal talaga ang feeling.”


Masasabing masuwerte ang baguhang si Juancho Triviño dahil sunud-sunod ang mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso network.

Sa ikalawang serye niya na Villa Quintana, siya ang karibal ni Elmo Magalona para sa pagmamahal ni Janine Gutierrez.

Nararamdaman ba niyang nakikitaan siya ng potensiyal ng GMA upang maging leading man?

Tugon ni Juancho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Opo naman.

"Lke, noong isang araw po, nag-meeting po kami ni Ms. Gigi [Santiago, GMA executive].

“Sinasabi nila na halfway there na ’ko. Yung looks daw po, nasa akin na.

“Kailangan na lang i-build ang acting ko para ma-carrry ko ang isang show.

“Siyempre, parang pangit naman po kung ilu-launch ako na hilaw ako.”



KONTRABIDA ROLE. Kung pang-leading man ang pagbi-buildup sa kanya ng GMA, bakit kontrabida ngayon ang ginagampanan niya sa Villa Quintana?

“I don’t know... I trust Artist Center that they know what’s best for me,” nakangiting pahayag ni Juancho.

Dagdag ng 20-year-old actor, “And siyempre, siguro dito ite-test ang acting ko, kung kaya kong magdala ng show—kung kaya ko man.”

Kahit kontrabida ang karakter niya ngayon, masaya naman daw siya sa bagong oportunidad na ibinigay ng kanyang home network.

“Sabi nga po ng ibang actors, mas madaling maging bad kesa maging good.

“Kasi, dito sa role na ‘to, hindi rin naman nagkakalayo sa role ko sa Home Sweet Home at Teen Gen, na medyo suwail nga.

“Pero siyempre, medyo mabigat na acting na siya.

“Yung character ko, iibahin ko, pero yung ideas na niya, almost the same.”

Kasama rin si Juancho sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Pedro Calungsod, kung saan gumaganap siya bilang sakristan.

Sabi niya tungkol sa sunud-sunod niyang proyekto, “Siyempre po, sa amin, mas maganda na continuous na may work.

“Ang pag-acting daw po kasi, parang bicycle ‘yan, kapag itinigil mo, mahihirapan ka nang bumalik ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na dumarating sa akin ang lahat ng ito.

“Minsan, dumarating talaga ang panahon na kailangang tumuhog-tuhog, walang pahinga.

“Minsan, surreal talaga ang feeling.”



OLD LOVETEAM. Kinamusta rin ng PEP kay Juancho ang nabuong loveteam nila ni Dianne Hernandez noon sa Teen Gen.

Sabi niya, “I’m not sure with her, kasi ang alam ko po, kakatapos lang niyang mag-review sa Board, para sa exam niya sa pagiging teacher.

“So ngayon, nagpapahinga pa siya. Babalik po sana siya sometime soon.”

Papaano kung sa pagbabalik ni Dianne, iba na ang ka-loveteam ni Juancho?

Tugon ni Juancho, “Hindi ko lang po alam. Ako naman po, kung ano po ang ibigay ng GMA sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN