Vice Ganda feels no pressure about Girl Boy Bakla Tomboy surpassing box-office gross of Sisterakas

Sa pagtatapos ng kontrata niya sa December 2013, umaasa si Vice Ganda na i-renew siya ng ABS-CBN. Sabi pa niya, “Kapag di nila ako ire-renew, saan ako mapupunta? Dyusko, baka pulutin ako sa kangkungan!”


“Tatalunin ko ang Sisterakas!” pabirong sabi ni Vice Ganda tungkol sa bagong pelikulang pinagbibidahan niya, ang Girl Boy Bakla Tomboy.

Ang naturang pelikula ay official entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Vice sa photo shoot para sa publicity materials ng pelikula kahapon, November 4.

Dito, sinabi ni Vice na tulad ng mga nakaraan niyang pelikula, malaki ang tiwala niya na papatok din sa takilya ang Girl Boy Bakla Tomboy.

Ang huling MMFF movie ni Vice na Sisterakas, kasama sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, ang kasalukuyang may hawak ng record bilang “highest-grossing Filipino film of all time.”

Ang pinakahuling naiulat na kinita nito ay lagpas sa P397 million.

(Read: Director Wenn Deramas: Sisterakas is still highest-grossing Filipino film)

Hindi raw napi-pressure si Vice na mapantayan o malagpasan ang record na naitala ng Sisterakas sa takilya.

Aniya, “Kasi, unang-una, pelikula ko rin naman yung topgrosser.

“Kung hindi ko man siya matalo, okay lang, kasi ako pa rin ang nandodoon, kasama pa rin ako sa number one.

“Pero ini-enjoy ko lang at saka confident ako sa mga projects na ginagawa ko.

"Kausap ko nga ang mga taga-Star Cinema, sinabi ko na sobrang confident ako sa project na ‘to.”



STRONGEST CONTENDER. Sa mga kalahok na pelikula sa MMFF ngayong taon, itinuturing ni Vice na pinakamatinding kalaban ng pelikula niya ang pelikula ni Vic Sotto—ang My Little Bossings.

“Siyempre, lagi naman sila, e. Di ba, lagi naman silang strong contender ang pelikula ni Vic Sotto?” sabi pa ni Vice.

Kasama ni Vic sa kanyang pelikula sina Kris Aquino at ang anak nitong si James “Bimby” Yap, Jr., at ang bagong child wonder na si Ryzza Mae Dizon.

Kilalang malapit na magkaibigan sina Vice at Kris, kaya kahit na magkalaban ang kanilang mga pelikula sa MMFF, siniguro naman ni Vice na maayos ang relasyon nila ng TV host-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkakausap kami,” patunay pa ni Vice.

“Pinuntahan ko nga sila sa shoot nila. Pumunta ako, bumisita ako.

“Very minimal lang naman ang role niya doon.”

Sinabi rin ni Vice na kung sakali, hindi direktang magkalaban ang Girl Boy Bakla Tomboy at ang My Little Bossings dahil magkaiba ang target market ng dalawa.

“Ang layo ng market ko sa market nila, kasi mostly bata sila.

“Kasi, ang parang bida doon sa pelikula, I heard, Bimby and Ryzza. Parang pelikula noong dalawang bata.

“Hindi naman ‘yon [ang market ko]. Although, may market din akong bata, parang mas malawak pa yung puwede kong [maabot],” paliwanag ni Vice.

Bukod sa Girl Boy Bakla Tomboy at My Little Bossings, ang iba pang entries sa MMFF 2013 ay ang mga sumusunod: Pedro Calungsod: Batang Martir, starring Rocco Nacino; Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, starring Eugene Domingo; 10,000 Hours, starring Robin Padilla, at Pagpag, starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.



STILL A KAPAMILYA. Sa isang panayam kay Vice, nabanggit niya na plano niyang mag-lie low muna sa showbiz.

Ito umano ang nabanggit niya sa ilang executives ng ABS-CBN nang tanungin ang kanyang plano pagkatapos ng kontrata niya sa network sa December 2013.

Nang tanungin ulit ng PEP si Vice tungkol dito, ipinaliwanag niya na magbabawas lamang siya ng ilang trabaho sa susunod na taon.

Saad niya, “Lie low lang naman siguro sa dami ng trabahong kinukuha.

“Siguro sa TV, hindi masyado, at saka raket siguro.

“Di ba, ma-raket akong tao? Lahat na yata ng piyesta pinupuntahan ko! Yun yata ang ila-lie low ko.

“It’s either gumawa ako ng isa or dalawang pelikula.”

Dalawa ang regular shows ngayon ni Vice sa ABS-CBN—ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Tinanong ng PEP kung mananatili pa rin siyang Kapamilya sa pagtatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN.

“Sana i-renew nila ako!” natatawang sagot ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa niya sa huli, “Kapag di nila ako ire-renew, saan ako mapupunta?

“Dyusko, baka pulutin ako sa kangkungan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN