Heart Evangelista believes Senator Chiz Escudero is "the one" for her: "Siya na talaga!"

Heart Evangelista on boyfriend Senator Chiz Escudero: “I’ve never felt so at home with someone na parang, in anything and everything, I could be myself. I can be talagang really myself with him. Or, if ever I have mistakes, it’s okay to have mistake, kasi parang he’ll always be there to listen and understand and explain to me."


Dahil tila sunud-sunod ngayon ang breakups ng celebrity couples, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart Evangelista kung hindi ba siya nababahala sa ganitong mga pangyayari.

Si Heart ay may kasintahan ngayon sa katauhan ni Senator Chiz Escudero.

“Ayoko, ayoko talaga! Hindi ako magpapakita ng isang taon sa inyo, iyak talaga ako!” natatawang biro ni Heart tungkol sa senaryo kung sakaling mag-break sila ni Senator Chiz.

Ngayon lang yata siya naringgan ng ganitong kataga sa mga naging karelasyon niya?

Sagot naman niya, “Ngayon lang ako nakaramdam na talagang… iyak talaga ako!”

Nakausap ng PEP si Heart sa taping ng kanyang pinagbibidahang afternoon soap sa GMA, ang Magkano Ba Ang Pag-ibig?, last week.



AT HOME WITH CHIZ. Ano’ng mayroon sa relasyon nila ni Senator Chiz at nasasabi niya ang mga ganitong bagay?

Saad ni Heart, “I’ve never felt so at home with someone na parang, in anything and everything, I could be myself.

“I can be talagang really myself with him.

“Or, if ever I have mistakes, it’s okay to have mistake, kasi parang he’ll always be there to listen and understand and explain to me.

“Ang galing, ang galing talaga!”

Dagdag pa niya, “I never get along with someone… of course, it’s not always perfect.

"But whenever we have arguments, he would really talk to me and explain it, that I would get it, and would say sorry.

“Hindi siya maramot na mag-sorry sa akin.”

DIFFERENT WORLDS. Ngayon lang nagkaroon ng boyfriend si Heart na malaki ang agwat ng kanilang edad.

Si Heart ay 28 years old pa lamang, habang si Senator Chiz ay 44 na.

Pero hindi raw ito alintana ni Heart.

Sabi pa ng aktres, “Oo, ka-match ko siguro talaga.”

Magkaiba rin ang mundong ginagalawan nina Heart at Chiz.

Si Heart ay nasa mundo ng showbiz, at si Chiz ay nasa mundo ng pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nagiging hadlang minsan sa kanilang relasyon ang estado ni Chiz bilang mambabatas?

Sagot ni Heart, “Minsan nga, nakakalimutan ko na senador siya.

“He’s there, he works hard, but he also knows how to listen. He appreciates life.

“He’s not… para sa akin, he’s not somebody who would sit in one corner and think of what to do to get back at somebody. He really just let it go.

“He does his part and he let it go, and he let it fall into place.

“Kasi, what I expected from somebody na politician, parang palaging nasa telepono. Parang palaging gumagawa ng plano.”

Kapag magkasama sila, sa kanya lang talaga ang atensiyon nito?

“Of course!” bulalas ni Heart.

“He also tells me, like, kunwari, wala akong gagawin, wala akong work, tatanungin niya ako, ‘Do you want to watch movie?’

“I say, ‘No. Why?’

“’Then I’ll just have to sit down and think for a little bit and read.’

“Sabi ko, ‘I’ll go home then.’

“He’ll say, ‘No, stay here. Just wait for me. Give me thirty minutes, then I’ll get back to you.’ Ganoon lang siya.

“Kung talagang meron siyang something important, I’ll just have to read something. Super-bait!”

NOT THE JEALOUS TYPE. Ano kadalasan ang dahilan ng mga pagtatalo nila?

Ayon kay Heart, “Siguro minsan, ano kasi talaga siya, hindi siya yung seloso. Like, yung damit ko or anything.

“Kaya minsan, parang, ‘Hindi ka nagseselos?’ Parang, ‘Are you sure there’s nothing wrong?’

“Pero there’s really nothing wrong.”

Pinapanood ba ni Senator Chiz ang mga programa niya, tulad ng Magkano Ba Ang Pag-Ibig?

“Oo,” sagot ni Heart.

“Tinanong niya ako noong isang araw, ‘Natuloy ba ang wedding?’

“Kaya lang daw, nandoon siya sa Senate, tinawag na siya.”

Hindi nagseselos si Senator Chiz kahit may kissing scenes siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi talaga,” nakangiting sabi niya.

IS HE THE ONE? Para kay Heart, si Senator Chiz na ang lalaking nakalaan para sa kanya.

“Siya na talaga!” sambit niya.

Pero paglilinaw niya, “We’re not getting married anytime soon but, of course, we’re on the same phase.”

Nakikita na ba niya ang sarili na magpapakasal ilang taon mula ngayon?

“I don’t know, I don’t have an idea.

"But I don’t mind getting surprises,” sabi ni Heart.

Paano kung sorpresahin nga siya nito at yayain na siyang magpakasal?

“Even if it’s tomorrow!” natatawang sagot naman ng aktres.

“Pero, baka spirit of contradiction, tumagal.

"Pero, I really don’t know.

“I don’t find anybody guwapo. I don’t find anybody interesting.

“Nobody catches my eyes. I see nothing.

“That’s kinda strange, kasi you’re surrounded with beautiful people.”

“True love” na talaga niya si Senator Chiz?

“Yeah,” nakangiting sagot ni Heart.

“At sana, destiny na rin.

“Kung hindi siya talaga, I really don’t know kung nandito pa yung tao para sa akin.”



JERICHO ROSALES. Sa isang panayam sa ex-boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales, sinabi nitong hindi pa siya handang makasama sa isang proyekto si Heart.

Kung si Jericho ay hindi pa handa, si Heart ba ay handa nang makatrabaho ang aktor?

Tugon niya, “Yeah, I have no issues.

“There’s no reason for me not to work with him or anything.

“If he doesn’t want to work with me, okay na lang. ‘Wag na lang.”

Katwiran naman ni Jericho, ayaw kasi nitong sakyan ang ingay ng fans na gustong magkasama sila muli sa isang proyekto.

Sabi ni Heart tungkol dito, “Para nga, at saka narinig ko rin na parang hindi pa siya ready.

“Maybe he wants to get married first.”

Sa susunod na taon ay ikakasal na si Jericho sa kasintahan nitong si Kim Jones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAGKANO BA ANG PAG-IBIG? Sa Magkano Ba Ang Pag-Ibig? ay ginagampanan ni Heart ang papel ni Eloisa, isang babaeng napilitang magpakasal sa isang lalaking may kakulangan sa pag-iisip kapalit ng kaginhawaan sa buhay ng kanyang pamilya.

Sa totoong buhay ba ay kaya niyang gawin ang ginawa ng kanyang karakter?

“No,” mabilis na tugon ni Heart.

“But you know, you can never say, and I wouldn’t think ill about somebody who did it.

“E, paano kung gutom na gutom na talaga ang pamilya mo? Iisipin mo pa ba ang sarili mong happiness?

“Kung gutom na gustom na, ha!”

Marami na rin siyang nagawang teleserye, ano ang challenge ngayon sa kanya ng Magkano Ba Ang Pag-ibig?

“Iyak!” bulalas niya.

“Meron nga akong… it took me ten minutes bago ako makaiyak. Tapos, natutuyuan na ako.”

Nahihirapan ba siyang mag-internalize?

“Hindi, nandoon na, pero walang luhang lumalabas.

“Siguro, na-dehydrate ako or napagod ako.

“Siguro, napagod lang ako dahil matagal ang work,” sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN