Aga Muhlach’s electoral protest moves forward

The House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) finds Aga Muhlach’s electoral protest “sufficient in form and substance.” This authorizes the TV host-actor to collect ballot boxes involved in his protest against proclaimed Camarines Sur fourth district Representative Wimpy Fuentebella.


Ipinag-utos ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang pagkolekta ng ballot boxes na naglalaman ng mga balota mula sa 4th District ng Camarines Sur, matapos mapagdesisyunan na “sufficient in form and substance” ang electoral protest na inihain Aga Muhlach.

Ang electoral protest ay isinampa ni Aga laban sa nakalaban at naihalal na representative ng nasabing distrito na si Wimpy Fuentebella.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, November 5, sinabi ng legal counsels ni Aga, na sina Atty. Romulo Macalintal at Atty. Antonio Carlos, na natanggap nila ang resolusyon kahapon, November 4.

Sa isa pang resolusyon, na inilabas noong October 25, nakalagay naman dito na ang preliminary conference para sa election protest ay gaganapin sa November 13.

Iniuutos din kina Aga at Wimpy na magsumite ng kani-kanilang conference briefs sa November 8.

Matatandaang inireklamo ni Aga ang diumano’y maanomalyang bilangan ng boto sa CamSur noong May 2013 elections.

Sa dating panayam kay Atty. Romulo Macalintal, sinabi niyang naniniwala ang aktor na kung magkakaroon ng recount ay makakakalap siya ng 7,000 boto.

Ito ay sapat umano upang mabago ang election results, at upang malampasan niya ang tinatayang 2,000 lamang na boto ni Fuentebella.

Ayon pa kay Aga, ang mga makakalap pa sana niyang boto ay hindi nabilang dahil daw sa “technical problems” na naranasan sa PCOS machines sa iba’t ibang voting precincts sa CamSur.

(Read: Aga Muhlach files electoral protest; Lani Mercado faces electoral protest)

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aga, sinabi niyang tuloy pa rin ang kanyang reklamo, pero inaasa na lamang niya sa hustisya sa bansa ang magiging resulta nito.

“I’m pushing for it.

“Pero kung tunay na may batas at walang korupsyon talaga, it will move,” sabi ni Aga.

Nagpahayag din ang aktor ng pagkadismaya sa nakita niyang sitwasyon ng pulitika sa bansa.

Aniya, “Based on my experience, I saw it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Look at what’s happening now, kawawa ang mga tao talaga.

“Parang, sayang, kung ang mga taong nakaupo sa gobyerno ay ganyan, sayang tayo. Sayang talaga.”

(Read: Aga Muhlach loses interest in politics: "Hindi ako magnanakaw.”)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN