PEP EXCLUSIVE. NCCA says appointment of celebrity ambassadors not connected to PNoy; answers other issues

NCCA Public Affairs and Information Head Rene Napeñas answers criticisms on the appointment of celebrity ambassadors for the organization. "The only basis to be a spokesperson is that they have the masa feel, they have the ability to be the voice, or be able able to convey NCCA’s message to the masses and to the youth sectors."


Umani ng batikos ang paghirang sa ilang showbiz personalities bilang ambassadors ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA).

Kabilang sa mga hinirang na ambassadors ng NCCA sina Boy Abunda para sa sining, Lucy Torres-Gomez para sa sayaw, Sarah Geronimo para sa musika, Shamcey Supsup para sa arkitektura and allied arts, Ogie Alcasid para sa heritage.

Nandiyan din sina Piolo Pascual para sa kultura, Dingdong Dantes para sa kabataan, Venus Raj para sa Dayaw indigenous people, at Jericho Rosales para sa Taoid indigenous people.

Matapos mailathala sa Philippine Arts Festival Facebook page ang listahan ng ambassadors ng NCCA noong November 3, kaagad na ipinaalam ng ilang netizens ang pagkadismaya nila ukol dito.

Kinuwestiyon ng netizens ang basehan ng pagpili sa NCCA ambassadors, dahil may iba pa raw artists na mas karapat-dapat sa mga nabanggit na posisyon.

Importante raw na may malalim na pang-unawa sa sining at kultura ang mga napiling ambassadors upang magampanan nila nang maayos ang kanilang tungkulin.

Bukod dito, nagdududa rin ang netizens kung mapagtutuunan ng pansin ng mga hinirang na celebrity ambassadors ang pagpapalaganap ng layunin ng NCCA dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.

Sa kabilang banda, mayroon ding ibang netizens ang sang-ayon sa “marketing move” ng NCCA, dahil mas maraming mahihikayat ang showbiz personalities na suportahan ang sining, gawa ng kanilang popularidad.

May ilan ding nagsabi na hindi sukatan ang pagkakaroon ng pormal na edukasyon upang patunayan ang kakayahan ng isang tao.

Lalo pa’t ang mga napiling ambassador ay respetado sa kani-kanilang karera.

NOT AN OFFICIAL NCCA POSTER. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay NCCA Public Affairs and Information Head Rene Napeñas, ngayong araw, November 5, binigyan-linaw niya ang ilang agam-agam hinggil sa pagpili ng amabssadors ng NCCA.

Ayon kay Mr. Napeñas, hindi nanggaling sa NCCA ang nailathalang larawan ng kanilang celebrity ambassadors, na kumakalat sa Internet ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We also would like to clarify that we are not the ones who created the poster of the so-called lineup.

“The poster was posted by somebody who’s supposed to be connected with NCCA, but it’s not officially by the NCCA.

“We reposted it [on NCCA’s Facebook page] because we are answering the thread.”

Bagamat hindi niya pinangalanan ang nangagasiwa ng Philippine Arts Festival Facebook page, duda si Mr. Napeñas sa intensiyon ng nag-post ng naturang “lineup” ng ambassadors ng NCCA.

“It did not come from my office.

"Actually, ang gumawa nito ay isang tao na kumukuwestiyon kung bakit sila ang ginawang ambassadors,” giit pa Mr. Napeñas.

Ang Philippine Arts Festival ay isa sa mga inoorganisang selebrasyon ng NCCA.

Base sa pahayag ni Mr. Napeñas, tila may pagtatalo na nagaganap sa pagitan ng NCCA at ng taong tinutukoy niya, na siyang nangangasiwa ng Facebook page ng Philippine Arts Festival.

Ngunit ayaw nang magdetalye pa ni Mr. Napeñas sa bagay na ito.



START OF APPOINTMENT. Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Mr. Napeñas, ipinaliwanag niyang hindi sabay-sabay na inilabas bilang ambassadors ng NCCA ang mga nabanggit na showbiz personalities.

Sabi niya, “These ambassadors were appointed over a period of time—from 2009 to present.

“Hindi sila sabay-sabay na inilabas ngayon.”

2009 daw nang kunin nila si Boy bilang ambassador para sa sining, si Ogie para sa musika, at si Dingdong para sa kabataan.

2010 nang imbitahan si Piolo na maging endorser ng infommercial ng NCCA, na naipalalabas noon sa TV networks.

2011 nang imbitahan si Shamcey bilang celebrity guest sa isang architecture-related event ng NCCA. Kinalaunan ay kinuha rin nila itong ambassador.

Sa parehong taon din hinirang si Lucy bilang dance ambassador ng NCCA, kaugnay ng paggunita sa International Dance Day at National Dance Week.

2012 nang kunin si Venus bilang cultural ambassador para sa month-long celebration ng Dayaw Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

2013 naman nang kunin ng NCCA si Jericho bilang Taoid ambassador, kaugnay ng paggunita ng National Heritage Month.

Sa parehong taon din kinuha si Sarah bilang Goodwill Ambassadress for Music ng NCCA, para sa selebrasyon ng Philippine Arts Festival.



SPOKESPERSONS, NOT REPRESENTATIVES. Binigyan-linaw rin ni Mr. Napeñas na ang titulong “ambassador” ay hindi nangangahulugang opisyal ng NCCA sina Boy, Ogie, Dingdong, Sarah, Lucy, Shamcey, Venus, Piolo, at Jericho.

“We also would like to say that the ambassador title na ibinibigay namin for celebrity spokespersons—we’re not saying that they’re representatives of any art form.

“We’re not saying that they are officials of NCCA.

“And that they are not really figureheads of the commission."



BASIS OF APPOINTMENT. Sinagot din ni Mr. Napeñas ang isyu kung bakit showbiz personalities, at hindi mga kilalang alagad ng sining, ang kinuha nila na mag-endorso ng NCCA.

Ano ang masasabi niya na kinukuwestiyon ng netizens ang kakulangan ng pormal na pag-aaral ng ibang napiling ambassadors?

Sagot ni Mr. Napeñas, “We don’t discount the presence of highly-respected artists, like National Artists or artists like Lisa Macuja, as some of the netizens were suggesting.

“But the only basis to be a spokesperson is that they have the masa feel, they have the ability to be the voice or be able able to convey NCCA’s message to the masses and to the youth sectors.

“Ang sa amin kasi, we’re trying to reach all levels of the society.

“Kung meron kaming way na maiparamdam din yung other forms of art, ginagamit din namin.”

NO CONNECTION TO PNOY. Mayroon ding espekulasyon na ang mga napiling ambassadors ay panay supporters ni President Noynoy Aquino.

Hindi kaya may kinalaman ang pagkakapili nila sa ginawang pangangampanya o pagsuporta noon ng mga nabanggit na personalidad kay PNoy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin ni Mr. Napeñas, “Nothing to do with PNoy administration. I can assure you.

“Let’s take for example the case of Ogie.

"Ogie is the president of the Organisyon ng mga Pilipinong Mang-aawit or OPM.

“The former official of NCCA Herman Ingles, who passed away last September, used to be an executive director of OPM.

“By virtue of him being the executive director of OPM, we were able to get in touch with Ogie.”

Sino ang pumili sa mga nabanggit na celebrities upang maging ambassador ng NCCA?

Sagot ni Mr. Napeñas, “We have a long list of names to be decided by a sub-commission.

“Let’s for say for example the sub-commission for arts, which decides on the ambassadors for Philippine Arts Festival.

“To name Boy and Dingdong, they were chosen by the sub-commission for the arts.”

Iginiit din ni Mr. Napeñas na walang talent fee sina Boy, Ogie, Dingdong, Sarah, Lucy, Shamcey, Venus, Piolo, at Jericho bilang ambassadors ng NCCA.

Aniya, “They are not being paid a single centavo for their services as ambassadors or celebrity spokespersons.

“They’re just helping us pro bono.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN