Dingdong Dantes says there’s more to Genesis than disaster scenes

Dingdong Dantes on Kapuso “Primetime King” title: “Nakita siguro nila na lahat ng shows ko sa kanila are on the primetime block magmula nang when I started with them thirteen years ago.”


Ang focus ni Dingdong Dantes ngayon ay ang pinagbibidahan niyang bagong primetime series sa Kapuso Network, ang Genesis.

Nang mag-pilot ang Genesis noong October 14, kinabukasan, October 15, ay naganap ang malakas na lindol sa Bohol.

Bagamat likhang-isip lang ang kuwento ng Genesis, na tumatalakay sa katapusan ng mundo, sinasabing posibleng mangyari ito sa tunay na buhay sa hinaharap.

“Grabe yun!” bulalas ni Dingdong tungkol sa lindol na yumanig sa Bohol.

“I can say it’s timely, nakakatakot siya, e.

"But if you’ll look at it on the bright side…

“Well, there’s no bright side, but yung learning at kung yun ang titingnan nating aspeto, I believe, may mapupulot tayo sa show [Genesis].

“With regards na yung hope na, after everything, kahit paano, kung meron kang pagmamahal sa kapwa mo, kapag intact kayo ng family mo…

“You know, these are the things that we can hold on to, e.

"Kasi, halimbawa, yung materyal na bahay, wala na, gumuho na.

“Pero, if we hold on to relationships, ito ang isang mga bagay na hindi matatanggal sa atin.

“If you look at this na imbes matakot, baka may magandang maidudulot ang programa.”



MORE CALAMITIES. Nakunan na rin daw nila ang eksenang magkakaroon ng tsunami, na maipalalabas ngayong linggo sa Genesis.

Kuwento ni Dingdong, “Natapos kami, mga alas-singko na ng madaling-araw.

“Ang hirap talagang gawin. Kahit hindi yung digital, yung mismong effects talaga.

“Kaya sabi ko nga, paninindigan ‘yan hanggang dulo kung gaano kalaking konsepto.

“Hindi yung tipong along the way, biglang magbabago ang istorya.”

Ipinarating naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong ang komento ng ilang fans na ayaw nilang mag-focus ang kuwento ng Genesis sa love story nila ni Rhian Ramos.

Gusto raw makita ng mas nakararaming tagasubaybay ang mga kalamidad at sakuna na sinasabing mangyayari sa teleserye.

“Mangyayari po yun at mangyayari siya,” pagsisiguro naman ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Dingdong dahil sa magagandang reviews at feedback sa mga naipalabas na nilang episodes.

Pero pag-amin ng Kapuso actor, “It’s also pressure on our part. Kailangan naming panindigan yun kung ano ang nakita nila sa umpisa.

“They should also expect the same all throughout the show, na hindi siya lilihis.

“Kasi, yung promise na gusto naming ibigay mula umpisa, dapat hanggang dulo, e, ganoon siya.

“Para sa akin, yun ang isa sa mga makings ng successful show…

“Yung hindi sila na-disappoint mula umpisa hanggang dulo, at hindi ka binitawan ng audience.”


CELEBRITY GUEST. Si Isabelle Daza ang special guest ngayon sa Genesis, pero hindi pa alam ang magiging kaugnayan nito sa karakter ni Dingdong bilang si Isaak.

Bukod kay Isabelle, sino pa ang gusto ni Dingdong na makasama o maging guest sa Genesis?

Sagot niya, “Kahit sino po, ang dami.

“Although, alam ko, we we’re trying to get si Governor Vi [Vilma Santos] para mag-cameo.

“Pero sa isang ano lang… sa role na hindi naman yung tipong mawawala siya nang matagal sa trabaho niya dahil alam kong busy siya.”

Ang iba pang mga kasama nina Dingdong at Rhian sa Genesis ay sina Lorna Tolentino, TJ Trinidad, Mark Anthony Fernandez, Jackie Lou Blanco, Snooky Serna at Lauren Young.



PRIMETIME KING. Samantala, ibinigay ng GMA ang titulong "Primetime King" kay Dingdong pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa network.

Naitanong ng PEP sa aktor kung mahirap pangatawanan ang titulong iyon.

Nakangiting sagot niya, “Alam ninyo, okey lang naman sa akin, binigay lang din naman.

"Nagkataon na sumabay siya noong nag-renew ako.

“Parang, I think, modesty aside, siguro, feeling nila, after fifteen years…

“Nakita siguro nila na lahat ng shows ko sa kanila are on the primetime block, magmula nang when I started with them thirteen years ago.

“So, para sa akin, I’m just very grateful, regardless kung meron man yun o wala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MMFF ENTRY. Samantala, pagkatapos ng dalawang magkasunod na taon, 2011 at 2012, walang entry ngayong 2013 sa Metro Manila Film Festival (MMFF) si Dingdong.

Ano ang plano niya sa darating na Kapaskuhan?

Sabi niya, “Sa tingin ko, magandang bagay rin na hindi ako nagka-filmfest, kasi magkakaroon ako ng time for my family.

“Kasi last year po, medyo hindi ko sila masyadong nakasama.

“Kung oo man, parang wala ako doon dahil sa pagod, parang hindi ako napakinabangan.

"Feeling ko, I owe it to them.

“Alam man nila o hindi, pero sila ang inspirasyon ko sa ginagawa ko, so makasama ko man lang sila sa whole season of Christmas.

“So, yun, we’re planning a trip.

"Pero kung hindi man, kahit dito lang, ayos lang, kahit local lang. Ang daming magagandang puntahan dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN