Thea Tolentino too busy for love

Thea Tolentino vows to give her best to the projects coming her way to show GMA Network her gratitude for giving her big breaks: “Ayoko naman pong mapahiya. Gusto kong ipakita na I am doing my best at hindi ako nagpapabaya.”


Naka-isang taon na sa showbiz ang female winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break ng GMA Network na si Thea Tolentino.

Noong October 21 ang showbiz anniversary ni Thea, dahil yun ang araw kung kailan sila itinanghal ni Jeric Gonzales bilang winners sa artista search ng GMA.

Sa loob ng isang taong pagiging artista ni Thea, naging tuluy-tuloy naman ang kanyang projects.

Bida siya ngayon sa afternoon soap ng GMA na Pyra: Ang Babaeng Apoy.

Bago ito, nakasama siya sa weekly teen-oriented series na Teen Gen at sa mga drama series na Love & Lies at Anna KareNina.

Nagpapasalamat si Thea na umabot siya ng isang taon na maganda ang takbo ng kanyang career.

Ngayon ngang ipinagkatiwala sa kanya ang title role sa Pyra, dumoble raw ang pagsusumikap niya sa kanyang pag-aartista.

Pagmamalaki niya, “Ayoko naman pong mapahiya.

“Ipinagkatiwala sa akin ng mga bosses ng GMA ang magbida sa Pyra, kaya kailangan kong husayan ang bawat labas ko.

“Gusto kong ipakita na I am doing my best at hindi ako nagpapabaya.

“Kaya kahit sunud-sunod po ang puyatan sa set, okey lang po kasi trabaho ito na ibinigay sa akin."

May one million pesos siyang cash prize, at may natira pa raw rito.

“Nasa bangko lang naman siya para magka-interest.”

Kuwento pa niya, “Pinag-aaral ko rin po yung bunso kong kapatid.

"Ako na ang umako ng tuition fees niya at mga gamit sa school.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa taping ng Pyra noong nakaraang linggo.



JERIC GONZALES. Sila ngayon ni Jeric ang magka-loveteam sa afternoon soap na Pyra: Ang Babaeng Apoy, pero nilinaw ni Thea na hindi siya nililigawan ng kapareha.

Sabi ni Thea, “Barkada lang kami ni Jeric.

“Kaming mga taga-Protégé, kami ang laging nagkakasama.

“Kaya alam namin ni Jeric na hanggang sa pagiging friends na lang muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa dalaga, hindi muna siya magbo-boyfriend dahil bata pa naman siya.

“Wala pa naman sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend.

"Seventeen years old pa lang po ako kaya marami pang time para sa ganyan.

“Gusto ko munang pagbutihan ang trabaho ko para mas marami pang trabaho na dumating in the future.

“Through hard work, matutupad ang iba ko pang mga pangarap para sa aking pamilya at para na rin sa sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN