Arnold Clavio on interview with Janet Napoles’s lawyer: "Inaamin ko po na lumampas ako sa aking limitasyon, at humihingi ako ng unawa."

Nagpaliwanag si Arnold Clavio sa naging kontrobersiyal niyang panayam kay Atty. Alfredo Villamor sa Unang Hirit noong Lunes, November 4.


Umamin si Arnold Clavio na "lumampas" siya sa kanyang limitasyon bilang mamamahayag, at tuloy humingi ng pang-unawa sa naging panayam niya sa abugado ni Janet Lim Napoles na si Atty. Alfredo Villamor.

Nangyari ang phone-patch interview ni Arnold kay Atty. Villamor sa Unang Hirit noong November 5, Martes.

Kaninang umaga, November 7, ay nagsalita si Arnold tungkol dito sa parehong morning program ng GMA Network.

Pahayag niya, "Ang tanging intensiyon ko po lamang, tulad po ninyo, ay makakuha ng impormayson mula kay Atty. Alfredo Villamor, patungkol po sa pagpunta ni Ms. Janet Lim Napoles sa Senado.

"Sa ngayon, siya [Atty. Villamor] lang po ang kilala naming natitirang abugado ni Napoles, kaya siya lamang po ang kinausap namin... na umaasa na makakuha ng impormasyon tungkol sa nasabing Senate hearing.

"Sa sidhi kong malaman ninyo ang balita, inaamin ko po na lumampas ako sa aking limitasyon, at humihingi ako ng unawa kung may nasabi man ako na wala sa lugar.

"Maraming salamat po."

Watch video: Arnold Clavio apologizes to Kapuso viewers for controversial interview

THE INTERVIEW. Umingay nang husto at naging trending topic pa sa Twitter si Arnold nang magkasunod na araw, Martes (November 5) at Miyerkules (November 6), kaugnay ng interview niya kay Atty. Villamor noong Martes.

Sa pamamagitan ng social networking sites, naikalat ang YouTube link ng nasabing panayam ni Arnold kay Atty. Villamor, na galing sa Unang Hirit.

Watch video: Arnold Clavio interview gets mixed reaction from netizens

Sunud-sunod ang mga naging komento ng netizens tungkol dito.

Magkakahalo man ang naging reaksiyon nila sa isyu, mas nangibabaw ang pagbatikos sa broadcast journalist at anchor ng News and Public Affairs ng GMA Network.

"Unprofessional" at "unethical" ang ilan sa mga salitang ginamit ng ilang netizens upang ilarawan ang naging asal ni Arnold sa panayam niya kay Atty. Villamor.

Hirit pa rin ng ibang netizens, bilang mamamahayag ay hindi dapat naging magaspang ang asal ni Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilan namang pumanig kay Arnold ay nagsabing masyado raw kasing pa-safe ang abugado ni Napoles sa panayam sa kanya, dahilan kaya naging ganoon ang reaksiyon ni Arnold.

Ang intensiyon ng panayam ni Arnold ay makakuha ng impormasyon kay Atty. Villamor sa kung sino na ang magiging abogado ni Napoles sa Senate hearing na gaganapin ngayong umaga, November 7.

Ibinalita noong October 30, Miyerkules, ang pagbibitiw ni Atty. Lorna Kapunan bilang abugado ni Napoles sa kaso ng illegal detention na isinampa ng ina ni Benhur Luy laban kay Napoles.

Itinago umano ng tatlong buwan si Benhur laban sa kagustuhan ng huli.

Mula noon, lumaki na ang kaso ni Napoles. Naging whistleblower si Benhur, at si Napoles ang itinuturong mastermind ng P10-billion pork-barrel scam.

Read: Lorna Kapunan resigns as lawyer of Janet Napoles in illegal detention case



THE CONTROVERSIAL INTERVIEW. Sa panayam ni Arnold kay Atty. Villamor, sa telepono, noong Lunes, tinanong ng news anchor ang abugado kung sino na ba ang dapat kausapin para malaman kung sino ang legal counsel ni Napoles sa hearing.

Ang sagot naman ni Atty. Villamor, “When it comes to the serious illegal detention case po, as I’ve said, ako po yung lawyer. Pagdating po sa PDAF, hindi po ako ang abogado…”

Sundot ni Arnold, “Kaya nga po binabalikan ko po… Pang-sira ka ng araw.

"Kaya nga sinasabi ko yung illegal detention case, Attorney… Kayo ho ba opisyal na humaharap na katawan niya? Abogado kayo dun?"

Sinubukang sumagot muli ni Atty. Villamor, pero nawala ang pagkakataon dahil nagsalita muli si Arnold.

"Binago ko na nga, tatawa-tawa ka pa,” sabi ni Arnold.

Nakipag-ugnayan na ang PEP kay Atty. Villamor ,at ilalathala rito ang kanyang panig ilang oras mula ngayon.



NOT THE FIRST TIME FOR ARNOLD. Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa kontrobersiya si Arnold, kaugnay ng pagpapahayag ng kanyang opinyon sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na noong Marso 2012, lumikha rin siya ng ingay nang magbitaw siya ng maaanghang na salita hinggil sa reklamong sexual harassment ni Philippine Olympics Committee official Cristine Ramos-Jalasco laban sa mga miyembro ng Azkals football team na sina Lexton Moy at Angel Guirado.

Binatikos ni Arnold ang Azkals members at kinuwestiyon ang nasyonalidad ng mga ito sa isang episode ng Unang Hirit.

Read: Arnold Clavio hits hard on Azkals

Bandang huli ay humingi siya ng "pang-unawa" sa mga salitang nagamit niya laban sa football team, pero naninindigan daw siya sa kasong sexual harassment na isinampa laban sa dalawang miyembro ng Azkals.

Read: Arnold Clavio apologizes for using inappropriate words on his opinion about sexual harassment complaint against Azkals

Nitong 2013, nagbigay rin ng matapang na pahayag si Arnold sa programa niya sa dzBB laban kay Vice Ganda, dahil ginawang paksa ng biro sa concert ni Vice si Jessica Soho.

Si Jessica ay kasamahan ni Arnold sa News and Public Affairs ng GMA Network.

Sa concert ni Vice, na pinamagatang I-Vice Ganda Mo ’Ko sa Araneta at ginanap noong Mayo 17, 2013, ginawang katatawanan ng ABS-CBN at Viva Entertainment talent ang timbang ni Jessica.

Sinabi pa nitong kung may "rape scene" sa pelikula na pagbibidahan ng award-winning news anchor ay magiging "gang rape" ito.

Bukod kay Arnold, ipinagtanggol din ng iba pa nilang kasamahang mamahayag si Jessica. Ipinagtanggol din ng ilang kolumnista, na hindi konektado sa GMA Network, si Jessica.

Read: GMA News reporters react to Vice Ganda’s “rape joke” about Jessica Soho


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN