PEP EXCLUSIVE. Atty. Alfredo Villamor on Arnold Clavio: "What apology should I accept? E, hindi naman siya sa akin nanghihingi ng apology.”

Atty. Alfredo Villamor on the legal implication of Arnold Clavio’s (in photo) "rude behavior" during their interview on Unang Hirit last November 5: "Alam mo, I am a lawyer. I can sue him anytime I want. At this point, I am contemplating it. Pero I am not doing it. Parang useless naman, e. Hindi naman na siguro dapat yun, di ba? Ayoko nang palakihin. I have been vindicated by people na nag-comment dun sa ano [viral video]."


Nagbigay na ng opisyal na pahayag si Atty. Alfredo Villamor kaugnay ng panayam sa kanya ng GMA Network news anchor na si Arnold Clavio sa programang Unang Hirit, noong November 5.

Matatandaang umani ng pambabatikos si Arnold mula sa netizens, matapos niyang sabihan si Atty. Villamor ng “…panira ka ng araw… wala akong napala sa ’yo… tatawa-tawa ka pa riyan…”

Noo’y ismayado si Arnold dahil nabigo siyang makakuha ng inaasahang karagdagang impormasyon hinggil sa kliyente ni Atty. Villamor na si businesswoman Janet Lim-Napoles.

Sa kabila nito, hindi nagustuhan ng mga manonood ang kanyang hayagang pamimilosopo at pambabastos sa abugado, gayong maayos itong nakikipag-usap sa naturang live phone interview.

APOLOGY FOR RUDE BEHAVIOR. Bunsod ng kumalat na viral video ng panayam, humingi ng dispensa si Arnold mula sa manonood ng programang Unang Hirit, ngayong araw, November 7.

Inamin ng news anchor na “lumampas siya sa kanyang limitasyon,” at maaaring may nasabi siyang “wala sa lugar” nang kapanayamin niya si Atty. Villamor.

Sa kadahilanang gusto raw niyang makapagbigay ng balita tungkol sa nakatakdang pagdalo ni Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing ngayong araw.

Si Janet Lim-Napoles ang itinuturong utak sa pagtayo ng pekeng non-government organizations, na diumano’y tumanggap ng sampung bilyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Sina Senator Bong Revilla, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Juan Ponce Enrile ang mga mambabatas na nadadawit sa maanomalyang paggamit ng PDAF.

(Read: Arnold Clavio on interview with Janet Napoles’s lawyer: "Inaamin ko po na lumampas ako sa aking limitasyon, at humihingi ako ng unawa.")



ATTY. VILLAMOR SPEAKS UP. Kaugnay nito, ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Villamor, sa pamamagitan ng telepono, tungkol sa kontrobersiyal na panayam sa kanya ni Arnold sa Unang Hirit.

Ipinaliwanag ni Atty. Villamor na bago pa lang siya sumalang sa live phone patch ng programa, nilinaw na niya sa staff ni Arnold na ang tanging hawak niyang kaso ay ang serious illegal detention case na isinampa ni Benhur Luy laban kay Napoles sa Makati Regional Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Benhur Luy ang isa sa "whistleblowers" sa diumano’y pork-barrel scam na kinasasangkutan ni Napoles.

Kaya’t wala raw siya sa posisyon na magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakasangkot ni Janet sa pork-barrel scam at sa inaasahang pagdalo nito sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.

Ito ang bungad na pahayag ni Atty. Villamor sa panayam ng PEP ngayong umaga:

“What I was trying to say is for one, I just woke up.

“And I explained to his staff who called me, that I am limited to the illegal detention case.

“And I am not at a liberty to talk about her appearance in the Senate [or] to talk about any case involving the PDAF. Yun lang.

“Kaya parang ‘wag siyang magalit sa akin, kasi nilinaw ko naman sa staff niya, na ganyan ang usapan. Sabi naman ng staff niya, ‘Okay lang.’

“In fact, yun din naman ang sinabi niya nung in-introduce ako, ’The lawyer of Janet Lim-Napoles in the serious illegal detention case.’

“Tapos, palaktaw-laktaw din siya ng tanong kaya parang nalito rin ako.”



NO DIRECT APOLOGY, NO REMORSE. Ipinarating din ng PEP kay Atty. Villamor na kaninang umaga ay opisyal nang humingi ng pang-unawa si Arnold dahil sa inasal nito nang kapanayamin siya.

Ano ang reaksiyon niya tungkol dito?

Sagot ni Atty. Villamor, “Oo nga, marami ang nag-text [sa akin].

“Pero hindi naman daw sa akin nag-a-apologize.

“What apology should I accept?

“E, hindi naman siya sa akin nanghihingi ng apology.”

Ni hindi raw niya nakitaan si Arnold ng sinseridad na nagsisisi ito sa kanyang inasal.

Giit ni Atty. Villamor, “At saka, I don’t care anymore.

“He just kept on doing his job, and he moved on, di ba?

“Pero nagkamali siya.”

Sa ngayon, wala raw siyang natatanggap na anumang text message o tawag mula kay Arnold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa ba siyang gagawa ng paraan si Arnold upang makipag-ayos sa kanya?

Sagot ni Atty. Villamor, “I don’t care.”

“I have more important things to do than bother myself with him.”

LEGAL IMPLICATION. Kung tutuusin ay maaari raw niyang ihabla si Arnold dahil sa ginawa nitong pambabastos sa kanya on national television.

Aniya, “Alam mo, I am a lawyer. I can sue him anytime I want.

“At this point, I am contemplating it.”

Sa kabilang banda, sapat na raw kay Atty. Villamor na mismong taong-bayan na ang nagtanggol sa kanya laban kay Arnold.

Ang ipinakitang pagkainis ng netizens sa inasal ni Arnold ay patunay lang daw na mali ang ginawa nito.

Patuloy na paliwanag ni Atty. Villamor sa posibilidad na sampahan niya ng kaso si Arnold, “Pero I am not doing it. Parang useless naman, e.

“Hindi naman na siguro dapat yun, di ba? Ayoko nang palakihin.

“I have been vindicated by people na nag-comment dun sa ano [viral video].

“It’s enough that the public reacted the way it should react.”



CONFIDENTIALITY AGREEMENT. Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Atty. Villamor tungkol sa paliwanag ni Arnold na umasa itong makakuha ng karagdang impormasyon mula sa kanya dahil siya ang kilalang natitirang abugado ni Napoles.

Ngunit iginiit ni Atty. Villamor na hindi niya maaaring basta suwayin ang confidentiality agreement nila ng kliyenteng si Napoles.

“Yes, I know.

"Unang una, if I know something about the case and about my client, I will invoke that it is a privileged communication.

“I have to maintain the confidentiality of whatever facts and matters I’ve learned by virtue of my relationship as a lawyer with Napoles.

“Wala rin siyang makukuha because I have to do that.

“Pangalawa, I’m not really authorized, I am not in a position to talk about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako’y abugado lang sa serious illegal detention case,” pag-ulit ni Atty. Villamor.

Nahaharap sa kasong serious illegal detention case si Napoles, matapos niyang ikulong umano ang second cousin at dating personal assistant niyang si Benhur nang labag sa kalooban ng huli.

Itinago raw ni Napoles si Benhur sa isang bahay niya sa Makati, sa loob ng tatlong buwan.

March 22 nitong taon nang magtagumpay ang National Bureau of Investigation (NBI) na sagipin si Benhur.

Sa kasalukuyan, siya ang tumatayong pangunahing whistleblower sa kinasasangkutang pork-barrel scam ni Napoles.

Hindi ito ang unang pagkakataong nabanggit ang pangalan ni Atty. Villamor sa media.

Si Atty. Villamor ang abugado rin ng dating GMA Network executive na si Ms. Wilma Galvante laban sa mga kasong isinampa nito sa talent manager na si Annabelle Rama noong 2009.

Sa ngayon, na-dismiss na ang mga kasong isinampa ng talent manager laban sa network executive. Ang natitira na lamang kaso ay ang isinampa ng huli laban sa una.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN