Shaina Magdayao believes in "pagpag" superstition: “Itong pagpapagpag bago umuwi sa bahay, pagkatapos mo pumunta sa isang burol, ay sinusunod naming pamilya.”

Shaina Magdayao not ready for a new relationship: “For the first time, mas excited ang mga tao sa paligid ko kung sino nga ba talaga ang susunod kong mamahalin. Pero, siguro, this is the biggest sign. I really don’t have time for it.”


Kumpirmado na nagkita ang dating magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa nakaraang birthday celebration ni Bea Alonzo.

Nagkataon din na kasama noon ni John Lloyd ang kasalukuyan niyang girlfriend na si Angelica Panganiban.

Nang malaon, hiningan ng reaksyon si Angelica sa ginawang paglapit ni John Lloyd kay Shaina at sa pagbati nito sa dating kasintahan.

Tugon ni Angelica, mas magtataka siya kung maiilang pa ang boyfriend kay Shaina. Pag nagkataon daw ay baka lalong pag-isipan pa niya ng hindi maganda.

Kay Shaina naman, hindi niya ipinagkaila na nagbatian nga sila ng ex-boyfriend.

Pahayag din ni Shaina, na ano man ang hindi magandang napagdaanan niya ay binaon na niya sa limot para makapag-move on siya.

“We’re okey, binabati naman niya ako pag nagkikita kami, yun pa rin,” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Wala, busy kami pareho noong night na yun, birthday ni cousin.

“Feeling ko, kaya din ako okey ngayon, kasi you just let go of the negative things, the negative feelings.

“Although the reality, tao ka lang naman, sasama ang loob mo, masasaktan ka, pero siguro at the end of the day, nasasa iyo yun.

“Gagawin mo yun di para sa ibang tao, kungdi para sa sarili mo.

“Kaya siguro nagle-let go tayo ng mga negative things, tapos ang mga pumapasok sa atin ngayon all positive, all blessings.

“I think that’s all that matters.”


MORE WORK, FRIENDS. Nakatuon daw si Shaina sa lahat ng mga positibong nangyayari sa kanya, tulad ng magandang takbo ng kanyang career at kanyang mga bagong kaibigan.

Sabi niya, “Ipinagdarasal na lang natin ‘yan lahat, at may mahihiling ka pa ba?

“Ang ganda-ganda ng taon mo, di ba, at ang babait ng mga taong nakapaligid sa iyo?

“You are surrounded with beautiful people, kind people… Natutuwa ako dahil marami akong mga bagong kaibigan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, pumasok ang taong ito, I gained friends from Juan dela Cruz, Four Sisters and A Wedding, On The Job

“I don’t know if you follow me on Instagram, sabi ko, heto may bago akong pamilya, itong Pagpag group.

Ginagawa ni Shaina ang pelikulang Pagpag Siyam na Buhay, kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa magiging Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema.

“Mayroon tayong mga bagong kaibigan, bagong kasama. Bago matapos ang taon, I’m going to work with Ms. Dawn [Zulueta], Mr. Richard [Gomez], so parang nakakatuwa…

“Palaki nang palaki ang mundo mo, palaki nang palaki ang circle mo sa trabaho. I’m just thankful na ganoon.”


FRIENDLY BAGETS. Ayon kay Shaina ay ine-enjoy niya nang husto ang shooting ng Pagpag, kung saan naging kaibigan na rin niya sina Kathryn at Daniel.

“Nakakatuwa yung dalawang bagets! Saka di ako makapaniwala na ang tawag ko sa kanila, sa role ko, ay mga bata, dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa kanila.

“Ako man, bagets din ako ngayon, ang tawag ko sa kanila ay bagets na.

“Nakakatuwa because they are very driven also, parehas kami, dahil sabay-sabay kaming sume-segue noon, e.

“From Juan dela Cruz, nagsyu-shooting ako for Pagpag, sila naman from Got To Believe na for airing, dumidiretso sila for Pagpag.

“So nagkikita-kita kami kasi, kahit lahat puyat man, nakakatuwa, kasi ang sisipag nilang dalawa.

“Wala kang reklamong maririnig, so nakakatuwa na may makakatrabaho kang ganoon.”


RUMORED BOYFRIEND. Sa katatapos na birthday ni Shaina noong November 6, ang hiling ng mga malalapit na kaibigan ay makita na niya ang bagong magpapatibok ng kanyang puso.

Sa kabila ng pag-uugnay sa kanila ni Piolo Pascual, consistent si Shaina sa pagsabing hindi pa siya handa sa panibagong relasyon sa ngayon.

Patotoo niya, “For the first time, mas excited ang mga tao sa paligid ko kung sino nga ba talaga ang susunod kong mamahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, siguro, this is the biggest sign. I really don’t have time for it.

“Siyempre, kaya naman nating gawan ng paraan kung gusto, pero sa ngayon, gusto ko lang i-value itong trabaho na ’binibigay sa akin.

“Kasi, parang ngayon lang talaga akong ganito, na sunod-sunod ang trabaho, so ayaw naman nating i-take for granted ko ito.

“I just wanna value this, alagaan natin, tapos when the right person comes…

“Siguro right time na rin yun ni Lord, pero alam ko na hindi pa rin yun ngayon.”

Naglabasan kasi kamakailan ang mga larawan ni Shaina at Piolo na magkahawak-kamay.

Kuha ang larawan sa ASAP, na ginanap sa Marikina Sports Complex, para sa 60th anniversary ng ABS-CBN.

Ang kumalat na mga larawan sa networking sites ay nagpatibay daw sa matagal ng balita na may espesyal na relasyong namamagitan sa dalawa.

Sa interview naman kay Piolo dati, sinabi nitong kung magkakaroon siya ng girlfriend ay nakikita niyang si Shaina na ito.

Hiningan ng PEP ng reaksyon si Shaina tungkol dito.

Aniya, “Di ko pa nga napapanood ‘yan kaya di ako naniniwala. Ako mismo or someone like me?

“Magkaiba ‘yun, pero ako nga, siyempre, nakakatuwa kasi may nakita siyang mabuti sa akin, di ba?

“Oo, magkasundo kami, masarap siyang kausap, masarap siyang kasama.

“Pero nagpapasalamat tayo kasi nga na-a-appreciate niya ako or mayroon siyang nakita na goodness nga in me.

“So hayun, I’m just thankful.”


PRIORITY. Noong nakaraang taon ay nagselebra ng kanyang kaarawan sa ibang bansa si Shaina, kasama ang kapatid na si Vina Morales.

Gustuhin man niyang magbiyahe ngayong taon ay malabo na raw magawa sa dami ng trabaho.

Kuwento niya, “Paano pa ako pupunta ng ibang bansa? Definitely with my family, yes.

“Pero yung lagi kong hinihiling na sana nasa ibang bansa ako, malabo.

“Di ako makakaalis this year for my birthday mismo, so nandito ako sa birthday ko dahil may trabaho tayo. We’re finishing this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Fortunately, I am starting with a new soap, yung You’re My Home, so sisimulan namin yun before the yearend.

“Pero siguro, gusto ni Lord na makapagpahinga ako nang kaunti.

“So sa December 1, mga Kapamilya, nasa London ako, sana magkita-kita tayo diyan.

“May trabaho, tapos naglambing ako ng ilang araw na pahinga, naibigay naman sa akin ang ilang araw."

Ni birthday wish nga ay hindi na raw niya napag-isipan.

“Natanong sa akin ‘yan ni Tito Boy [Abunda] noong isang gabi lang.

“Sabi ko, ‘Wow, Tito Boy, parang I’m so full of work-related things na parang di ko nga naisip kung ano ang birthday wish ko this year.’

“Siguro ano, magtuluy-tuloy lang itong napakagandang taon na ito, kasi, unexpectedly, ang ganda ng pagpasok ng taon na ito.

“Tapos, di siya matatapos ng ganuon-ganoon lang, hindi siya nagpahuli.

“Sana, itong 2014 rin, sana magpatuloy, sana mas gumanda pa, mas magandang makulay pa."

Pag-ulit ni Shaina, “Nakakatuwa kasi non-stop yung blessings natin this year.

“After Four Sisters And A Wedding, OTJ [On the Job], naisip pa ako ng Star Cinema na isama sa napakagandang pelikula na ito."

Ang Pagpag Siyam na Buhay nga ang tinutukoy ni Shaina. Dagdag nito, “It’s one of the entries in Metro Manila Film Festival, so nakakatuwa kasi kasama tayo sa napakagandang proyekto.

“Well, basically, isa ako sa mga characters na makakatagpo nila Daniel, Kathryn.

“Magkikita-kita kami at magtatagpo ang mga characters namin sa isang burol, and alam naman natin na ang title natin ay Pagpag Siyam Na Buhay.

“So mayroong di masusunod doon sa mga pamahiin nating mga Filipino.

“Doon na magtutuloy-tuloy ang aming kuwento, dahil mayroong di nasunod.

“Parang doon mangyayari ang lahat ng kaguluhan, kamalasan nga ba talaga?

“Dahil di namin sinunod ang pagpag at mga pamahiin nating mga Filipino.”


SUPERSTITION. Personal palang naniniwala si Shaina sa pamahiin ng pagpag, na siyang iikutan ng istorya ng pelikulang kanyang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumpirma niya, “Oo, naniniwala ako talaga. Pag pupunta ako sa isang burol, talagang nagpapagpag ako.

“Kung saan mang gasoline station, masabi mo lang talaga na tumigil ka sa isang lugar at mapagpag mo yung kaluluwa ng pinuntahan mo.

“Saka, di ba, pag sinasabi nila, ‘Naku, di naman totoo ‘yan!’ sasabihin naman ng mga matatanda, ‘Wala namang mawawala sa iyo kung maniniwala ka.’

“Yun siguro, lumaki ako sa isang pamilya na naniniwala sa ganoon. Di naman siguro lahat ng pamahiin ay sinusunod namin.

“Pero ito, specifically, itong pagpapagpag bago umuwi sa bahay, pagkatapos mo pumunta sa isang burol, ay sinusunod naming pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN