Jennylyn Mercado and Mark Herras reunite in drama series; dismiss possible reconciliation

Pagkatapos ng halos limang taon ay muling magtatambal sa isang teleserye ang dating magkasintahang sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Ito ay sa pamamagitan ng Rhodora X.


Magsasamang muli sa isang proyekto ang dating magkasintahang sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Ito ay sa pamamagitan ng drama series na Rhodora X.

Bago ito, ang huling teleseryeng pinagsamahan ng dalawa ay ang Ikaw Sana noon pang 2009.

Kahapon, November 7, ay nagkaroon ng meeting sina Jennylyn at Mark, kasama ang production staff ng Rhodora X, para mapag-usapan ang preparasyon para sa pagsasamahang project.

Pagkatapos ng meeting ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jennylyn at Mark.

Sa pagtatambal nilang muli, marami ang nagsasabing posible silang magkabalikan dahil pareho silang single ngayon.

Si Jennylyn ay katatapos lang ng relasyon sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Si Mark naman ay hiwalay na rin sa longtime girlfriend nitong si Ynna Asistio.

Nang tanungin ng PEP si Jennylyn tungkol sa posibleng pagbabalikan nila ni Mark, natawa ito dahil sinabi nga raw niya noon na wala siyang binabalikang karelasyon.

“Kaya nga natapos ang isang relasyon, kasi hindi nag-work out.

"Kumbaga, para sa akin, kung tapos na, tapos na.

“Pero ang sa amin ni Mark, ang relasyon namin ni Mark, masasabi kong special.

"Kasi marami rin kaming pinagdaanan, marami rin kaming pinagsamahan.

"Kaya masasabi kong isa siya sa pinakaespesyal para sa akin," pahayag ng 26-year-old Kapuso actress-TV host.

Kahit si Mark ay hindi rin masabi kung anong posibleng mangyari sa hinaharap.

Mas mabuting sa kanilang programa na lang daw sila mag-concentrate ni Jennylyn.

Kung ano man ang ma-develop, bahala na raw dahil wala pa naman daw sa isip nila ito.

At gaya ni Jennylyn, wala rin daw binabalikang ex si Mark.

Sabi ni Mark, “Kahit siguro panoorin niyo ang mga interviews ko before, sinasabi ko rin na wala akong binabalikang ex.

“Hindi ko pa talaga alam. Mahirap ding sabihing hindi na talaga ako makikipagbalikan sa ex ko.

“Siguro, ito ngayon, magsisimula pa lang kaming magtrabaho together, let’s see kung ano ang mangyayari sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong bandang huli, kakainin ko ang mga sinabi ko.

"We’ll see.”

Sinang-ayunan naman ito ni Jennylyn.

Sabi ng actress-TV host, “Mahirap magsalita, pero para sa akin, ganun kasi, wala naman akong experience na binalikan ko ang isang ex.

"So, wala rin sa isip ko."

Mas excited pa raw silang pag-usapan kung ano ang gagawin nila sa tenth anniversary ng StarStruck sa February 2014.

May binabalak daw silang lahat na alumni ng reality-based artista search ng GMA, kaya excited silang matuloy ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN