Elmo Magalona still biding his time to go sexy: “Hindi pa, hindi pa ngayon, hindi pa ako ready.”

Elmo Magalona on being naughty: “Pag ang kasama ko mga ka-close ko, parang mas kumportable akong maging ganoon. Pag hindi, ano ako, e, nagsi-shift ako bigla, nagiging mabait.”


Ini-launch na ang tambalan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa pamamagitan ng pinakabagong Kapuso teleserye na Villa Quintana.

Dito naging busy si Elmo kahit wala na ang Party Pilipinas at hindi na rin siya masyadong napapanood sa telebisyon.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yes, marami rin akong ginagawa so hindi naman ako...

“Kaya nagtataka ako kung bakit sobrang shocked yung mga tao na ‘Okay lang ba sa iyo na hindi ka visible?’


GOING SEXY. Ang isang paraan para maging visible si Elmo ay ang pagsali sana niya sa fashion shows tulad ng Cosmo Bachelor Bash.

May porma naman ang katawan niya, ayon sa obserbasyon ng iba.

Nakita ang maganda niyang pangangatawan nang nagtanggal siya ng T-shirt sa pelikulang Just One Summer na pinagbidahan nila ni Julie Anne San Jose.

Kailan ba siya papayag na rumampa ng sexy sa isang show?

“Hindi pa, hindi pa ngayon, hindi pa ako ready,” pag-amin niya.

So hindi kaya siya mapapayag ng Cosmo next year?

“Basta kung ready na yung state ko, kung kaya ko siya,” diin niya.

Kailan niya malalaman kung handa na siya, kapag walo na ang abs niya?

“Kapag sampu na!” ang tumatawang sagot ni Elmo.

Gaano siya kadalas mag-workout?

Aniya, “Ngayon, hindi na ako nakakapag-workout, e, so iyon nga, parang nawala ako [sa porma].”

Itutuloy naman niya ulit ang pagdyi-gym at wala naman siyang problema sa paghuhubad sa show o pictorial.

“Basta naman kaya ko, basta alam kong kaya ko, gagawin ko siya. Tapos, pag hindi ko siya kaya, hindi ko siya gagawin.”

Hanggang saan ba ang kaya niya, mag-trunks or mag-briefs?

“Hindi ko pa kaya ngayon kasi… hindi ko pa alam!”

Kung boxer shorts?

“Siguro kaya ko naman. Depende nga kung, hindi naman puwedeng ito lang e,” sabay turo sa upper part ng katawan niya.

“Siguro pati dito, yung buo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHOWBIZ IMAGE. Si Elmo ay mukhang mabait at may wholesome image. May naughty side rin ba siya?

“Meron din, meron din,” pag-amin niya.

Ano naman ang pinaka-naughty na bagay ang nagawa na niya?

“Ah... ewan ko. Hindi, like wala lang, pag lumalabas lang, ganoon, pag kasama ko mga friends ko,” kuwento niya.

So hindi naman pala siya as in super-bait at super wholesome, may kapilyuhan rin pala?

Sabi ni Elmo, “Basta depende sa kasama ko, e.

“Pag ang kasama ko mga ka-close ko, parang mas kumportable akong maging ganoon.

“Pag hindi, ano ako, e, nagsi-shift ako bigla, nagiging mabait.

“Kasi siyempre hindi ko sila kakilala, hindi ko sila ka-close so mag-i-stick na lang ako sa pagiging mahiyain.”


INVESTMENTS. May katagalan na rin sa showbiz si Elmo. Ano na ang pinakamalaking investment niya mula nang mag-artista siya?

Aniya, “Ewan ko, pero yung pagrerenta ko siguro ng condo.

“Kasi ako na yung nagbabayad noon, e, monthly. Ano na siya, bought na siya.

“Yung mom ko ang bumili noon, pero noong ako na yung tumitira doon, ako na yung nagbabayad.”

Balak na rin ni Elmo na bumili ng bagong kotse.

Sabi niya, “Hindi ko kasi alam kung ano’ng bibilhin, e.”


DAD’S MEMORIES. Isa si Elmo sa magkakapatid kabilang sina Maxene at Saab na mga anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona.

Nabanggit ng PEP kay Elmo na dating magkasama sina Francis at Ramon Christopher sa ilang mga pelikula tulad ng Bagets.

Si Ramon Christopher ang ama ni Janine Gutierrez.

Ayon kay Elmo, gusto niya sanang makakuwentuhan si Ramon Christopher.

“Siguro tatanungin ko ang dad niya tungkol sa dad ko,” dahilan ni Elmo.

“Iyon yung parang cherished moment ng dad ko, yung Bagets ’tsaka Ninja Kids.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN