Winwyn Marquez is bent on joining Binibining Pilipinas in 2015

Bagamat matalik na magkaibigan sila ni Rocco Nacino, sinabi ni Winwyn Marquez na imposibleng magkagustuhan sila. Ayon kay Winwyn, “Cliché, pero para ko siyang kuya, para ko siyang kapatid. Tsaka hindi kami bagay!”


Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ng Kapuso talent na si Winwyn Marquez na dalawang taon muna ang hihintayin niya bago sumali sa Binibining Pilipinas.

Ibig sabihin, sa 2015 siya sasali.

“Oo, sana talaga... gusto ko, e,” sabi ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Dormitoryo kahapon, November 7, sa Divine Word Seminary, sa Tagaytay City.

Bakit hindi pa siya next year sumali, lalo na’t maganda ang track record ngayon ng Pilipinas sa international pageants?

Ngayong 2013 ay dalawang korona na ang naiuwi ng Pilipinas—ang Miss Supranational na napanalunan ni Mutya Datul at ang Miss World na napagwagian ni Megan Young.

Paliwanag ni Winwyn, “Kasi po, kaka-sign ko lang with GMA ng contract na two years with them.”

Bawal?

“Hindi naman po bawal, pero sayang kasi yung work na ibibigay nila sa akin.

“Iga-grab ko na lang yung opportunity habang nandiyan,” sabi niya.

Dahil sa sunud-sunod na pagwawagi ng mga kandidata ng Pilipinas sa mga international beauty pageants, hindi ba siya ninenerbiyosin kapag siya na ang sumali?

“Meron, siyempre, meron. Kasi, once na sumali ka dun, iku-compare ka, e, sa lahat ng nanalo.

“Pero sa akin, keribels, kasi gusto ko talaga sumali!” natatawang sabi ni Winwyn.

Dagdag niya, “So, ano lang, hindi ko na lang iisipin yun.

“Gagalingan ko na lang if ever sumali ako.”

Ang kanyang kagustuhang sumali sa Binibining Pilipinas ang dahilan kung bakit hindi siya papayag kung sakaling alukin siyang mag-cover pictorial para sa men’s magazine, gaya ng FHM.



POLITICS. Dahil ang mga magulang ni Winwyn na sina Alma Moreno at Joey Marquez ay parehong pinasok ang larangan ng pulitika, tinanong ng PEP ang Sunday All Stars mainstay kung siya ba ay gusto ring maging bahagi ng mundo ng pulitika balang-araw.

Tugon niya, “Actually po, sa Parañaque, kinausap po ako ng ibang officials kung puwede daw akong tumakbo for barangay election—kagawad lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi dati, nag-SK [Sangguniang Kabataan] na ako sa Baclaran, kasi dun kami. Four years po.”

Bakit hindi siya tumakbo nung nakaraang barangay elections?

Paliwanag ni Winwyn, “Ayoko po muna, ang hirap kasing i-balance talaga.

“Tapos, nung time na yun, fourteen lang ako, iyak ako nang iyak!

“Kasi, talagang pressure din kahit ganung edad.

“Sa SK kasi, siyempre ten percent ng budget, nasa ‘yo, e.

“So bata, e, na-trauma po siguro ako.”

Pero may chance na muling sumabak si Winwyn sa pulitika.?

“Opo, siguro meron naman… oo, meron siguro.

“Pero ngayon, hindi.

“Nung kinausap nila ako, sabi ko talaga, ‘No, huwag muna.’ Huwag ipilit kung ayaw ko, kasi ang hirap, e.

“Pag tatakbo ka sa ganyan, tapos ayaw mo naman, mahirap gawin yung trabaho.”

So, in the future, biro namin kay Winwyn, maaaring Miss Universe na siya o kaya’y mayor?

“Why not? Or puwedeng mayor na Miss Universe!” sakay naman niya.

“Sabay, ganun po, at least meron akong mga… Alam mo yun, goals or plano na, pag hindi naging successful yung isa, meron akong ibang puwedeng gawin.”



ROCCO NACINO. Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Winwyn ay ang kasamahan niya sa Sunday All Stars na si Rocco Nacino.

Sa panahong may love problems ang aktor ay nagsasabi raw ito kay Winwyn.

Ano ang pakiramdam ni Winwyn na siya ang “shoulder-to-cry on” ng mga lalaki niyang kaibigan?

Aniya, “Alam mo, ang weird, kasi mas close po kasi ako sa mga guys, since lumaki po kasi ako sa bahay, ako lang yung babae.

“Ang kasama ko, si Kuya Mark [Anthony Fernandez], Vandolph, Jeremy [Marquez]…" pagbanggit niya sa kanyang half-brothers.

“So, yung mga guys, yung mga problema nila, naiintindihan ko since nakikita ko yun na ginagawa before ng mga kapatid ko.

“So, ewan ko, siguro ganun talaga.”

Pero imposible raw ma-develop sila ni Rocco kahit sobrang close sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po! Hindi talaga!” bulalas ni Winwyn.

“Cliché, pero para ko siyang kuya, para ko siyang kapatid.

“Tsaka hindi kami bagay!”

Pero sinabi ni Winwyn na napakabait ni Rocco.

“Sobra! Kasi siya yung nagbabantay sa amin.

“Like, if we go out, talagang mine-make sure niya na okay kami, na walang problema.

“Lagi siyang nakabantay pag may lalapit sa amin, ‘Uy, ano ‘yan?’ Gaganyan siya kaagad.

“So, sobrang bait na friend—true friend kumbaga.”



SUITOR EX-BOYFRIEND. Sa ngayon ay nanliligaw muli kay Winwyn ang dating boyfriend niyang flight attendant. Lumalabas rin daw sila.

So, may mutual understanding na sila?

Sagot ni Winwyn, “Parang ganun na rin.

“Pero hindi, kasi nag-e-enjoy ako, e, ayokong…

“Alam mo yun, magpapaalam ka pa kung anong gagawin mo sa show, kung saan ka pupunta.

“So, hinahayaan lang namin, kung saan mapunta, e, di ganun na lang po.”

Wala raw ibang nanliligaw ngayon kay Winwyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN