PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto: "Mahirap kalabanin ang demonyo. Pero mas malaki ang Diyos ko sa demonyo."

Ito ang buwelta ni Claudine Barretto (nasa litrato) sa pahayag ng kapatid na si Gretchen Barretto na hindi ito pupunta sa burol ng kanilang ina sakaling pumanaw ito: “Hindi naman siya imbitado! And alam niya ‘yan, matagal na, sa last will and testament ng parents ko.”


Nagpaunlak ng exclusive interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Claudine Barretto.

Naganap ang panayam kay Claudine sa intimate, advance birthday celebration ng kanyang legal counsel na si Ferdinand Topacio kagabi, November 7, sa Society Lounge, sa Makati City.

Noong una ay nag-alangang magsalita si Claudine dahil may "gag order" daw siya mula sa korte. Ito ay kaugnay ng sanga-sangang mga kaso nila ng asawang si Raymart Santiago laban sa isa’t isa.

Pero kalaunan ay naging bukas ang aktres sa pagpapahayag ng saloobin kaugnay ng mga isyung kinasasangkutan niya.

Marami pang pagkakataon sa interbyu na naging matindi ang mga banat nito sa mga kaaway niya sa kasalukuyan.

Partikular na ang kaalitan niyang kapatid na si Gretchen Barretto at ang mga paratang ng huli sa kanilang mga magulang na sina Miguel at Estrella Barretto.

Unang inusisa ng PEP kay Claudine kung “recovering” o “recovered” na siya sa mga problemang pinagdaanan niya.

Sagot ng 34-year-old actress, “Actually, I don’t really know, ‘no?

“Kasi, I think, recovering.

"Kasi, every day, may bago kang malalaman na masasakit.

“May hindi ka alam noon na nalaman mo ngayong araw na ’to.

“And you have just to really face the problem.

“And kailangan mong tingnan, na ano ba’ng rason kung bakit kailangan mong bumangon bukas.”

THEY’RE VERY, VERY HURT.” Kamusta na ang magulang niyang sina Mike at Inday, na siyang palayaw nina Miguel at Estrella Barretto?

Tugon ni Claudine, “Uhm, they’re trying their best to be okay— both my mom and my dad.

“They’re very, very hurt.

“I could say and I can speak for my brothers and for my sisters also, sa nangyayari ngayon, masakit.

"Masakit yung ginagawan ka ng kuwento, binabansagan ka ng kung ano-ano.

“It’s not something that ano… na we take lightly.

“Kasi seventy-seven na yung parents namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And God forbid, if anything happens to my parents, wala akong ibang sisisihin.”

Hindi man direktang nagbanggit ng pangalan, malinaw na ang tinutukoy ni Claudine ay si Gretchen, 43.

Kamakailan ay sinagot ni Gretchen sa Instagram ang tanong ng isang follower kung pupunta siya sa lamay at burol, sakaling pumanaw ang kanyang ina.

Maikling tugon ni Gretchen: “No, I won’t.”

Buwelta ni Claudine rito, “Hindi naman siya imbitado!

“And alam niya ‘yan, matagal na, sa last will and testament ng parents ko!”

Gaano kasakit ang mga ganitong salitang nanggaling sa sariling kapatid?

Sagot ni Claudine, “Alam mo, naniniwala ako, pag bastos kang anak, babastusin ka rin ng anak mo.”

Hindi na raw binabanggit ni Claudine ang pangalan ni Gretchen.

“Para akong nagmumura pag ginagawa ko yun,” sabi niya, na may tapang ang boses.



GRETCHEN’S ACCUSATIONS. Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Claudine sa paglalarawan ni Gretchen sa mga magulang nila bilang “narcissistic mother and alcoholic father."

Read: PEP EXCLUSIVE. Gretchen Barretto on Inday Barretto: "My mother is the person who is deeply pained by my happiness."

Sagot ng bunso sa pitong magkakapatid na Barretto, “You know what, my parents have always been very good parents...

“Nakakatawa lang yung inabuso ka ng forty-three years… nakakatawa yun.

“Ano yun, bini-breastfeed ka pa lang, alam mo nang inaabuso ka? Yun lang ang tanong, e.

“Mathematics, simple mathematics, di ba?” sabi nitong may halong tawa at kutya.

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang pahayag ni Gretchen na nakaranas siya ng “43 years of emotional and verbal abuse” mula kay Inday Barretto.

Read: Gretchen Barretto claims "43 years of emotional and verbal abuse" from Mommy Inday

Maging siya raw ay inakusahan ni Gretchen na-diagnose ng “histrionic personality disorder.”

Ayon sa psychcentral.com: “Histrionic personality disorder is characterized by a long-standing pattern of attention seeking behavior and extreme emotionality. Someone with histrionic personality disorder wants to be the center of attention in any group of people, and feel uncomfortable when they are not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"While often lively, interesting and sometimes dramatic, they have difficulty when people aren’t focused exclusively on them. People with this disorder may be perceived as being shallow, and may engage in sexually seductive or provocating behavior to draw attention to themselves.”

Pataas ang boses ni Claudine habang sinasabi nitong, “I don’t understand, and I don’t know, how someone who did not finish elementary could diagnose her parents and her sister with such disorders.

“Well, she herself was diagnosed with histrionic personality disorder!”

Hindi rin daw pinaniniwalaan ni Claudine ang kuwento ni Gretchen tungkol sa nawawalang alahas sa Miladay jewelry store, kung saan sangkot umano ang kanilang ina.

Sabi ni Claudine, “Mahirap ano, at eight years old, kung meron ka nang ginagawang kuwento sa utak mo?

“Mahirap kalabanin ang taong akala totoo ang sinasabi niya, kahit na hindi totoo.

“Mahirap yung ganun.”

Pinayuhan ba niya ang ina na huwag nang sagutin si Gretchen?

Sa sagot ni Claudine, hindi niya ginawa ito.

Tugon ni Claudine, “You know, whatever my mom and dad want, whatever they wanna do, I will support them.

“Sila ang head of the family, sila ang magulang ko.

“Kung ano ang gusto nila, yun ang masusunod.

“Hindi kung sinu-sino mang nababaliw diyan.”

Naniniwala rin daw si Claudine na hindi dapat kinakalaban ng mga anak ang kanilang magulang.

Sabi niya, “Oo, totoo. Kasi, malasin ka nang sobra-sobra.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa pahayag ni Gretchen, sa Instagram account nito noong nakaraang Oktubre, na wala itong balak idemanda si Claudine dahil masasayang lang ang kanyang “precious time”?

Sabi ni Claudine, “Hindi ko alam kung…wala rin naman akong pakialam actually, wala akong pakialam.

“Precious time niya? Well, it just goes to show na inuubos niya nang inuubos ang lahat ng precious time niya sa amin—by stalking us, and by trying to destroy us, you know, my parents and I.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, at the end of the day, nakikita ng tao kung sino ba talaga ang may problema—sino ba ang may histrionic personality disorder.”

STILL A FAMILY. Sa isang Facebook post naman ni Claudine noong October 31, nagbigay ito ng mensahe ng pagsuporta sa mga magulang.

Hindi binanggit ni Claudine ang lahat ng pangalan ng mga kapatid. Ang binanggit lamang niya ay sina Gia, Mitchie, at Mito. Walang banggit kay Gretchen, Marjorie, at J.J.

Read: Claudine Barretto posts Facebook message of support for parents Miguel and Inday

Maikling paliwanag ni Claudine, “Hindi naman kasi lahat ng magkakapatid, nabibili ng pera, e.”

Malinaw na patutsada uli ito kay Gretchen, na kilalang may marangyang pamumuhay dala ng dalawampung-taong relasyon nito sa billionaire-businessman na si Antonio "Tonyboy" Cojuangco Jr.

Si Gretchen ay nasa London, England, mula pa noong Setyembre upang samahan ang anak nila ni Tonyboy na si Dominique Cojuangco, na nag-aaral ngayon doon ng fashion design.

Sa isa namang bagong post ni Claudine sa kanyang Instagram account, pinasalamatan niya ang TV host na si Edu Manzano sa suporta nito sa kanyang mga magulang.

Read: Claudine Barretto thankful to Edu Manzano for spending time with her parents, calls him her "adopted brother"

Sabi ni Claudine tungkol dito, “Nakakalungkot. Mas marami pang tao sa labas ng pamilya namin ang gustong sumuporta at magmahal sa mga magulang namin.”

Samantala, hindi raw muna iniisip ni Claudine ang kanyang showbiz comeback dahil may hinaharap pa siyang laban sa “demonyo.”

Saad ng aktres, na ngayon ay walang TV o movie project, “Well, sa ngayon, focus muna ako sa mga anak ko.

“Kasi kailangan nila ako, mahirap pa ang kalaban.

“Mahirap kalabanin ang demonyo.

“Pero mas malaki ang Diyos ko sa demonyo.”

Bakit mukhang hindi siya natitinag ng kontrobersiyang kinakaharap?

Sagot ni Claudine, “E, kasi, mabuti akong anak. Alam ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko, naging mabuti akong anak sa mga magulang ko.

“Kung ano man ang sakit na naibigay ko sa kanila man... nakapaghingi na ako ng tawad noon pa.

“At naniniwala ako, kapag suwail ka talaga, ang kakampi mo demonyo, hindi ang Diyos.”

MESSAGE FOR GRETCHEN. Ayon kay Claudine, hindi na nila ikinagugulat tuwing may lumalabas na pahayag o akusasyon si Gretchen laban sa kanya at sa kanilang mga magulang.

“Kasi, pag may sakit talaga ang tao, kailangang iano…

"We hear Gretchen’s cry for help,” sabi ni Claudine, na tila inulit lang ang naging pahayag noon ng kapatid na “We hear Claudine’s cry for help.”

Read: PEP EXCLUSIVE Gretchen Barretto to parents Mike and Inday: "We hear Claudine’s cry for help. Why can’t you?"

Alam daw ni Claudine na hindi pa tapos sa mga patutsada nito ang kapatid.

“Alam mo, the devil will always try. They will always try to bring you down.

“But at the end, they will never prevail. They will never ever prevail."

Tanong pa niya, “Ilan na sa Ten Commandments ang hindi niya nasusunod?”

Kung may mensahe siya para kay Gretchen, ano ito?

Sabi ni Claudine, “Well, sana magbago pa siya, dahil alam mo, ilang Commandments na ang hindi niya nasusunod. Yun lang.”

Bukas ang PEP sa panig ni Gretchen Barretto kaugnay ng mga naging pahayag ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN