Daniel Padilla is both happy and surprised as recognition for his TV, movie, and stage performances pours in

Daniel Padilla anticipates good ratings for Pagpag, Siyam na Buhay: “Sigurado naman maganda yun kasi binigay namin ang maibibigay namin. Nagkakasakit na nga kami ni Kathryn, pero okey lang. Mga professional na mga tao, saka masarap kasama ang mga ganoong tao, mai-inspire ka sa kanila.”


Maraming napuntahang topic ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa maikling pakikipagkuwentuhan kay Daniel Padilla.

Sa pictorial ng Pagpag, Siyam na Buhay noong nakaraang linggo, hiningan namin agad siya ng reaksyon sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Ang unang isyu ay ang balitang hindi raw hinarap ng young actor ang mga sumamang press sa isa niyang provincial show, na naghihintay sa kanya matapos ng kanyang performance.

Paliwanag naman niya rito, “Mall show? Provincial show? Tao lang po ako.

“Ewan ko ang mga taong gumaganoon sa akin, siguro, ewan ko lang kung close-minded sila.

“Pero basta hanggang makakaya ko, gusto kong i-entertain lahat ng tao, kayong lahat naman kilala ninyo ako.”


SET VISIT. Sinundan agad namin ng tanong si Daniel tungkol sa lumabas na balitang dumalaw siya sa taping ng Mirabella, na pinagbibidahan ni Julia Barretto.

Pero iwas namang pag-usapan ng batang aktor ang tungkol dito.

Aniya, “Wala naman akong kaaway, pero ‘wag na nating gawing malaking issue dahil di naman kailangan.”


NOMINATIONS. Nominado sa tatlong kategorya si Daniel sa 2013 World Music Awards, ang World’s Best Male Artist.

Makakalaban niya sina Christian Bautista, Jed Madela, at ang mga international singers na sina Justin Beiber, Justin Timberlake.

Nakasama rin siya sa mga kategoryang Best Entertainer of the Year at Best Live Act.

Ayon kay Daniel, hindi na siya umaaasa na mananalo dahil puro bigatin ang kaniyang mga kalaban.

Pakiramdam daw niya ay, “Happy, pero di naman ako mananalo. Pero sana, kahit hindi… Yun, Wow! Yun lang.

“Oo, nagulat ako kasi bakit naman ako masasali doon, e, yung pagkanta, trip-trip lang yun.”


NEW SERYE. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Daniel sa consistent high ratings ng primetime serye ng ABS-CBN na Got To Believe in Magic.

Pinagbibidahan niya ito kasama si Kathryn Bernardo, na naging ka-loveteam niya sa seryeng Princess and I, na sinundan ng pelikulang Got to Believe in Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy, dahil nga ang mga tao nagtitiwala pa rin sa amin at nagugustuhan nila ang palabas.

“Siyempre, hindi lang naman kami ang nandoon, yung ibang magagaling na mga artista pa.

“Kaya masaya kaming lahat na pinapanood ninyo ang palabas namin.”

Bilang pinakasikat na tambalan sa ngayon ang KathNiel, nagpapasalamat si Daniel sa malaking suporta ng mga tagahanga nila ni Kathryn.

Sabi niya, “Ayoko nang magsalita, thank you lang, maraming salamat lang.

“Sana hanggang sa dulo, tuluy-tuloy ang pagsuporta sa aming dalawa—talaga, maraming salamat.”


MMFF ENTRY. Pinagbibidahan ngayon ni Daniel at Kathryn ang pelikulang Pagpag, Siyam Na Buhay, na entry ng Star Cinema isa sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Excited siya sa tinatapos nilang pelikulang ito, kung saan makakasama rin nila sina Shaina Magdayao at Paulo Avelino.

Kuwento ni Daniel sa kanyang role, “Ako dito si Cedric. As usual, isa na naman akong pasaway, medyo kulang siya sa atensyon.

“Maangas, laging nasa gulo, may mga barkada, dikit siya sa mga barkada niya na sila Dominique Roque, Michelle Vito, saka si Miles.

“Happy and excited sa kalabasan ng palabas kung maganda ba.

“Sigurado naman, maganda yun, kasi binigay namin ang maibibigay namin. Nagkakasakit na nga kami ni Kathryn, pero okey lang.

“Mga professional na mga tao, saka masarap kasama ang mga ganoong tao, mai-inspire ka sa kanila.

Dahil horror ang tema ng Pagpag, Siyam na Buhay, pinakuwento namin si Daniel kung may horrible experiences sila habang ginagawa ang pelikula.

“Sa bahay mayroon, pag sa mga shooting, yung mga tao naka-experience, pero kami, wala.

“Di ba pag magsi-six na, madilim na? Yung bahay, surrounded ng bats talaga, umiikot lang sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN