Rafael Rosell says he doesn’t need to know if his co-actor is gay: “So, what’s wrong with being gay?"

Para kay Rafael Rosell, hindi raw mahalagang malaman pa niya kung homosexual ang katrabaho niyang aktor o hindi. Sabi pa nito, “If people think I’m gay, then so what? Is there something wrong with that? I think gay people are cool, I think gay people are creative, very intelligent. And a mixture of male and female, that’s yin and yang para sa akin."


Isang effeminate ang ginagampanan ni Rafael Rosell sa pelikulang Gaydar, kung saan kasama sina Pauleen Luna at Tom Rodriguez.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa presscon ng Gaydar kahapon, November 8, sa Primero Casa Filipino.

Ayon sa aktor, na dating nasa poder ng ABS-CBN at ngayon ay nasa GMA Network na, hindi siya nababahalang mapagkamalang bading sa tunay na buhay.

Aniya, “Yeah, actually, I thought we’re moving to a day and age na acceptable na whether you’re gay or not…

“Na lahat ng gay or straight, it doesn’t really matter dahil we’re starting to accept each other equally na, di ba?

“So, what’s wrong with being gay? If people think I’m gay, then so what? Is there something wrong with that?

“I think gay people are cool, I think gay people are creative, very intelligent. And a mixture of male and female, that’s yin and yang para sa akin.

“I think they’re great people. If people think I’m gay, then so what?”

Ngunit paglilinaw niya, “No, I’m not gay.”

NOT BOTHERED. May Gaydar man o wala, hindi raw bothered si Rafael kung ang makatrabaho niyang aktor ay closet gay.

Ang “gaydar” ay swardspeak na pinagsamang “gay” at “radar,” na ang ibig sabihin ay ang abilidad na malaman kung bading ang isang tao o hindi.

Wika ni Rafael, “Well personally, hindi ko naman jina-judge yung tao kung gay man siya o hindi.

“So, para sa akin, whether they’re gay or not, hindi ko na alam, dahil mga nakakasama ko naman, mababait silang tao.

“Hindi na ganung kaimportante na alamin mo. Dahil as long as nirerespeto, I think there’s an understanding na, there’s just acceptance.”

Hindi rin daw siya maiilang kung makasama man niya ang isang gay co-actor sa dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think if you’re the type of person who’ll just undress in front of anyone, yeah, you have something to worry about.

“Pero, if you change in the bathrooms, and you have your own privacy, and you show them na you’re comfortable around them, I think there shouldn’t be any problem whether they’re gay or not."

Sa katunayan, wala rin daw problema si Rafael kahit magkaroon pa siya ng kissing scene sa isang gay actor.

“If your co-actor really is gay, tapos may kissing scene kayo, then why should that be a problem?

“Ang tanong ko, bakit problema yun? I mean, you’re gonna do the role, anyway, you’re in character. E, kung bading talaga siya at bading yung character niya, then perfect.

“If you’re thinking na he’s gonna take advantage of you, then it’s how much you, parang, let them into your life.

“Dahil, s’yempre, iisipin mo, parang, ’Ay, may mawawala sa kin dahil bading siya, dahil nakapag-take advantage.’

“Pero, it’s the same situation, it’s just a different perspective.

“So you can either think na may mawawala sa ’yo or you can think na it’s just the same thing. Di ba, it’s just a matter of perspective, really.”

Si Rafael ay mina-manage ngayon ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo, na siya ring may hawak sa careers nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, ang mga nagsipagganap na gays sa teleseryeng My Husband’s Lover.

STILL SINGLE. Biro kay Rafael, isang dahilan para mapagkamalan siyang bading ay dahil wala pa rin siyang girlfriend sa ngayon.

Sagot niya, “A, yun. Okay, parang hindi ko pa kailangan, e. I haven’t met the person who I’ve fallen in love with.

“And until I meet that person, I just think it’s an exercise of futility to go chase for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, we all know na love comes when it’s supposed to, at good things comes to those who wait.

“So until I meet that person, I’m just gonna have fun and enjoy.”

Ano ba ang hinahanap niya sa isang babae? “Someone who’s open-minded, more than anything…

“No requirements, like, just really open-minded lang talaga, someone who will straddle my mind and enjoy my curiosity.”

Dahil ba sa failure ng mga nakaraang relasyon niya sa non-showbiz girlfriends, kaya’t hindi pa rin siya naggi-girlfriend hanggang ngayon?

“Inaamin ko, the first year, hindi ako nag-girlfriend dahil, I thought, I believed na ganun talaga yung buhay, na ganun talaga yung mga babae.

“Pero after that first year, I started discovering myself and I started falling in love with life, falling in love with myself.

“And the more I discovered about myself, the more I discovered about the world.

“So parang ngayon, there’s an endless curiosity to know more about people. So, in the end, I get to know more about myself."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN