Richard Gutierrez on reported child with girlfriend Sarah Lahbati: “We’re not denying nor confirming.”

“I think there will be a perfect time sa kung ano man yung inaabangan ninyong sasagutin namin. There’s a right time,” said Richard Gutierrez when asked about his reported child with girlfriend Sarah Lahbati.


Sa mga miyembro ng pamilya Gutierrez na nasa showbiz, nagkakaisa silang si Richard ang pinakapribado sa kanilang lahat.

Kaya naman sabi ng kakambal ng aktor na si Raymond, si Richard ang una niyang kinausap para sa gagawin nilang family reality show na It Takes Guts To Be A Gutierrez.

Hindi raw naging ganun kahirap para makumbinsi at pumayag si Richard.

Sabi ng dating Kapuso star, “Napag-isip-isip ko rin na, bakit hindi?

"I think it’s gonna be a good show for the audience."

Opisyal na inanunsiyo ng pamilya Gutierrez ang gagawin nilang reality show sa susunod na taon sa isang press conference na ginawa kahapon, November 7.

Ang presscon ay dinaluhan ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, at ng mga anak nilang sina Ruffa, Richard, at Raymond.

Ayon kay Richard, hindi sila nag-aalala na mapanood ng mga tao ang pangkarinawang araw ng kanilang pamilya.

Sabi niya, “Wala namang itinatago ang family namin. We just work hard for the family.

“Typical Filipino family kami—nandiyan ang mom ko, nandiyan ang dad ko, nandiyan ang mga kapatid ko.

"So, maganda rin na makita ng mga Pilipino yung dynamics ng family namin, how we are sa loob ng bahay.

“I think it’s also exciting for the audience.”

Bukod sa mga magulang at kapatid, inaasahan din na makikita sa naturang show ang girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati.

“Of course, kung ise-share ko ang buhay ko sa harapan ng camera, kailangan mai-share ko yung buong buhay ko.

“Yes, of course, Sarah is part of my life.

“Huwag na lang ma-surprise ang mga tao if she’s gonna come out on the show once in a while.

“I’m not saying that she’s gonna be part of the show the whole time, but sa show, once in a while, expect that,” saad ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



REVELATIONS. Dahil mabubulatlat na sa publiko ang buhay ng pamilya Gutierrez sa kanilang reality show, natanong ng press kung may revelations na mapapanood dito.

Isa marahil sa mga revelation na aabangan ng mga manonood ay kung totoo nga bang may anak na sina Richard at Sarah.

Read: Source: Sarah Lahbati gave birth to baby boy in April

Sa huling panayam kay Sarah, hindi niya diretsang kinumpirma o itinanggi ang balitang ito.

Sa halip, ang sinabi lamang niya: “I’d rather not comment…”

Read: Sarah Lahbati files criminal case against Atty. Annette Gozon-Abrogar

Ganito naman ang naging sagot ni Richard nang tanungin ng press kahapon: “We’re not denying nor confirming.”

Sabi pa ng aktor, "Alam n’yo, ang problema rin kasi minsan, minsan napapangunahan kami ng ibang tao.

“I think, mas maganda siguro kung naturally, it will come from us.

“Mas maganda ‘yon kaysa pinipilit ng mga tao kung ano yung dapat naming sabihin.

“Pero abangan n’yo na lang.

“Right now, marami ngang nangyayari sa buhay namin ni Sarah.

“I think there will be a perfect time sa kung ano man yung inaabangan ninyong sasagutin namin.

"There’s a right time.”

Hindi pa sinabi ng Gutierrez family kung saang network ipalalabas ang kanilang reality show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN