Dingdong Dantes releases statement on NCCA ambassadors controversy

"Whether I am cited, recognized, patronized or not, I will continue to strive to represent and be a better version of myself," bahagi ng pahayag ni Dingdong Dantes kaugnay ng kontrobersiya sa pagtatalaga sa ilang celebrities bilang ambassadors ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA).


Naglabas ng opisyal ng pahayag ang aktor na si Dingdong Dantes kaugnay ng kontrobersiya sa pagkakapili sa kanya bilang ambassador for youth ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA).

Matatandaang noong November 3 ay nailathala sa Facebook page ng Philippine Arts Festival Facebook ang mga larawan ng “NCCA ambassadors” para sa iba’t ibang larangan ng sining at kultura.

Bukod kay Dingdong, napili ring "NCCA ambassadors" sina Boy Abunda (arts), Sarah Geronimo (music), Piolo Pascual (culture), Ogie Alcasid (heritage)...

Venus Raj (Dayaw indigenous people), Jericho Rosales (Taoid indigenous people), Shamcey Supsup (architecture and allied arts), Ogie Alcasid (heritage), at Lucy Torres-Gomez (dance).

Agad na kumalat ang nasabing picture-gallery ng “NCCA ambassadors” sa Internet.

Maraming Facebook users ang bumatikos dito, at may mga nagsasabi pa ngang ito ang paraan ni Pangulong Noynoy Aquino upang pasalamatan ang mga nakatulong sa kanya noong 2010 elections.

Read: PEP EXCLUSIVE. NCCA says appointment of celebrity ambassadors not connected to PNoy; answers other issues

Nauna nang nilinaw ni Lucy Torres-Gomez ang pagiging “NCCA ambassador” niya sa eksklusibong panayam ng PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon.

Ikinagulat ng politician-TV host ang pagiging "NCCA ambassador" niya dahil walang pormal na usapan tungkol dito.

Ang pagkakaalam niya ay "endorsers" lamang sila ng mga proyekto ng ahensiyang ito ng pamahalaan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Congresswoman Lucy Torres-Gomez on her 2010 NCCA pictorial: "It was not really for me to promote dance, because sino ba naman ako to do that? I just dance as a hobby!"

DINGDONG’S STATEMENT. Sa kaso naman ni Dingdong, alam niya na itinalaga siyang ambassador for youth ng NCCA.

Naging NCCA ambassador si Dingdong noong 2011, isang taon pagkatapos maluklok ni Benigno "Noynoy" Aquino III bilang Presidente ng Pilipinas.

Bilang reaksiyon sa kontrobersiyang kumakalat ngayon, isang official statement ang ipinadala ng Kapuso actor sa PEP, via text, ngayong araw, November 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang pahayag ni Dingdong:

"We are all ambassadors of who we are and what we represent.

“Like for me, I am proud to represent my family name, my country, my industry, my network, and the youth.

“Whether I am cited, recognized, patronized or not, I will continue to strive to represent and be a better version of myself.

“In this case, it does not mean that we are the best at what we do.

“I humbly think that no one can ever be best without the help of one another.

“In this situation, in our beloved rich culture, I hope for us to all just help each other in enriching what I believe is a very precious wealth of our country.

“Salamat po sa NCCA sa tiwala at sa pagpupursiging maiangat ang antas ng ating Kultura, sa kabila ng makabagong panahon.

“Ako’y nakikiisa sa inyong hangarin na patuloy na manaig ang KADAKILAAN ng Agham sa ating mahal na Bayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN