Will Ariella Arida take home the Miss Universe 2013 crown?

Kung paniniwalaan ang mga pahayag ng beauty-pageant experts, mukhang napakalaki ng tsansa ng kandidata ng Pilipinas na si Ariella Arida na manapanulan ang korona ng Miss Universe 2013.


Ilang oras mula ngayon ay gaganapin na ang Miss Universe 2013 sa Moscow, Russia.

Para sa maraming Pilipino, umaasa silang masusungkit ng kandidata ng Pilipinas na si Ariella Arida ang ating ikatlong Miss Universe crown.

Unang napanalunan ng Pilipinas ang Miss Universe noong 1969, nang manalo si Gloria Diaz sa Miami Beach, Florida.

Ang ikalawa at huling panalo natin sa sinasabing pinakaprestihiyosong beauty pageant sa buong mundo ay noon pang 1973, nang masungkit ni Margie Moran ang korona sa Athens, Greece.

Ibig sabihin, 40 taon na ang nakalilipas mula nang huling may manalong Miss Universe na Pinay.

Ngunit nitong nakalipas na tatlong taon ay naging masuwerte ang mga kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe, dahil palagi silang nakakapuwesto sa Top 5.

Si Venus Raj ay naging 4th runner-up noong 2010.

Si Shamcey Supsup ay naging 3rd runner-up noong 2011.

At si Janine Tugonon ay muntik nang masungkit ang korona nang maging 1st runner-up siya noong 2012.

CONTINUING THE WINNING STREAK. Ngayong 2013, ayon sa beauty experts, mukhang magtutuluy-tuloy ang suwerte ng Pilipinas sa Miss Universe.

Sabi pa ng mga ekspertong ito, malaki ang tsansa na maiuwi ni Ariella ang korona.

Ito ay dahil sa magandang ipinakita ni Ariella sa preliminary competitions—swimsuit at evening gown—at sa iba pang activities na may kinalaman sa pageant.

Ayon sa respetadong beauty-contest critic na si Osvaldo Inbanchi, "one of the best contestants" sa Miss Universe ngayong taon si Ariella.

Sinang-ayunan din ito ng iba’t ibang beauty-pageant websites at blogs, kung saan pumuwesto si Ariella sa kanilang Top 5 predictions.

Ayon sa website na Ms. Universe Pageant Hotspot, kasama ni Ariella sa Top 5 ang mga kanidata mula sa USA, Puerto Rico, Spain, at Ukraine.

Ito ang nakasaad na paliwanag sa website kung bakit nakasama sa kanilang Top 5 si Ariella:

"Her invitations to special sponsorial events are left and right. She was everywhere. She’s very visible in almost all activities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s controversial, she’s one of the most-talked about candidates, she’s a frontrunner, and a real standout.

"She did an outstanding performance in the preliminary competition and aced every single battle in Moscow.

"She deserves every single right to be in the top list. She will be there like Janine, Shamcey, and Venus.

"In any way possible, we wish she could ace the Q&A and shine through!"

Ngunit, ayon din sa website, hindi mapapanalunan ni Ariella ang korona.

Paliwanag nila: "She’s in our top 5, but we believe that it’s not yet time for the Philippines to have its third Miss Universe.

"Why? It’s because she lacks the appeal of a Miss Universe queen. She’s inconsistent.

"We heard that she is favored by the MUO to win, and that she’s one of the ’Trump Six.’

"If that’s the case, then our vibe might not be correct. But it’s always NO for the crown for her... that’s what we believe."

ODDSMAKERS. Maging ang Las Vegas oddmakers ay naniniwalang malaki ang tsansa ni Ariella na mapanalunan ang Miss Universe crown.

Mayroon daw 9/1 odds ang kandidata ng Pilipinas na manalo; bagamat mas mataas daw ang tsansa ng kandidata ng India na si Manasi Moghe na maiuwi ang korona dahil sa 8/1 odds nito.

Ang mga kandidata naman ng Azerbaijan, Panama, at France ay pare-parehong may 10/1 odds na maiwui ang korona.

Ayon naman sa website na Emirates 24/7, malamang na maulit ngayong 2013 ang naging labanan ng final two ng Miss Universe noong isang taon.

Matatandaang ang naglaban para sa Miss Universe 2012 crown ay sina Janine Tugonon ng Philippines at Olivia Culpo ng USA.

Sa huli ay ang kandidata ng USA ang nanalo, at si Janine ang naging 1st runner-up.

Ngayong taon, malamang daw na ang Philippines at USA na naman ang matira sa bandang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kandidata ng USA ngayong taon ay si Erin Brady.

Ngunit umaasa ang maraming Pilipino na maiba naman ang resulta, at si Ariella ang magsuot ng korona.

NOT IN THE TOP 16. Kung mayroong websites na humuhulang makakasama sa Top 5 si Ariella, mayroon ding nagsasabi na hindi makakapasok kahit sa Top 16 man lang ang pambato ng Pilipinas.

Sa final prediction ng mga beauty pageant websites na Missology at GlobalBeauties.com ay hindi kasama ang Pilipinas sa kanilang Top 16.

Ayon sa Missology, ang may pinakamalaking tsansang manalo ay ang mga kandidata ng Poland (Paulina Krupinska) at Spain (Patricia Yurena Rodriguez).

Sa Globalbeauties.com naman, ang kanilang Top 5 ay ang mga kandidata mula sa Spain, France, Ukraine, Puerto Rico, at Israel.

Mapapanood ang live telecast ng Miss Universe 2013 dito sa Pilipinas sa cable channel na Velvet, simula alas-dos ng madaling-araw ng Linggo, November 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN