PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto says she has no choice but to "move forward" after her marriage to Raymart Santiago fell apart

"Puwede mong lokohin ang sambayanang Pilipino, na ito ka, ito ka, mabuti, masaya ang buhay mo, peaceful ka, may peace of mind ka, masaya ka. But your behavior will reflect otherwise," says Claudine Barretto.

She adds that she is "moving forward": "Para ma-end na ‘tong mga abuses, para ma-end na ’tong kung anumang paghihirap itong dinadanas namin.”


Kung ang estranged husband niyang si Raymart Santiago ay unti-unti nang nagmu-move on, si Claudine Barretto naman ay "moving forward" na raw pagkatapos ng kanilang paghihiwalay.

Sa ikalawang bahagi ng eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine, napag-usapan ang ongoing legal battle nila ni Raymart.

Naganap ang panayam sa advance birthday party ng legal counsel ni Claudine na si Ferdinand Topacio, noong Huwebes, November 7, sa Society Lounge sa Makati City.

Matatandaang humingi ng Temporary Protection Order (TPO) si Claudine laban kay Raymart, na pinahintulutan naman ng Marikina Regional Trial Court.

Ito ang dahilan kung bakit nasa kustodiya ngayon ni Claudine ang dalawa nilang anak ng aktor—sina Sabina at Santino.

Bilang sagot dito ay naghain naman si Raymart ng habeas corpus upang makuha ang kustodiya ng kanilang mga anak.

Nagsampa rin si Claudine ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act laban kay Raymart noong August 29, 2013, sa Marikina Regional Trial Court.

Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago

Pahayag ni Claudine tungkol sa estado niya ngayon: “Moving on… Siguro, I’m moving forward.

"I think, siguro kailangan, e, you really have to.

"And you’re left with no choice anyway.

"Ako siguro, when… nung nag-start na ‘tong kaso na ‘to, alam ko na wala na akong ibang pupuntahan kung hindi mag-move nang forward.

"Para ma-end na ‘tong mga abuses, para ma-end na ’tong kung anumang paghihirap itong dinadanas namin.”


CLAUDINE: "I PRAY A LOT." Nang makaharap ng PEP contributing writer na si Arniel Serato si Claudine ay maaliwalas ang mukha ng aktres.

Nasabi ni Arniel na hindi halatang marami siyang pinagdadaanan ngayon. Ano kaya ang dahilan nito?

Sagot ng aktres, “I pray. I pray a lot.

"I think yun ang pinakaimportante, yung marunong kang magdasal, magpasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because at the end of the day, it’s you and your God, e.

"Yung Diyos ang makakaintindi kung anuman ang pinagdadaanan mo.

"Puwede mong lokohin ang sambayanang Pilipino, na ito ka, ito ka, mabuti, masaya ang buhay mo, peaceful ka, may peace of mind ka, masaya ka.

"But your behavior will reflect otherwise.”

Nakakasa na rin ba ang annulment o pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Raymart?

Saad ni Claudine, “Well, ano yun, yung malalaman na lang natin.

"As of now, marami masyado silang ginagawa para mawala ang focus ko sa anuman ang dapat gawin—and I’m not giving them that."

Hindi nagbigay ng detalye ang aktres kung ano ang ibig niyang sabihin sa tinuran niyang ito.

Natanong naman ni Arniel kung ngayon bang nagmu-"move forward" na siya ay naiisip na rin niyang magkaroon ng bagong lovelife?

Natatawang sagot ni Claudine, “Naku, ayoko munang isipin ’yan!”


THANKFUL TO LOYAL FANS. Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Claudine at sa kawalan niya ng proyekto sa telebisyon man o sa pelikula, nananatiling may mga masugid siyang mga tagahanga.

Ano ang reaksiyon niya sa suporta nila?

Saad niya, “I’m so blessed. I’m so, so blessed.

"Every day, yun nga, e, may reason ako na bumangon araw-araw, because there are wonderful people who still believe in me, even when I didn’t believe in myself anymore.”

Ayon kay Claudine, ang pagkawala ng tiwala niya sa sarili noon ay dahil sa "battered-wife syndrome."

Ito rin ang paratang ng aktres, na nakasaad sa isinampa niyang kaso laban kay Raymart.

Pahayag pa niya, “When you have the battered-wife syndrome, that’s what happens, e, na you…

"I was diagnosed with battered-wife syndrome, so nawawala lahat yung bilib mo sa sarili mo or yung tiwala mo sa sarili mo.

"And when the day comes na you realize na I wanna stop being a victim, that’s the freedom that you get already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s the… dun dumarating yung time na sinasabi mong nakakapag-move on na ako.

"Naka-move forward na ako."

Mensahe pa niya sa kanyang mga tagahanga, “Maraming salamat.

"Maraming salamat sa lahat ng naniniwala, nagmamahal, lahat ng nandiyan para sa amin through thick and thin.

"Sa lahat naman ho ng nagdadasal, maraming-maraming salamat.

"Sa lahat ng hindi mabilis manghusga, maraming salamat na rin.

"Whether you choose to pick a side or not, it doesn’t matter, as long as ang hangad niyo ay kabutihan lang para sa pamilya namin.

“Maraming salamat. From the bottom of my heart, thank you.

"In behalf of my parents, I would also really thank everybody for being so kind and wonderful sa mga tao na nagmi-message para sa parents ko, to give them so much support.

"Thank you, kasi we feel very special.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto: "Mahirap kalabanin ang demonyo. Pero mas malaki ang Diyos ko sa demonyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN