Richard Gomez concerned about "total disaster" in Ormoc City after Yolanda onslaught

Gamit ang social networking sites, maraming artista ang nanawagan para sa pagkakaisa at pag-aalay ng dasal para sa mga nasalanta ng super-typhoon Yolanda. Isa na rito si Richard Gomez (na makikita sa isang lumang litrato), na bahalang-bahala sa nangyari sa Ormoc, lugar ng pamilya ng kanyang misis, si Congresswoman Lucy Torres.


Mga panawagan para sa dasal, suporta, at paalaala para sa pagkakaisa ang ipinaabot ng ilang kilalang personalidad sa social networking sites ngayong panahon ng isa pang kalamidad.

Nanalasa sa bansa, partikular na sa Visayas, ang tinaguriang super-typhoon—ang Yolanda.

Dumapo sa Pilipinas si Yolanda noong November 8, Biyernes, at pininsala nito nang matindi ang Leyte, Cebu, at Samar, kung saan kumitil ito ng di pa nabibilang na buhay at nanira ng maraming tirahan, puno, at establisimyento.

Unang nakatawag-pansin sa social networking sites ang mga posts ng aktor na si Richard Gomez, na naglarawan ng kalunos-lunos na kalagayan ng Ormoc, ang hometown ng kanyang kabiyak na si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.

Sa tweet ni Goma ay inilahad niyang tunay na malubha ang tinamong pinsala ng Ormoc, lalo na coastal barangays nito.

Sinabi rin niyang ang municipality ng fourth district ng Leyte—na kinabibilangan ng Albuera, Merida, Isabel, at Palompon—ay "total disaster."

Pati raw ang bahay ng mga magulang ni Lucy ay nagtamo ng pinsala.

Ayon sa post ng aktor sa Twitter account niyang @1richardgomez1: "roof of our house & garage are gone & 4 cars hit & destroyed by debris. Roof of the house of lucy’s parents r half gone and all glass windows."

Nag-post din ng mga larawan sa kanyang Instagram account na @richardgomezinstagram ang aktor ng kalunos-lunos na pinsala sa bayan ng Ormoc.

Samantala, kabilang naman sa mga artistang nagpaabot ng kanilang mga dasal at words of encouragement sa Twitter ay sina Sharon Cuneta, Vice Ganda, Kean Cipriano, at Enrique Gil.

Sa Instagram naman ay nanawagan sa pagkakaisa at pagtutulong-tulong sina Gerald Anderson, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, at si Donna Cruz na ngayon ay naninirahan sa Cebu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN